Chapter 17

2464 Words
I can do everything. I can mark you as mine... as mine... Only mine..." Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isip ko ang mga katagang binitiwan ni Wayne. Ang sarap pakinggan ngunit nandoon pa rin ang aking pangamba. Sino ba ang hindi matatakot dahil halos kulang na lamang ay ikulong niya ako para hindi maangkin ng iba base sa mga sinabi niya sa akin. Halos nadala ako sa nangyari kagabi. Muntikan ko ng isuko ang aking sarili. Ramdam ko pa rin ang kanyang mga labi sa labi ko. Napahawak ako sa aking labi habang aking inaalala ang nangyari kagabi. Ganun pala ang halik. Mainit sa pakiramdam pero nakakadala ang sensasyong duloy nito. Unang karanasan ko kaya't hindi ko alam ang gagawin ko. Noong una ay hindi ako makatugon sa kanyang mga halik hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga labi sa labi niya. Nabigla ako ng maramdaman ko ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Ginaya ko siya. Hanggang sa sinipsip niya ang dila ko. Hindi ko alam na pwede pala yun. Para akong nawala sa sarili noon at lalo kong idiniin ang kanyang halik sa akin. Masarap at aminado ako doon. Mabango ang kanyang hininga at lasa ko ang ginagamit niyang mouth wash. Kaya siguro nadala ako. Naalala ko rin ng halikan niya ako sa baba papuntang leeg at doon ako nakaramdman ng kakaibang init sa katawan ko. Subalit parang nagising ako at pinigilan siya. Hindi ko rin matindihan ang sarili ko. Oo at ginusto ko pero hindi pa ako handa. Wala pa akong alam at gusto ko ay sa taong mahal ko at mahal ako unang mararanasan ang ganoong bagay. Hanggang sa narinig ko na lamang na gusto niya ko at marinig ang kanyang confessions sa harapan ko. May kung anong kumiliti sa puso ko ngunit nandoon pa rin ang pangamba na hindi kami umabot sa iniisip ko... na baka gusto lang niya ako at hanggang doon lamang. Baka umasa ako at malaman kong hindi niya ako mahalin... o hindi niya subukan na ako ay mahalin. Masarap sa pakiramdam na gusto niya ako. Aaminin kong gusto ko rin siya. Pero natatakot akong mahulog ng tuluyan. Sa ngayon, siguro ay hahayaan ko muna ang ganitong sitwasyon namin. "Wayne... hindi ko alam ang isasagot sa 'yo o ang dapat na maging reaksyon sa mga sinabi mo. Ngunit gusto kong malaman mo na masaya ako. Masaya dahil hindi ko akalaing gusto mo ako. Takot... dahil sa mga sinabi mong iyo lamang ako at naduduwag ako dahil baka sa pagkakatong natutunan kitang mahalin, ay hindi mo ako kayang mahalin pabalik..." mga pahayag na sinabi ko sa kanya kagabi. Wala siyang reaksyon. Ni hindi rin siya nakapagsalita dahil sa isinagot ko sa kanya. Oo takot akong baka panaglian lamang nag nararamdaman niya. Siya na rin ang nagsabing lalaki talaga siya. Oo at gusto niya ko pero kahit na ganoon ay magkaiba ang gusto ka, sa mahal ka. Gusto niya ako at iyon marahil sa pisikal na katangian nakikita mula sa akin. Gusto niya ako dahil sa bagay na ipinakita ko sa kanya. Yun ay gusto niya ako dahil maganda ang loob at labas na kaanyuan ko. Iba iyon sa kung mahal niya ako. Mahal niya ako dahil kahit ganito ako, na bakla ako ay kaya niyang tanggapin iyon. Mahal niya ako kung walang rason kung bakit niya nararamdaman ang bagay na iyon. Tanggap niya lahat sa akin. Kaya't natatakot akong mahulog din sa kanya. Hahayaan ko na lamang muna na mangyari kung ano man ang nakatadhan at kung sakaling mahulog man ako ay hindi ko ipagkakait na malaman niya iyon. Mahalin man niya ako pabalik o hindi ang mahalaga ay naging tapat ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Wala akong narinig sa kanya. Kapwa nakatitig lamang kami sa isa't-isa. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at kanya akong hinalikan ulit. Hindi naman gumalaw ang halik na iyon. Mariin lamang at ilang segundo ang itinagal. Hinalikan din niya ako sa aking noo at niyakap niya ako ng mahigpit. Hihintayin ko na lamang ang panahong sabihing mahal niya ako at alam kong sa pagakakataong iyon, hindi malabong nahulog na ang loob ko sa kanya. Nakatitig ako sa kanya habang natutulog ng mahimbing. Oo. Magkatabi kaming matulog sa kanyang kama. Nakadapa siya at ang mukha niya ay nakatagilid paharap sa akin. Dahan-dahan akong umupo at humarap para panoorin siyang matulog. Mataas na ang araw pero tulog pa rin siya. Halos isang oras na rin akong nakatitig sa kanya. Kahit papaano ay nakatulog akong kayakap siya. Sabi ko nga ay doon na lang ako sa kwartong ibinigay niya sa akin subalit mapilit siya kay natulog akong kayakap siya. Gulo na ang kanyang mahabang buhok ngunit nakadagdag pa rin iyon sa kagwapuhan niya. At dahil nakabsando lamang siya ay kita ko ang broad shoulders niya na may mga muscles. Ang hot pa rin niya kahit natutulog pero para siyang maamo. Hindi katulad ng usual expression niyang poker face at lagi na lamang galit. Mahaba pala talaga ang pilik-mata niya at bagsak iyon. Yung ilong niya ay sobrang tangos. At yung mga labi niya na ngayon ay tuyo pero nandoon pas rin ang pagkamapula nito. Ang labing unang nakahalik sa akin... unang labing aking natikman. Ang mga labing unang nagsabing gusto ako at galing sa taong akala ko'y kahit kailan ay hindi ako mapapansin. Napangiti ako sa kawalan habang pinagmamasdan siya. Para siyang anghel sa kanyang pagkakatulog. Ngunit sa mga sinabi niya ng nakaraang gabi ay maari rin akong makakita ng isang mapanganib na tao kung sakaling may nagtangkang gumalaw sa akin. Dangerously possessive but sweet. Lumapit ako sa kanya. Dumapa ako para mailapit ko ang aking sarili sa kanya. Medyo malapit ang mukha ko sa mukha niya. Anit ang aking hintuturo sa kaliwang kamay ay iginalaw ko ang kanyang mga pilik-mata. Ang haba kasi. "Nakakainggit naman 'tong pilik-mata mo." sabi ko ng pabulong.. Idinako ko ang aking hintuturo sa kanyang ilong. "Tapos eto rin. Ang tangos-tangos. Asset mo ata ito eh. Tapos ang kinis kinis pa ng mukha mo. Sana lagi ka na lang tulog. Ang bait-bait mong tignan." sabi ko pa at napatawa ako ng bahagya sa huli kong sinabi. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Wala rin sa isip ko ito. Pero ang puso ko, nagagalak. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Basta't ang alam ko... ayokong makaligtaan ang senaryong ito. Si Wayne na natutulog at pinapanood ko siya. Dumako ang aking daliri sa kanyang pisngi papunta sa kanyang labi. Napalunok ako. Ramdam ko pa rin kung paano niya ako halikan ng nakaraang gabi. Inalis ko agad ang aking daliri. Napakagat labi ako. Parang... Parang gusto ko ulit... gusto ko ulit maulit.. No. Keith. Easy lang okay. Alam ko ginusto ko rin pero ewan ko ba sa sarili ko. Bakit ba ganito? "Are you watching me all night?" Napapitlag ako sa aking narinig. Napaupo ako dahil sobrang lapit ko pala sa kanya. Hindi ko na lamang namalayang gising na pala siya. Nakapikit pa ang kanyang isang mata ngunit ang isa ay matamang nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko at naramdamnan kong namula ang mga pisngi ko. Medyo husky ang boses niya but I find it sexy. Napalunok ako sa tinuran ko. My gad, Keith! Very wrong ha. Behave mo lang ang landrenaline mo. "H-hindi.. K-kagising ko l-lang din.." utal kong sagot. Iiwas na sa ako ng tingin subalit nakita kong nakangiti siya sa akin. Si Wayne? Nakangiti? First time ko yun makita. Sa akin pa nakangiti. "You are really cute. I can't promise I can resist this temptation towards you.." wika niya. Bumangon siya at pumantay na pagkakaupo ko. Nakaharap na siya sa akin ngayon. Nakangiti talaga siya. Yung mga mata niya rin ay nakangiti. "B-bakit ka nakangiti?" tanong ko. "Cause you're the first thing I saw. Smiling and watching me." tugon niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Wala akong makuhang salita para rumesponde sa mga sinabi ni Wayne. Ang alam ko lang ay namumula na ako ngayon. Bigla na lamang niya akong hinalikan sa labi. Pero dampi lang iyon. Nabigla ako at parang hindi kagad rumehistro sa isip ko ang ginawa niya. "Let's go, babe. It's already 10am. Marami pa tayong dapat gawin." wika niya at umalis sa harapan ko at tinungo ang banyo. Naiwan lang akong nakatulala sa pintuan kung saan siya pumasok. My gad Keith! ----- "Here's the phone. You need it. I already put my number at gusto ko ako lang ang nakalagay sa contact mo. Pwede kang maglagay basta related lang sa akin. Like Ate Jaira, Dad and Mom. At wala ng iba pa." sabi niya habang ibinigay sa aking ang kulay pulang cellphone. Medyo malaki ito. "Ahh. Akin na talaga to? Parang hindi ko matatanggap to. Di ba may utang pa ako sa 'yo." "Tsk. Forget that. It is the new beggining for you... and for us. Let's forget what happened and just be thankful, okay." wika niya at inabot sa kin ang isang paper bag. "Let's go! Baka hinihintay na nila tayo para makakain." Tinignan ko ang paper bag na iyon at nandoon ang picture ng phone na binigay niya sa akin. 'Iphone 7s'. Mamahalin talaga. Pero hindi ko naman alam gamitin ito. Bahala na. Nandito kami ngayon sa hapagkainan. Kaming tatlo lamang ang nandito ngayon. Si Mam Jaira, Wayne at ako. Maaga daw umalis ang Papa at Mama nila. "So Keith, are you ready? Handa ka na ba sa mga pagbabago?" tanong ni Mam Jaira habang kumakain kami. Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala rin akong ideya kung ano anong pagbabago ang mangayyari. Ngayon pa nga lang ay naguguluhan na ako. Paano pa kaya kung dumating na yung sinasabi niyang pagbabago? "Hi-hindi ko po alam. Kasi.. wala akong ideya." sagot ko at bahagyang tumigil sa pagkain. Tahimik lamang na kumakain si Wayne. Katabi ko siya at kaharap ko namin ang Ate niya. "Well, you have to be ready Keith." "Bakit naman po?" "You are really innocent, Keith. I will bring you to real studio and let you see." "Don't scare him, Ate. It won't help." nagsalita si Wayne. "I'm not scaring him. Sinasabi ko lang na dapat maging handa siya." Nagkibit-balikat lamang si Wayne sa tugon ng Ate niya. Sa totoo lang, tama si Wayne. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Alam kong hindi biro ang papasukin ko. Hindi ko naman akalaing mapupunta sa ganito. Subalit dahil nandito na lang din naman, kukunin ko na ang tsansa na ibinigay sa akin. Kagaya ng sinabi ni Mam Jaira, pwedeng hindi magkandamayaw ang paghahanap sa akin ng ibang nakakita ng aking mga litrato. Kahit may takot ay nagtitiwala naman ako sa kanila. Natapos kaming kumain. Nagpasyang igala nila ako sa kanilang studio. Daylight studio daw nila. Wala akong maisip kung anong itsura noon. Marahil ay hindi katulad ng studio ni Jules. As usual, sakay kami ng kotse papunta doon. Medyo malamig ang klima. Ramdam ko iyon kahit nakalongsleeve na shirt na ako. May pagkamanipis lang kasi ang suot ko at dagdag pa ang aircon ng kotse kaya ramdam ko ang lamig. "Are you okay?" pagtatanong sa akin ni Wayne. Magkatabi kami. Nakaakbay siya sa akin. Tumango lamang ako. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang view nito. Maganda! Kita ko ang bulkang Taal. Nanlaki ang mata ko at hindi ko mapigilang lumapit sa may bintana ng kotse at pagmasdang mabuti ang view. "Wow... Ang ganda pala dito sa Tagaytay ." manghang sabi ko. First time ko ang makakita ng ganito. "You like the view?" tanong si Wayne. Tumango lamang ako nang hindi siya nililingon. Para akong batang tuwang-tuwa sa aking nakikita. "We will explore it soon. Pagkatapos ng mga dapat nating gawin. Pero hindi muna sa ngayon.." Napalingon ako kay Wayne. Nakita kong nakamasid siya sa labas at wala sa sarili kong niyakap siya... "Talaga? Waaahhh. Thank you! Excited na kong malibot itong Tagaytay!" sabi ko ng may galak at ngayon ay mahigpit na nakayakap kay Wayne. "Hey. You don't need to hug me. Thank you is enough." reklamo niya. Tignan mo to. Parang kagabi lang ayaw niya akong pabitawin sa yakap niya tapos ako nga itong niyakap siya, chu-choosy pa! Very wrong ha! "Arte nito. Keith Lawrence na yung yumayakap sa 'yo, aarte pa?" sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. "We are on the road. Bawal malikot sa kotse. Pati nandyan si Ate." "Go ahead! I don't mind, my brother." rinig naming sabi ni Mam Jaira sa tabi ng driver. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Wayne at umupo ako ng ayos sa tabi niya. Mayamaya ay naramdaman kong nilapit niya ang mukha sa gilid ng mukha ko. Di nagtagal ay itinapat niya ang labi sa tenga ko. "You don't have an idea what are you doing to me. Im trying to resist the temptation. But if you act like that, I don't mind raping you here...." sabi niya in a sexy voice. Napalunok ako sa mga sinabi niya!! My gad! Very wrong siyang mag-isip ha! Niyakap lang ang ginawa ko pero sa kanya rape na kagad? Lugi ko naman doon! My gad! Ano bang naiisip ko?  Nakalimutan ko atang sinabi niyang pwede siyang maging dangerous... mapanganib! May pagkamanyak din pala itong taglay! Behave ka lang Keith. Behave. Hindi na ako nakakibo sa sinabi ni Wayne. Kaya pinanood ko na lamang uli ang view. "Before we go to the studio, we have to go first at our Beauty Spa.." basag ni Mam Jaira sa katahimikang bumalot sa amin nitong nakaraang minuto "Why?" tanong naman ni Wayne. "Gusto ko marelax si Keith. Tapos dadaan din tayo sa Fashionology nila Papa at Mama para masukatan si Keith at makapagsuot ng babagay sa kanya. Papalitan natin ang suot niya." "He must have to be simple." pagsalungat ni Wayne. "It's for Keith. To make Keith look good. Hindi lamang sa'yo kundi para sa masa. Just remember, we do it for business Wayne." "Tsk. Okay fine." nakasimangot na sabi ni Wayne. Hindi naman ako makasagot dahil alam kong alam nila kung anong mas makakabuti sa akin. Kung gugustuhin ko naman ay mas okay yung sinabi ni Wayne na simple. Hindi naman ako mapili. Pero dahil si Mam Jaira ang masusunod, kailangan kong sumabay sa gusto niya. "Are you ready Keith?" tanong ni Mam Jaira ng makababa kami sa kotse. Di ko rin namalayan na nakarating na kami sa sinasabing spa nila. Tumango lamang ako sa tanong. Kahit sa totoo lamang ay hindi ako handa. Suablit bahala na. Nandito na ako eh. Panindigan ko na. "Well, I'm excited!!" nagagalak na sabi ni Mam Jaira habang papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Just be ready Keith. The new you are in the making... The new Keith Lawrence will be born, now!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD