"Ma'am saan po tayo pupunta?" tanong ko kay Ma'am Jaira habang nandito kami sa kotse nila ngayon.
"Sa Restobar ni Wayne. You said that you are working for him, right? Ipapaalam ko sa kanya na mula ngayon, hindi ka na niya empleyado." sabi niya at ngumiti ng matipid.
Kinabahan ako sa tinuran ni Mam Jaira.
"Po? Bakit? Mawawalan na ako ng trabaho. Wag po. Kasi may utang pa po ako sa kanyang dapat bayaran eh. Pati baka po magalit yun. Wag niyo po ako alisan ng trabaho." may nerbyos kong sinabi.
"Utang? At bakit ka naman nagkautang sa kapatid ko?"
"Kasi po, hindi po namin sadya na masira yung headlight ng kotse niya ng kariton namin. Muntikan na nga po kaming ipakulong. Nagmakaawa na lang po ako na babayaran ko na lang para hindi na siya magalit at makabawi kami sa kanya." pagkwento o sa kanya.
"How much it costs? Magkano daw babayaran mo sa kanya?" Biglang tanong niya.
Napatigil ako na parang naghahanap ng sagot. Wala namang nabanggit si Wayne. Kaya sinagot ko na lamang 'ewan'. Hindi ko talaga alam.
"So he didn't say any price or how much you have to pay him, gotta work for him and that's in his restobar?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa tanong niya.
"I see. Well, that's new to him. I was surprised."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"To be honest, si Wayne yung tipo ng taong hindi mo makakakitaan bait. I can figured out how my brother treat you that day you broke his car's headlight. At iniisip ko paano mo napaamo ang kapatid ko. But I know what he saw in you." napatawa siya ng bahagya.
"Napaamo? Ano siya aso?" painosente kong tanong at sabay tumawa ng mahina at humagalapak siya ng tawa.
"Well, what I mean is that everyone has their beast inside. Some are hidden, but some are wild and dangerous. But there will always be that special person to tame that beast, effortlessly."
Medyo naguguluhan ako sa kanya.
"It's like a soft spot or let say... weakness... And I think Wayne got his." pumangiti siya ng malapad.
"Ha? Sorry po pero naguguluhan na po ako sa sinasabi niyo Mam Jaira."
Tumingin sat ngumiti siya sa akin.
"You will understand what I'm saying, soon dear. Let's go. Nandito na tayo."
Hindi ko namalayang nakarating na kami sa restobar ni Wayne. Pinagbuksan kami ng kanyang driver at bumaba ng kotse.
Agad kaming pumasok. Hindi ko alam pero parang nagmamadali si Mam. Inakbayan pa niya ako. Matangkad siya. Siguro konting lang ang lamang ni Wayne sa kanya.
Nang makapasok kami ay hinanap agad ni Mam si Wayne sa mga Waiter dito. Malapit nang magbukas ang resto at halos ay busy.
Binabati ng ilan si Mam at ngumingiti siya pabalik. Nakita ako ni Tope. Pero hindi na kamk nagkamustahan dahil pumunta kami ng kitchen kung nasaan si Wayne. Sabi kasi ni Juno ay nandoon daw.
Papasok na sana kami ng kitschen ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Wayne.
"Ate? What are you doing here?" gulat na tanong ni Wayne.
Ano daw? Ate? Mas matanda pala itong si Mam Jaira, hindi nga lang halata sa kanyang mukha.
"Hello my dear brother! How's life?" nagbeso si Mam kay Wayne at napatingin siya sa akin.
"Keith? Kanina pa kita hinahanap. Bakit ngayon ka lang? Wait, magkasama kayo?" biglang tanong niya.
"Yeah. And I came here para ipaalam sa iyo na he will resign from his job." malapad na ngiti ang idinugsong niya sa pagkakasabi noon.
"What? Why?" gulat na tanong ni Wayne.
Maging ako ay nagulat din. Wala naman akong sinabing magre-resign ako dito.
"Cause I found a work that will surely fit to him."
"No, Ate. Hindi siya aalis bilang worker ko. Keith, go to staff room. Ilang minuto na lamang ay magbubukas na tayo."
Susundin ko na sana ang sinabi ni Wayne ng pigilan ako ni Mam Jaira.
"You will stay here at my side, dear." sabi niya nang nakatingin sa akin. Bumaling siya kay Wayne. "And about his debt, ako na ang magbabayad sa 'yo...how much is it?"
Nangunot ang noo ni Wayne.
"What?"
"You heard me, my little brother Wayne. Don't act like you are a deaf." may taray sa boses ni toat nagcrossed-arms siya.
"Tsk. Why are you doing this? No. Hindi ako papayag."
"I made up my mind."
"No! Please lang. Leave Keith alone and work for me."
"Uh-uh. Bad idea... He will work with 'us'.
"Work with us? What do you mean?
Kinuha ni Mam Jaira. Yung magazine at ipinakita yun kay Wayne. Nagpapalit-palit ang kanyang tingin sa akin at sa magazine.
"Is this really you?" tanong niya sa akin.
Tumango ako ng may alilangan at tumungo. Nahkakahiya. Mukhang mag-aaway pa sila. Very wrong.
"Yes. That's him. Anong masasabi mo?"
Tumitig si Wayne sa mga pictures sa magazine. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ko rin mabasa kung natutuwa ba siya o kung anong nararamdaman niya. Nakakahiya dahil parang nag-aaway pa sila kung kanino ako dapat magtrabaho.
"No, Ate. He will stay here and work at my resto."
"You don't understand Wayne. This magazine was released last night! At usapan na ngayon yang mga photos niya sa sosyal media! And everyone was looking for him. At pagnagkataon, kahit sino ay kalalabanin ka para makuha siya as model. And it is better if we handle him. I texted Mom and Dad that I found the Keith. Well, yes. They also looking for him."
Napatigil si Wayne. Nakikita kong naiinis na siya.
"Hindi siya aalis dito. Kahit sino pa ang sumugod dito, hindi aalis si Keith sa restobar ko." matigas na sabi ni Wayne.
Ngumiti ang ate niya. At nilapitan siya.
"Why? Bakit my little brother?" tanong ng ate niya.
"Look at those picture of him." mas lumapit pa si Mam kay Wayne. Inakbayan niya ito t bumulong. "He will be the best asset for our business Wayne. Mom and Dad are looking for versatile model and they even made an audition but they failed. Go find the one. Walang deserving but Keith is effortlessly got that appeal. Ayaw mo ba na makuha ni Mom and Dad ang isang katilad ni Keith para sa fashion business natin?"
Hindi ko na masyadong narinig ang mga huling sinabi ni Mam Jaira. Nakita ko na lamang na tumingin sa akin si Wayne at sa magazine na hawak niya.
Umiling si Wayne.
"Are you afraid, little brother?" tanong ni Mam Jaira.
"No. Why should I?"
"Then your eyes are lying."
"I'm not..."
"Yes you are. What are you afraid of?"
Masamang nakatingin na si Wayne sa kanyang Ate. Nababasa kong mukhang tinitiis lang ni Wayne na huwag magalit dahil sa matanda ito sa kanya.
Hindi ko na rin alam kung ano bang pinag-uusapan nila.
"I know you my brotha! There is a reason why and I can spill what that reason is."
"Stop it. It's not what you think!"
"Yes it is. My brother is falling..."
"I said stop it! Tsk. Okay fine! Just take him! Pero kailangan lagi akong nandoon. Sagot ko pa rin siya dahil ako nagdala sa kanya dito. Or better, we will work together." sabi ni Wayne at ibinalik kay Mam Jaira ang magazine.
"Sure. Alam kong papayag din si Mom and Dad. Babalik ka na sa pagiging model after 2years."
"Tsk. Whatever. I do it for business."
"I know. And for Keith." tumawa ng mahina si Mam Jaira.
Napailing na lamang si Wayne ayt umalis sa harapan namin.
"Ano pong napag-usapan niyo? Nagtalo po ba kayo?"
Ngumiti siya sa akin
"Nah. Don't mind us. Were just like that, you know... Siblings thingy...anyways..." humarap siya sa akin at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa aking mga balikat.
Ngumiti ito at inayos ang magulo kong buhok.
"Get ready Keith. Expect the unexpected."
---
"Ewan ko Tope pero bibigyan nila ako ng bagong trabaho." sabi ko sa kanya.
Nagpaalam kasi ako sa kanya. Nagsabi na rin si Wayne na hindi na nga ako magtatrabaho dito sa resto at sasamaa ako kay Mam Jaira.
"Pero siguro maganda naman yung bibigay sa'yo. Marami naman silang hawak eh. Alam mo na... para rin sa inyo ni Kris."
Tumango ako.
"Naisip ko na rin yan Tope. Mabuti na lamang at nasa mabuting kamay ako. Hayaan mo, nandito ka lang naman di ba? Dalawin na lang kita."
"Nako, okay lang ako Keith. Basta kapag may problema ka nandito lang ako..." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Naramdaman kong namula ako. My gad. Very wrong naman. Pinakikilig pa niya ko! Pero inalis k oyung pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Salamat Tope ha. Promise, dadalawin kita dito."
"Let's go Keith! Hinihintay na tayo sa labas." pagsulpot ni Wayne.
Nagpaalam uli ako kay Tope. Sumunod naman ako kay Wayne. Pagkalabas ay naroon ang kotse at sumakay kami.
Pagkasara ng pinto ay agad akong nagtanong.
"Saan tayo pupunta?"
"Going home. To meet my Mom and Dad."
"Ha? Bakit?" takhang tanong ko.
"You will know once we got there." walang sigla niyang sagot.
Tumango na lang ako at tumingin sa labas habang umaandar ang kotse.
Nag-uusap silang magkapatid pero ako ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Narinig ko pa na wala daw sa bahay ang Mom at Dad nila. Nasa 'main' daw? Ewan ko hindi ko rin alam kung ano yung main na sinasabi nila.
"Keith... Wake up dear... Keith..." boses ni Mam Jaira.
Nakatulog pala ako.
"Nasaan po tayo?" tanong ko at luminga-linga sa paligid ko.
"Nasa Tagaytay tayo. Let's just go. Mamaya na natin pag-usapan okay?" sagot ni Mam.
"Asan po so Sir Wayne."
"He's already there."
Lumabas kami ng kotse. Nakaramdam agad ako ng lamig. Manipis na shirt lang kasi ang suot ko at nakapantalon pati sapatos pero ramdam ko ang lamig.
Bumungad sa paningin ko ang isang puting bahay. Hindi... isang mansyon. Dahil sobrang laki nito. May touch of gold ang kulay nito at silver. Ang ganda.
Umalis sa likuran namin ang kotse at doon ko lang napansin na may fountain. Kulay puti iyon at may iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid. Napapalibutan din iyon ng mg halaman at bulaklak.
"Wowww..." sabi ko sa aking pagkakamangha.
Sinundan ko si Mam Jaira. Umakyat kami sa hagdang tinapatan namin. Bahagyang mataas iyon. Hindi ako magkandamayaw sa pagsusuri ng buong paligid ko dahil sa sobrang ganda ng bahay. May garden sila at kita ko iyo sa aking bandang kaliwa na kahit gabi ay maliwanag dahil sa mg ilaw na naroroon.
Sa kanan ko naman ay ganoon din pero may mga statue nila Papa Jesus at Mama Mary. Maganda rin at bongga talaga.
Nang makarating kami sa napakalaking puti na pinto ay awtomatikong bumukas iyon. Bumungad sa akin ang napakabonggang loob ng bahay.
May malaking chandelier na gold ang kulay at nagbibigay ng puting liwanag, ang sahig naman ay may white tiles na sobrang kintab. Halos makita ko ang aking repleksyon. Maraming paintings at mamahaling malalaking jars. Sa tapat min ay mayroon ulit na hagdan na puti rin ang kulay ngunit kulay gold ang hawakan.
Sa dulo ng hagdan ay nakita ko si Wayne,may kasamang isang babae at lalaki.
"Good Evening Mom, Dad!" bati ni Mam Jaira.
Nakita ko silang pumababa ng hagdan. Seryoso? Mommy at Daddy nila ang nakikita ko? Pero bakit parang ngad dalaga at binata tignan? Kung sabagay. Mayaman sila. Hindi na dapat ako magtaka. Malamnang gagastos sila para sa kanilang sarili at magmukhang bata pa.
Nakababas silang tatlo. Nakasuot ang Mommy niya ng nightgown at ang Daddy niya ng pajama at polo na pantulog. Kamukha nilang dalawa ang kanilang Ina. Kamukha naman ni Liro ang Daddy nila.
Pumayuko ako at bumatu ng magandang gabi sa kanila. Nanliliit ako sasarili ko. Hindi ko alam pero parang hindi ako nababagay dito.
Nakatingin amabg da akin si Wayne.
"Sorry for interrupting you Mom and Dad." wika ni Mam Jaira.
"It's okay. Hindi pa man kami natutulog hija. Who's with you?" malumanay na sabi ng Mommy nila.
"Oh, yeah. I would like to introduce, Keith. Keith Lawrence."
"Magandang gabi po ulit. Ako po si Keith." yumuko ulit ako.
"And to be surprise Mom and dad, you are looking for a versatile model right? And I think he is fit for it."
"Really? How you say so?" sambit ng kanilang Daddy. Medyo malaki ang boses nito pero hindi naman ganoong nakakatakot.
Kinuha ni Mam ang magazine at pinakit iyon sa kanila.
"Oh.. You are the 'Keith' na viral ngayon sa social media at pinaghahanap ngayon para gawing model!" gulat na sabi ng Mama nila.
Very wrong ha. Nasa sip ko ngayon, para akong wanted na kriminal para hanapin nila. Napakasimple ko kaya.
"Yes, Mom. And lucky, ako ang nakakita sa kanya. I know na magugustuhan niyo siya. Look at those shots Mom, is he perfect for your next project?"
Inalis niya ang tingin niya sa magazine na ipinakita sa kanya at tinitigan ako nito. Para vang sinusuri ang buo kong pagkatao. Lumapit ito sa akin ta hinawakan ang aking baba. Ipinaling paliwa at kanan. Hinawakan ang aking buhok. Pumaikot siya sa kinatatayuan ko.
"I think he passed the qualifications I am looking for. What do you think, Dad?" pagkomento nito at tinanong ang lalaking ngayon ay nakatitog sa akin.
Nahihiya ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Yeah. Maybe, naturally born to be a model." sambit nito at tumingin sa babaeng ngayon ay nakaakbay na sa akin.
Born to be a model? Mukhang hindi naman. Sobra ang compliment na natatanggap ko. Aaminin kong magagamda ang kuha sa akin noong nakita ko ang mga pictures ko sa magazine. Pero miski ako ay hindi ko akalaing ganun ang kalalabasan ng pagapasok ko sa ganoong pictorial.
Akala ko nga ay hindi baliwala na yun. Hindi ko rin maabsorb kung bakit ako naririto at sumama sa kanilang magkapatid. Panaginip ba? Pero nakatulog ako kanina at nagising. Totoo ang nangayayari ngayon.
"Very good, hija. Thank you for bringing Keith here."
"Welcome, Mom. For our business, I will help you."
"I will allow him to work as our model if only if I will be back to spotlight again.." sabi ni Wayne at napatingin kami sa kanya.
"But, you said ayaw mo n..."
"That was two years ago, Mom. After all, I already moved on. At isa pa, nasa pangangalaga ko pa rin siya."
Katahimikan ang bumalot sa amin. Two years ago? Ano kayang nangyari? So nagmomodel din si Wayne? Pero nagquit? Bakit kaya? Tapos babalik?
Wala akong alam pero sa tingin ko ay mukhang malalim ang nangyari noon. Gusto kong magtanong pero alam kong wala ako sa lugar para alamin iyon.
"Are you really sure Wayne?" tanong ng kanyang Dad.
"Yes." walang pag-iisip na sabi ni Wayne.
"If that is, then that is so cool. Well, before anything else, where are you from Keith? Magkwento ka about your life... asan ang parents mo? Alam ba nilang nandito ka ngayon?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Parang may pangamba akong nararamdaman. Sasabihin ko ba ang totoo? Hindi naman din ako siguro makakapagsinungaling sa kanila. Hindi ko rin naman kayang itago. Pero paano kung nalaman nilang galing ako sa napakahirap na pamilya at ulila na? Paano kung malaman nilang nangunguha lang kami ng mga bote, yero, plastik at papel para mabuhay?
May idea naman ako mula sa kanilang pag-uusapan nila pero hindi ko pa rin lubos maisip na mauuwi sa ganito lahat. Model? Ako? Simple lang ako. At gusto ko ng simpleng pamumuhay lang. Simple lang din naman ang mga pangarap ko.
Hindi ko inaasahang mauuwi sa ganito. Ngunit iniisip ko ngayon ay ito ba ang swerte na ibinigay ni Lord sa akin? Pagkatapos ng kamalasan ay may katapusan rin pala. Ngunit hindi lang pala swerte lang. May mga pagdadaanan din pa pala bago makuha ang tunay na swerte.
Tulad ngayon, hindi ko alam ang sasabihin kp sa kanila. Hindi sa ikinahihiya ko ang pamumuhay nami noon. Simple, mahirap pero nakakaraos at. Marami akong natutunan mula kay Itay at Inay. Ang sabi pa nga ni Inay ay huwag na huwag daw akong magsisinungaling ukol sa kung anong mayroon kami. "Basta't alam mong mabuti kang tao, kahit anong mangyari, walang panghuhusga ang makakatibag ng pagkatao mo. Lagi mong tatandaan yan, anak Keith ha? Mahal na mahal ka ni Inay. Kayong dalawa ni Kristan." iyan ang mga katagang iniwan sa akin ni Mama.
Pero bakit parang natatakot akong mahusgahan? Bakit hindi ako makapagsabi ng kahit ano man sa taong nagtatanong sa akin ngayon..
"Ah. Eh... Ano po.. Ahh.." napatingin ako kay Wayne.
"Let's not talk about that tonight. Bukas na lang, Mom. Mukhang pagod na rin si Keith ngayon." wika ni Mam Jaira.
"Sorry. Okay, let's call it a day. Tara na at magpahinga. Dito ka na rin muna tumuloy ngayong gabi Keith. Delikado kung uuwi ka pa." sambit ng Mommy nila.
"Don't worry. I will take care of him." sabi naman ni Wayne.
"Oh siya, tara na at magpahinga. Tomorrow is another day. Goonight!" sabi ng Mommy nila
Umakyat sang magulang nila Sir Wayne at Mam Jaira. Naiwan kaming tatlo ngunit nagpaalam din si Mam Jaira na pupunta na siyang kwarto niya. Naiwan kaming dalawa ni Wayne.
"Let's go. Matulog na tayo." wika niya.
Naglakad siya paakyat ng hagdan.
"Teka lang.." pagpigil ko sa kanya. Napatigil siya sa pag-akyat at lumingon sa akin. Nakita ko na naman ang kanyang mukha ang bored expression. Walang emosyon.
"What?"
"Saan ako matutulog?" tanong ko.
"Tsk." umirap siya. Eh kung dukutin ko kaya ang mata niya? "I said I will take care you, right?"
Tumango ako.
"You will sleep with me tonight."