Chapter 16

2390 Words
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Wayne. Sa totoo lang, kwarto sa kwarto niya. Ibig kong sabihin, sobrang laki ng kwarto niya. Kung ikukumpara sa bahay namin, wala pang kalahati noon. Kaya ko nasabing kwarto sa may kwarto niya ay nakatago ito. Hindi mahahalata dahil yung dingding mismo ang nagsisilbing pintuan nuon. Nakakamangha lamang. Kaya ibig sabihin, hindi yung iniisip ko kanina na matutulog kaming magkatabi. Doble ang kahulugan kasi kapag binibigkas niya. Pero expect ko na yun. Kilala ko na siya kahit papano. May ilang damit na binigay sa akin si Wayne. Nakapaper bag pa nga iyon. Kumpleto. Shorts, pants, t-shirts, sando at may pantulog at pang alis din. Sobrang dami. Binigay niya sa akin noong bago ako maligo. Ipinakuha rin niya yung ilang gamit ko kung sakaling hindi ako maging comfortable sa susuotin ko ay pwede naman yung mga damit ko. Nagpasalamat ako. Sabi pa niya ay hindi naman daw kami magtatagal dito. Doon daw kami sa condo unit niya tutuloy. Naisip ko nga ang kapatid ko, sabi niya ay sina Nay Karing na ang bahala kay Kristan. Napanatag naman ang loob ko. Alas dose na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Parang hindi man lang ako napagod. Ang daming tumatakbo sa isip ko at nakahiga lamang ako sa napakalambot na kama, na bukas ang lampshade, at  nakatingin sa bintana. Subalit dahil sa hindi ako makatulog ay nagpasya akong tumayo at pumunta sa may bintana para magmuni-muni. Tumingin ako sa langit na puno ng mga bituin at naroon din ang halos bilugang buwan. Ang gandang pagmasdan. Sabi nila, kapag namatay daw ang tao, nagiging star daw. Nakakatuwang isipin at naniniwala pa rin ako doon. Pero sana kung ganoon man ay isa sa mga bituin na nakikita ko ay sina Itay at Inay. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila bukod sa mahal na mahal ko sila. Miss ko na rin talaga sila. Iniisip ko paano kaya kung hindi nangyari ang insidenteng 'yon? Ano kayang buhay namin ni Kristan? Masaya naman kami eh. Kahit wala na ang Itay at Inay, kinakaya namin. Paano kaya kung hindi na lamang ako nagpumilit na bayaran si Wayne? Baka ngayon ay naroon ako sa fastfood kasama ni Ariola. Nakakamiss ang simpleng buhay namin noon. Pero ngayon, dahil sa hindi inaasaahang pangyayari, naging magulo ang mundong ginagalawan ko. Nabibilisan ako sa mga pangyayari. Iniisip ko nga ay mabilis na ba ang ikot ng mundo? Hindi ko man lang malaman na paparating ang ganitong mga bagay. Tulad noong sa trabaho na inalok ni Jules. Tapos ngayon ko lang nalaman na ang pamilya pala ni Wayne ay kilala sa fashion at sa branded na damita at silang dalawang magkapatid ay mga model. Ngayon naman inaalok akong magmodel. Hindi ko alam kung deserve ko ba ang bagay na iyon. Oo at alam kong kahit sino ay papayag sa inaalok ng pamilya ni Wayne pero ang akin lamang ay hindi pa ako handa. Wala nga akong sa bagay na 'yon. Yung alok ni Jules ay nauwi sa hindi magandang pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung hindi ko susubukan. Hindi ko malalaman kung hindi ko tatanggapin. Wala naman sigurong mawawala. Kung papayag ako. Pero ang ipinapangamba ko na baka pagnalaman nila ang aking pinagmulan ay husgahan nila ako. Baka hindi nila matanggap ang isang katulad ko. Swerte kung tutuusin ngunit iniisip ko pa rin kung anong kahihinatnan ko kung papasukin ko ang pagmomodelo. Alam kong maraming nangangarap na umangat ss buhay at isa na ako doon. Hindi ko lang lubusang maisip na mauuwi sa pagiging ganito. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi agad maabsorb ng isipan ko. Napayakap ako sa sarili ko. Malamig. Suot ko lamang ay pajama at isang manipis na pink t-shirt. "Itay, Inay... kung nasaan man kayo ay sana iparating ninyo kay Lord na sana gabayan ako sa mga desisyon at sa mga mangyayari sa akin sa mga susunod pang mga araw. Sa akin, sa amin ni Kristan. At sana ay maging maayos kaming dalawa. Kayo po ang gagawin kong inspirasyon sa lahat ng bagay na gagawin ko. Miss na miss ko na po kayo, Tay, Nay.." naramdaman ko na lamang ang luhang tumulo sa aking mga pisngi. Isang katok ang nagpanumbalik sa akin sa realidad. Agad kong pinunasang ang tumulong mga luha at kinalma ang aking sarili.. Napatingin ako sa dingding kung saan ang nagsisilbing pintuan ng kwartong ito. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa nito si Wayne. Nakapantulog na rin s'ya. Pajama na kulay asul at hapit na puting sando. Lumilitaw ang kanyang hunk niyang katawan. Katawan na ilang beses ko na ring nakita. Napalunok ako. Hindi ko alam pero parang iba ang dating niya ngayon sa akin. Nakadagdag sa kanyang appeal ang mahaba at blonde na buhok niya. Kahit medyo madilim ay kita ko ang kanyang kutis. Nakadagdag na rin siguro ang ilaw ng lampshade. Kita ko rin ang mukha niya na ngayon, para sa akin, ay lalong gumagwapo. I mean, natural na siyang gwapo pero sa t'wing titignan ko siya ay mas lalo siyang gumagawapo sa paningin ko. Ang weird pero, kung ikukumpara kay Tope, kung ano nakita ko sa kanya ay ganoon pa rin pero kapag kay Wayne ay mas nadadagdagan. Ewan ko pero parang tumagal ng ilang minuto na nakatitig lamang ako sa kanya at nakatayo lamang siya. "Why are you still awake?" pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa dahilan na rin para umiwqs ako ng tingin sa kanya at muling ibaling ang aking mga mata sa labas ng bintana. "H-hindi ako ma-makatulog." utal kong sagot. Narinig ko ang nga hakbang niya at mayamaya ay nasa tabi ko na siya. Nakatingin rin sa labas ng bintana. Napatingin ako sa kanya. Nakapamulsa siya at ngayon ay kita ko ang kanyang balat na naliliwanagan ng buwan. Yung kanyang braso na may muscles at makikitaan ng ilang mga ugat. Tumingala ako ng kaunti dahil matangkad siya. Tumingala siya at nakita ko ang kanyang leeg. Makikita roon ang kanyang adam's apple. Dumako ang paningin ko sa kanyang mukha. Kahit nakaside view ito sa akin ay hindi ko maikaila na talagang gwapo siya. Nakapilit siya.. Nakaramdam ako ng init at nalito ako sa naramdaman kong iyon. Napalunok ako ulit at nag- iwas ng tingin dahil sa nararamdaman ko. No, Keith. Gwapo lang talaga siya. At yang nararamdaman mo, hindi pepwede. Wala ka pang alam Keith "Me too, I can't sleep." boses ni Wayne na ngayon ay nakatingin sa akin. Ramdam ko iyon kahit hindi ako nakatingin sa kanya. "Ba-bakit?" utal ko na namang tanong. "I dunno... But my mind can't stop thinking about you and maybe... that's why." sabi niya sa pinakamalambing na tono. Ibang-iba sa tono dati at ramdam ko pa ring nakatingin siya sa akin. Namula ako sa sinabi niya at napatungo. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko o ipapakita ko sa kanya. Maya-maya pa ay niyaya n'ya ako sa kwarto niya. Naghanda daw siya ng midnight snack. Sumunod na lamang ako dahil hindi pa naman din ako makakatulog. Nakahain sa may maliit na mesa niya ang pagkain. Pizza at juice. Pinaupo niya ako at kumain. Medyo naiilang ako. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o pauunahin ko siya. "Hmm.. Wayne. May tanong ako.." pagsisimula ko. Tumingin lang siya sa akin habang kagat niya ang pizza. My gad. Bakit ang hot niya? "Tungkol sa pagmomodelo, seryoso ba yun?" nahihiya kong tanong. "Mukha bang nagbibiro sila Mama at Papa?" "Hindi naman sa ganun pero..." napatigil ako saglit. "Eh di ba. Alam mo naman kung saan ako galing kung ano ako. Tapos hindi naman ako galing sa mayamang pamilya o kahit sa normal na pamumuhay. Sa tingin mo ba, matatanggap nila ako? Kung sabihin kong basurero kami, hindi ba nila ako huhusgahan?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Napatigil siya sa mga tanong ko. Miski ang pagnguya niya ay bumagal at base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay mukhang hinahanap pa nito ang isasagot sa akin. "No. My family are not judgemental like what you think. And who will say na galing ka sa lansangan at isang junk gay man na biglang naging modelo?" "Pero kasi... May nakakakilala rin sa akin.. Sa barangay namin." "Are you bothered by bashers?" tanong niya at nakakunot noon niya akong tinignan. "Bashers? Hindi naman tungkol doon. Iniiisip ko lang kung deserve ko talaga ang inaalok sa akin. I mean parang ang bilis... hindi ko man lamang naisip na darating ako sa puntong ito. Gusto ko ngang isipin na panaginip na lamang ang lahat, kasi hindi ko talaga lubos maisip na nangyayari sa akin ang mga ganito." "Just think this is the big shot for you. Hindi naman lahat nang nagsisimula ay may kaya. Hindi naman din lahat ng sikat ay talagang galing sa mayaman. Nakukuha yun ng unti-unti, Keith. Kuung hindi dahil sa photo studio ni Jules ay baka wala tayo dito at naroon tayo sa bar ko ngayon." Tumigil siya saglit at nagsalitang muli. "And oh, remember the guy who attempt to rape you?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "I dunno if it will shock you or make you happy.. He's dead." Nanlaki ang mata ko. Patay na? "Papaanong... Akala ko nakulong lang yu..." "I ordered some men to kill him but before that, I made him suffer inside the jail." "Ikaw ang nag-utos? Pero bakit?" halos nabitawan ko ang pizza na kinakain ko pero siya ay nakatingin sa kawalan habang kinakain ang pizza niya at nagkukwento sa akin. "Baka gawin niya pa sa iba. Just simple as that. He touched you, he hurt you. As long as you , then whoever will touch you or even just stare at you with malice are going to die." Sa mga sinabi niyang iyon ay hindi kagad rumehistro sa isip ko kung bakit kailangan niyang gawin pa iyon. Nakakulong naman yung tao pero bakit humantong pa sa ganoon? Ano ang gusto niynag palabasin? "Pumapatay ka ng tao?" tanong ko. "No. Not me." "Pero inutusan mo sila." "Yeah. But they don't know me." "Pero...." "Tsk. I knew it. This was a bad idea to tell you about this. Alam kong marami kang itatanong. You are too innocent. People will do anything just for the money and that's the reality. Throw money to them then they will do everything kahit pa ang pumatay." "Bakit kailangan mo pang gawin yun? Nakakulong na siya at pagbabayaran naman niya ang ginawa niya subalit hindi ko akalaing aabot pa sa ganoon." Napatawa siya ng bahagya. "The world is cruel, Keith. He might get back once na masistensyahan siya. Maaring mapahamak ka ulit. He deserves it. And unlucky for him, he experienced what a dangerous man can do." Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Dangerous? "I do it for you Keith. Para makabawi man lang ako. Pero don't worry. Hindi ko naman hobby yun. But once na mayroong humawak ulit sa'yo, binastos ka at kahit sino pa yan, they will see Satan in hell within a minute." Nakakatakot. Pero hindi naman niya kailangang gawin pa iyon. "Nasa pangangalaga kita Keith. Kaya kahit anong mangyaring hindi maganda sa'yo ay kagagawan ko at hindi ako titigil habang hindi sila nawawala sa landas mo o landas ko. This the only way para maramdaman mong kaya rin kitang kaya kitang alagaan. Na hindi lahat ng pagkakataon ay kamalasan ang dala ko. Tanggapin mo na ang alok nila sa'yo. Babalik din ako sa dating passion ko. Para bantayan ka, para sabihin sa kanilang walang pwedeng humawak sa'yo. Makikita ka nila pero hindi maangkin. At kung sino man ang magtangka, dadaan muna sila sa mga kamay ko." "Wayne..." "Nagtataka alam ko. Hindi ko rin alam ang sagot kung bakit pero one thing is for sure. It sounds crazy, but I can be dangerous to all just for you, babe..." Hindi ko alam kung anong kailangan kong i-react sa sinabi niya pero para bang kulang na lang ay bakuran niya ako para hindi ako makawala. Ilang segundo rin ang namuo sa pagitan namin. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko dahil may takot din akong nararamdaman. Gumaan ang loob ko sa sinabi niyang gusto rin niyang ipakita na hindi siya malas sa akin. Pero natatakot ako sa maaari niyang gawin. Nakakagalak na marinig sa kanya ang mga bagay na iyon ngunit parang kailangan ko pa ring mag ingat. Dahil sa wala akong mahanap na salita sa mga sinabi niya tumayo ako at naglakad. Tinungo ko ang terrace ng kwarto niya.. Malamig ang hampas ng hangin. Tanaw ko dito ang kabuuan ng kanilang bahay. Maganda talaga at malaki. Maya, maya ay naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa balikat at napatingin ako sa kanyang kamay. "Look at me..." sabi ni Wayne. Ewan ko pero parang awtomatikong gumalaw ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang kanyang mukha. Ang mga mata niya ay parang nangungusap. Napalunok ako dahil nakita ko rin ang kanyang labi na mapula. Iiwas na sana ako ng ng tingin ngunit pinigilan niya ito ng isa niyang kamay at ipinaharap niya muli ako sa kanya. "It sounds funny but, this is the first time I will tell you this..." tumigil siya saglit at lumapit pa nga kaunti sa akin. "...You are beautiful, Keith. It might creep you up but... I like you." Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Parang nawalan ng kakayahang magpadala ang utak ko ng utos sa katawan ko upang rumesponde sa sinabi ni Wayne. Basta ang alam ko ay para na akong kamatis ngayon sa pula. Parang may nagtatambol ng dibdib ko sa sobrang laks at bilis ng t***k nito. Hindi k omaintindihan pero bakit ako? Ako gusto niya ako? Kailangan ko bang maniwala? Hindi rin ako makagalaw. Nasa chin ko pa rin ang kanyang kamay at nakita kong unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakita ko pang pumikit at dahilan na rin iyon para pumikit ako. Hinalikan niya ko... Sa pisngi. Isa. Napamulat ako at nakita kong lumayo siya ng kaunti at hinalikan ulit ako sa kabilang pisngi ko naman. Dalawa. Naulit ulit iyon sa kabila hanggang sa nakaapat siya. Tapos ay lumayo siya at hinalikan ang aking noo. Akala ko ay tuluyan na siyang lalayo sa akin pagkatapos niyang halika ako sa noo ngunit nabigla na lamang ako ng dumako ang halik na iyon sa aking labi na siyang ikinagulat at ikinalaki ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD