Chapter 18

1832 Words
Sa puntong ito, ewan ko ba— halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya. Excitement. Kabado. Yung tipong naiisip ko, itutuloy ko para sa aming dalawa ni Kristan, ngunit nandoon rin ang pangambang makakaya ko ba? Deserve ko ba ang ganito? Nandito na rin naman, kaya kukunin ko na. Ang akin lamang ay bakit parang hindi buo ang desisyon ko? Natatakot? Siguro... once in a life time nga lang ito pero ganoon pala ang feeling. Akala ko sa mga palabas o libro ko lang mababasa, maari rin palang mangyari sa totoong buhay. Nakakatuwa. Iba yung pakiramdam na ipagkaloob ni Lord ang ganitong pagkakataon. Nandito ako ngayon sa loob dressing room ng  Fashionology, isa rin sa mga pag-aari nila Wayne na pinatatakbo ni Ma'am Jaira. Puro damit ang nakikita ko dito. Panlalaki at pangbabae. Magaganda ang design at talaga namang sa unang tingin pa lamang ay kita na agad na mamahalin ang mga damit. Malaki ang establisyementong ito. Halos ata ng klase ng damit ay naririto. Miski mga sapatos na pambabae at panglalaki ay mayroon din dito. Sabi ni Wayne, kaakibat ito ng fashion business nila. Dito lahat kinukuha ang mga damit na kinakailangan ng kanilang mga modelo. Isa rin siyang eleganteng tindahan ng mga damit. Nang tignan ko nga ang presyo ay halos malula ako. Hindi na ako magtataka, dahil maganda naman ang kalidad at ang mga customers na nakikita ko kanina ay talagang unang tingin pa lamang ay mayayaman. Sinusuri ko ang aking sarili sa salamin. Kahit ako ay hindi ko makilala ang sarili ko. Sa halos limang oras naming ginugol sa beauty spa nila ay hindi ko akalaing malaking pagbabago ang mangyayari sa akin. Una ay nagpunta kami sa section kung nasaan ang body bleaching. Iyon kasi ang nakalagay sa may pintuan. May ipinahid yung mga staff sa akin na parang lotion pero medyo magaspang sa katawan. Medyo makati din. Ibinabad ang katawan ko ng halos treinta minutos. Pagtapos noon ay nagbanlaw ako. Pinagamit sa akin yung mga sabon na sobrang bango. Pagkatapos ng liguan portion ay pinatungo nila ako sa facial section. Doon naman ay minasahe ang aking mukha at may pinagamit sa aking mga facial wash. Sabi nga ng head staff nila ay hindi ko na daw kailangang dumaan sa mga operasyon dahil natural na makinis daw ang mukha ko. Pampamaintain lang daw ang ibibigay nila sa akin katulad ng facial wash at cream. Matapos iyon ay buhok ko naman ang pinagdiskitahan. Nakakahiya. Medyo magulo ang buhok ko at halos dalawang buwan nang hindi nagugupitan. Binanlawan nila iyon at may nilagay na shampoo. Nang matapos ay doon nila ako ginupitan. Tapos hindi ko alam kung nagupitan ba dahil mahaba pa rin. Pero nagkaroon ako ng bangs. May ipinahid sa buhok ko. Hindi ko gusto yung amoy at medyo masakit sa anit. Grabe. Halos nagrereklamo talaga ako. May isang oras iyon ibinabad sa buhok ko. Makaraan ng isang oras doon lang nila ko pinasyahang hugasan ang buhok ko. Pinatuyo nila iyon at nang matuyo ay pakiramdam ko naging magaan ang buhok ko. Medyo makintab na siya at malambot hawakan. At natulala na lang ako ng makita ko ang sarili ko. Napabulong na lang akong "Wow.." Tuwang-tuwa naman si Mam Jaira ng makita niya ako. Nag-improve daw ako. Mas lalo daw lumabas ang tunay kong hitsura at appeal. Nakakahiya. Si Wayne naman ay nakatitig lamang sa akin. Hidni siya nagsasalita. Tuwing mahuhuli ko siyang nakatingn ay mag-iiwas siya. Tinanong ko rin siya kung anong sa tingin niya. Sabi niya wala daw pinagbago. Ewan ko ba sa kanya. Parang ewan lang kausap. Hindi ko na lamang siya pinansin. Matapos iyon ay nagpunta kami dito sa fashionology. Binigyan pa nila ako ng mga sabon, cream, facial wash at kung ano ano pa para daw gamitin ko paggising, maliligo at bago matulog. Nang makarating kami dito ay halos sa akin nakatingin. May naririnig nga din akong bulungan na "Di ba? Siya yung nasa magazine?" "Siya nag yun! Grabe, isa siyang asset dito sa company natin. Sana ako maging dresser niya." at iba pa. May pinatawag si Ma'am Jaira. At maya maya ay lumapit sa amin ang isang babaen na staff. May sinabi siya rito at dali-dali ay umalis. Pagbalik nito ay dala na ang isusuoto. Pinasuot  sa akin ni Ma'am Jaira ay isang fitted na puting ripped jeans at kulay itim na shirt. Miski sapatos ay bago. Kulay itim iyon ay high cut. Medyo naramdaman ko nga na may parang heels dahil medyo tumaas ako. Very impressive. Hindi ako makapaniwala na ako pala ang nasa harap ng salamin. Para sa akin ay ang laki ng pinagbago ko. Lalo atang pumuti ang kutis ko lalo na at itim ang suot ko. Maa lumitaw ang kaputian ng balat ko. Simple lamang ang suot ko pero ang tingin ko ngayon ay hindi na ako ang Keith na nasa lansangan. Lumayo na ako sa imaheng iyon. "Tama ba talaga ang pinasok mo Keith?" tanong ko sa repleksyon ko sa salamin. Kulang na lamang ay pilitin kong magsalita ang taong nasa salamin para malaman ko kung tama ba o hindi. Kahit na ako ay nabibigla sa mga nangyayari. "Diyos ko! Kayo na pong bahala! Sana ay maging maganda ang takbo ng mga plano ninyo para sa akin. Nagapapasalamat po ako sa Iyo at ipauubaya ko na sa inyo ang mga maaring mangyari." asal ko sa loob ng dressing room Maya-maya ay isang katok ang narinig ko at si Mam Jaira pala iyon. Agad kong inayos ang sarili at nagbuntong hininga bago lumabas ng room na iyon. Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita kong nakatayo hindi lamang si Mam Jaira pati na rin si Wayne. Nahihiya ako kaya nakatungo akong lumabas ng room. "Oh my gosh. Simple yet so beautiful Keith. Kahit ano atang damit babagay sa'yo. You are really so cute and I'm sure, everybody will love your look!" pagkamanghang sabi ni Mam Jairq habang inililibot niya ng mata sa akin. Umiikot pa nga siya eh para lamang masuri ako ng ayos. Nasa palibot din namin ang ilang staffs nila at nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanila bago bumaling kay Mam Jaira. "S-salamat po." napatawa ako ng bahagya ngunit pilit iyon. Wala rin akong mabigay na reakyon sa sinabi niya. "Well, maybe tomorrow na lambg tayo pupunta sa studio. It'a already 5:30pm. Maybe we should have dinner first before going home." wika ni Mam Jaira. Napatingin ako kay Wayne na ngayon at hindi maalis ang tingisa akin. Nako-concious ako. Para naman kasing sinasaulo niya ang hitsura ko. "I will get ready the car okay. Wait for me." pagpapaalam ni Mam Jaira at naiwan kami ni Wayne. Nakatingin laman ito sa akin. Oh, ano na? Parang noong nakaraang gabi lang halos ako na lang ang nakikita mo at ayaw mo akong paalisin sa tabi mo. Tapos ngayon, ni lapitan lang hindi mo magawa? Yan ang gusto kong sabihin sa kanya. Iba rin talaga to si Wayne eh. Hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa isip niya. Wala ka rin mahihita kung ano bang reaksyon niya sa pagmemake over sa akin ng fashionista niyang kapatid. Napayuko ako. Paano kasi, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam kung may dumi ba yung mukha ko? Kung naging okay ba sa kanya o ano? Hello... Magkaroon ka man lang ng komento.. "Look up. Don't hide your face." biglang sabi niya "Ha? Ah.. Eh.." napatingin ako sa kanya pero nag-iba lamang ako ng direksyon ng tingin ko. "You look more even beautiful... but still, your simplicity is there." Anu ba? T'wing iko-compliment mo na lang ba ako, lagi dapat english Wayne? Nakakadugo rin ng ilong minsan ha. Very wrong ha. Pero very kilig ako sa sinabi mo. Ano daw? Kilig? Ako? Tumawa ako ng bahagya. "S-salamat. Bolero ka rin eh no." "Nope. It's true. Maybe they are really right, simplicity is beauty." Wala akong maisagot. Ramdam ko lang gayon ay ang pamumula ng buong mukha ko.... Pero nagsalita siya ulit.. "I am afraid..." "Afraid of what?" kala niya ha, siya lang ang nakakapag-english. "I dunno. But I know... You are mine." Yun na naman yung mga linyahan niya. My gad! Nararamdaman ko ang matinding kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot? O may iba pang naradamdaman ang puso ko? Bakit kapag siya ang nagsasalita parang kinakapos ng hangin ang puso ko? Bakit ang lakas ng epekto sa akin ng mga salita niya? Okay. Easy lang Keith. Easy lang. Bigla na lamang lumapit si Wayne. Katapat ko siya. Napalunok ako. Nakatingala ako sa kanya. Eto na naman ang mga drummers sa dibdib ko. Kung ako ang papipiliin, etong expression niya ngayon ang pinakagusto ko... nakatingin lang siya sa akin. Maamo pero may angas. Tipong nangungusap ang kanyang mga mata pero nandoon pa rin ang pag-angkin. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.. Gamit ang kanyang kanang hinlalaki ay hinimas niya  ang aking pisngi. Ang kabilang kamay naman niya ay naramdaman kong pumaibaba sa aking braso papunta sa aking beywang. Hinila niya ako ng bahagya upang magtama ang aming mga katawan.. "W-Wayne..." "Sshhh.. Just let me..." nakita kong lumapit ang kanyang mukha. Amoy ko ang kanyang hininga.. "...kiss you." at ang alam ko na lang ay naglapat ulit ang aming mga labi. Nakaramdam ulit ako ng pagkabigla ngunit hindi katulad ng una niya akong halikan. Agad akong tumugon at ipinikit ang aking mga mata. My gad! Bakit ganoon? Bakit ganito ka ngayon magreact Keith? Ano bang nangyayari sa iyo? Nadadala ni Wayne ang pagkatao ko. Wala akong alam kung anong mayroon siya at halos hindi ako makapagdesisyon ng ayos at hindi ako makatanggi. Gumalaw ang aming mga labi. Pero tumigil siya. "I don't want just a kiss. I want more. If the word gentleman is not invented, the maybe I'm in the jail now..." sabi niya ng halos pabulong at may lambing at saka bigla niya akong niyakap... Ganito ba talaga siya? My gad! Hilig niya na akong yakapin ngayon. Parang noon susungit-sungit siya ngayon, malambing na manyak. Laging nakayakap.. Subalit sa twing gagawin niyang yakapin ako ay nakakadama ako ng kakaibang saya at yung feeling na ayaw mo ng matapos yung ganitong pangyayari. Yung mga yakap niya parang nagpapahiwatig na ako ay ligtas sa kanyang mga bisig. Parang hindi niya na ako papakawalan pa. Ang alam ko lang gusto ko ang ginagawa niyan sa akin ngayon. Hindi ko maipaliwanag pero gusto ko ay lagi na lang ganito. Hindi ko na makakaila pa... kahit na itanggi ko pa, alam kong may puwang sa puso ko si Wayne. Kahit walang kasiguraduhan, ang alam ko ay sa mga bisig niya, ramdam ko na ligtas ako. Sa kanyang mga yakap, alam kong gusto niya talaga ako at sa kanya lang ako. At sa mga salita niya, wala akong ibang maramdaman kundi kagalakan ng puso ko. Makasarili man pakinggan pero bawat salitang sa kanya lamang ako ay alam kong ako lang talaga. Wala na sigurong bawian pero... "G-gusto kita Wayne..." mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Wayne.. "I... I like you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD