Chapter 1

2391 Words
[ Keith's POV ] "MAGANDANG UMAGA!" pagbati ko ng malakas nang magising ako. Siyempre full of energy ako ngayong araw. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi! "Salamat, Papa Jesus sa paggising sa akin!" nagcross sign ako at saka tumayo ako mula sa folding bed na nakuha ko sa pangangalakal noong isang araw. Okay pa naman 'to pero matagal na daw di ginagamit, kaya ibinigay na lang sa akin. "Ang ingay mo naman Kuya! Umagang umaga oh? Tumahimik ka nga! May natutulog pa." sabi ng kapatid ko na nasa kabilang folding bed din. "Tumayo ka na d'yan! Maaga pa tayong magkakalkal sa mga basurahan. Sabado ngayon at ngayon kukunin ng mga basurero ang kalat ng mga bahay-bahay! Dapat mahalungkat natin yun bago man maitapon lahat!" sabi ko dito at inalis ang tagpi-tagping tela na nagsisilbing kumot niya. "Five minutes pa kuya! Sarap ng tulog ko, eh. Nanaginip pa ko!" tumalikod ito ng higa at kinuha ang kumot niya. "Mayaman ka? Mayaman? Very wrong! Five minutes, five minutes ka pa d'yang nalalaman! Anla! Tumayo ka na d'yan at kumilos! Papaluin kita!" pambabanta ko dito. Bigla naman siyang bumalikwas ng pagbangon. "Oo na! Eto na. Alam mo para kang si Inay eh. Panakot mo talaga sa'kin yan." tampo nitong sabi saka tumayo at itiniklop ang higaan. Ayaw kasi niyang nasasaktan. Kahit kurot o palo lamang ay takot siya. "Nako. Masanay ka na sa 'kin, Kristan. Hindi ka pwedeng maging tamad at lagi ko iyang ipapaalala sa'yo. At teka! Bakit ka nasagot na ha? Ikaw ha? Nagiging pasaway ka nitong mga nakaraan mula ng mawala si Inay..." napatigil ako sa pagsesermon ng maalala ko ang Inay namin. Pinagmasdan ko lang si Kristan habang nag-aayos ng hinihigaan. Wala pang dalawang buwan ng mamatay ang Inay namin dahil sa karamdaman niya. Ang Itay naman ay yumao rin isang linggo matapos ilabas si Kristan dahil sa isang aksidente. Walong taon na ngayon si Kristan. At nag-aaral ng elementarya. Ako naman ay katatapos ko lang nang high-school noong nakaraang buwan at 18 years old na ko. Kung tutuusin dapat maaga akong nakapagtapos. Kaso, palagi akong tumitigil. Tigil. Balik. Tigil. Balik. Ang pangarap sa akin ng Inay at Itay ay natupad naman. Ang makapagtapos ako kahit high school. Hindi man ako ang pinakamatalino, lagi naman akong nasa top 10. Ngayon ay nangungulila kami. Nakakalungkot na hindi ko man lamang natupad ang pangarap ko sa para kanila. Ang balak kong iahon sila at pagsilbihan bilang anak nila. Ang mabigyan ng maginhawang buhay. Natapos ko na eh. Konti na lang makakapagtrabaho na ko kaso... ang sakit para sa 'king isipin na wala na sila. Si Kristan na lamang ang natitira sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya itataguyod mag-isa pero kakayanin ko. Hindi ko man nagawa kay Itay at Inay iyon, gagawin ko para sa aking kapatid. "Kuya. Sorry... promise hindi ko na ipapaalala sa 'yo sila Inay." sabi nito. "...wag ka ng umiyak." hindi ko namalayang tumulo pala ang luha ko. Niyakap ako ng sweet kong kapatid. "Okay lang ang kuya. Ikaw naman. Okay lang. Namimiss ko lang sila." pagpapakalma ko sa kapatid ko. Ginulo ko ang kanyang buhok. "Promise? Okay ka lang? 'Di ka pinalungkot ni Kristan?" tanong niya at nagpuppy eyes. Lumuhod ako para pumantay ako sa laki niya. "Hindi. Napuwing lang ako." sabi ko at niyakap siya. Naging ganito siya simula ng mawala si Inay. Masiyahin siya kung tutuusin at nasasabayan niya ang mga biro ko. Pero simula ng mawala si Inay, kapag nakikita niya akong umiiyak, iniisip niya na kasalanan niya. Iniisip niya na iiwan ko siya. Nasa isip niya mawawala rin ako. "Oh siya sige na. Umayos ka na diyan. Maligo ka ha. Maggatas ka muna. Para hindi malamigan. Diyan sa poso ka na lang maligo. Yung shampoo at sabon andyan lang. Kung tutuusin maswerte pa rin ako, kami... dahil may natitirahan pa kami. Hindi ko masasabing sobrang linis, pero pulido naman ito. May drawer din kami para sa damit namin. Hindi ko masasabing sobrang bango pero nalalabhan naman ito ng ayos. Yung folding bed naming dalawa eh kada linggo ay hinuhugasan namin para malinis din. Kung tawag nila sa amin ay basurero at nangangalkal mg basura ay hindi ko na problema iyon. Dahil sa simula't sapul ay ganito ang buhay ng pamilya namin. Sa ganitong buhay namulat ang pagkatao ko. Ang nagsisilbing panangga namin sa araw at ulan ang pinagpatong-patong na yero na kagabi bago matulog ay pinugaran ng dalawang pusang hindi malaman kung nag-aaway o may hinagawang kababalaghan. Ang ding ding ay yung mga kahoy-kahoy. May mesa naman kami at upuan na kuha namin sa pangangalakal at pagbabahay-bahay. Wala namang pagbabago simula noong namatay si Itay. Maliban sa kami na lamang ni Kristan ang natira. Nabawasan kami. Wala naman nasabing kamag-anak sila Itay at Inay, maliban kay Tita Josie na may junkshop kung saan kami dati nakatira bago pumanaw si Itay. Noong namatay si Itay ay pinalayas kami ni Tita Josie at hinayaan kaming magpasakalye na lamang. Hanggang sa mapadpad kami dito sa Barangay Ilogan malapit sa ilog at halos naging squater area na rin. Malinis ang tubig ng ilog. Nadisiplina na rin ata ng mga tao ang sarili para may mapag kunan kami ng malinis na tubig pampaligo at gamitin sa pang araw-araw na pangangailangan. May poso naman na sa ilog din galing ang tubig. Kung pagluluto naman ay mayroon kaming ulingan. May mga kahoy na siya naming kinukuha sa maliit na gubat malapit sa dulo ng ilog. Natapos ang kapatid ko habang natapos ko ang paghigop ng mainit na kape. At ako ay nag-igib ng tubig sa may cr naming sobrang liit. Ayoko maligo sa poso sa labas. Malamig ang tubig at sabkitin pa naman ako. Mamaya na ako bibili ng pagkain namin dahil trenta pesos na lamang ang natira sa amin. Pandesal nga ay dalawang piso na ngayon. Iniisip ko pa kung saan kami kukuha ng pananghalian. Sana ay bago magtanghali ay nakarami na kami ng benta ng kalakal sa junkshop ni Aling Tere. --- "Ha? Trenta peso lang para sa dalawang sakong papel Aling Teresita Macandog?" sigaw ko ng ibigay sa akin ang baryahing pera. Nakuha namin ang dalawang sakong papel na basura ng dalawang teacher ko noong elementary ako. Dahil kilala nila ako ay ibinigay ito sa akin. Tinanggap ko naman dahil siguradong malaki ang benta pero itong si Aling Tere, ubod ng higpit sa pera! Kuripot! Andaming chechebureche sa mukha at may pacurler pang buhok. Yung tipong kulang na lang lagyan din yung buhok aa ibaba sa dami ng curler sa buhok. Very wrong! May katabaan pero dahil hapit na daster ang suot, humubog ang katawan nitonh tatlong layer ang tiyan. "Aba, Keith, umaangal ka na ngayon? Kung tutuusin at dinagdagan ko pa yan ng limang piso dahil naawa ako sa'yo!" sabi niya sa matinis niyang boses. "Very wrong! Naawa ka pa na'n Aling Tere! Ay siya sa'yo na yang trenta pesos mo! Kunin ko na lang yang dalawang sakong papel at ibebenta kay Mang Karding. Baka doon mas lumaki pa yung maibigay sa akin!" sabi ko at inilapag ang pera sa may timbangan at akmang kukunin ang dalawang sakong ibinigay ko sa kanya. "Hep hep!"sabi niya at tumigil ako. "Hooray!!" sigaw ng mga batang kasabay kong nagpapakilo ng kalakal sa kanya. "Bakit?" "Touch move, Keith! No exchange no return at no refund of purchase ang patakaran ng junkshop ko!" "Wala akong pakialam! Kukunin ko ang sako ko at ibebenta sa iba! Napaka kuripot mo! Very wrong ka dun!" wika ko at hinila ang isang sako ko. Pinigil naman niya ako. Umirit siya. "Okay! 40! Deal?" offer niya. Hala! Ano to? Deal or no deal? "Kulang pa yan sa maghapong bigas namin! Kaya no deal!" hinila ko ulit ang sako ng papel. "50!" hirit pa niya! Sumigaw naman ang mga bata ng "No deal! No deal!" Siyempre... "No deal! Wala kaming pang-ulam!" mataray kong sabi. "70!!! Kunin mo na! Baklang to! Maarte!!" sabi niya at nag cheer ulit ang mga bata na parang sayang-saya sa panonood sa amin. "Very wrong! 140! Okay na!" sabi ko "140? No deal!" sabi niya. "Okay fine. Kristan! Kuning mo yung isang sako!" sigaw ko dito na kasalukuyang nakahanay sa mga batang naroroon. "120?" suhol niya uli. "MA!! Itigil niyo na nga yan! Nakikibata ka pa, tanda niyo na eh!" boses ni Tope! Oh my G! Bigla akong kinabahan. Crush ko kaya ito. Kung tutuusin dapat doon talaga ako kina Mang Karding pero dahil tumitibok ang puso ko dito sa anak ni Aling Teresita MukhangDog, napipilitan akong dito ibenta ang kalakal namin. Dagli ko namang binitiwan ang sako at inayos ang sarili ko. "Okay call. 120! Aling Tere naman eh. Sabi ko kasi babaan mo. Nagpupumilit ka pa eh. Okay na ko sa 70 kaso tinaasan mo pa. Napakabait mong Ina talaga. Gusto kitang maging biyenan!" sabi ko na may halong mahinhin at saya sa tono. Kasi naman. Paimpress lang kay Tope. Papalapit siya sa amin. Si Christopher Macandog, Tope in short. Yan ang crush ko noon pa! Medyo hindi bagay ang kanyang apelyido sa kanya. Maputi ito, medyo malaki ang katawan at may muscles and don't forget the abss... Plus chinito na may makapal na kilay na asset niya. May matangos na ilong. Tapos kissable lips. Kung tutuusin gwapo talaga siya. "Hindi na no! Ang gusto ko sa anak ko babae! Hindi mukhang babae!" sabi niya. Very wrong siya! Ang sama magsalita. "Aling Tere naman. 'Di na mabiro. Oh sige na, sa'yo na yang sako ng mga papel ko sa halagang 120." sabi ko sa kanya. "Tse! Oh eto na! Tama na yan at nakasulyap ka pa sa anak ko!" Alam niya kasing may gusto ako sa anak niya. Napakahigpit kahit sa kanyang anak. "Si Aling Tere talaga mapagbiro. Nako Tope, ang bait ng Mama mo no?" baling ko dito ng makarating sa tabi ni Aling Tere. "Oo naman! Dadagdagan niya pa yan ng 80 pesos. 'Di ba Ma?" umakbay ito at tinignan saglit ang Mama niya at bumaling sa akin at kumindat. Wag kang ganan Tope! Nakakainis ka! Nakakainlove pala. Hihi. "Ha? No! Tama na ang 120!" pagpalag nito. "Oo nga Tope nakakahiya kaya sa Mama mo. My future mother-in-law. Este tatawagin ko na siyang Mama dahil sa sobrang bait niya sa akin." Humagikhik ako at tumungo bahagya. "Eww. 'Di kaya naging mabait yan sa akin." bulong ko. Kumuha ng pera si Tope sa bulsa niya. "Oh ayan. Okay na. Si Mama kasi eh. Pagpasensyahan mo na ha? Mabait naman yan." Lumapit siya sa akin at inabot pa ang 150. Napangiti naman ako at naghawi ng buhok sa tenga na akala ko naman ay mahaba. Nakakakilig. Kaya crush na crush ko 'to. Bukod sa gwapo na, napakabait pa. Kaya walang pagtatakang magustuhan siya dito ng mga kababaihan at kabaklaan sa Barangay Ilogan. Namula naman ako dahil sa ibinigay niya. "Nako.. Tope. Baka sobra naman to. Okay na yung 120." sabi ko dito. "Hoy Kuya. Wag ka na lumandi. 270 na yan pagnagkataon. Malaki na yon!" sabat naman ni Kristan na nasa tabi ko na pala. "Tumahimik ka d'yan. Hayaan mo ko dito." suway ko dito at napakamot na lamang ng ulo si Kristan "Kunin mo na Keith. Tutal, mas mahal yang sako ng papel kapag dinala sa pinagbentahan namin. Pati pandagdag mo na yan sa pangkain niyo." "Mas mahal kita." sabi ko at siniko ako ni Kristan. "Este, salamat Tope ha. Napakabait mo talaga." Sabi ko dito na medyo nahihiya. Bumaling ako kay Aling Tere na nasa likod nito. "Salamat Aling Tere. Wag ka na kuripot sa future daughter-in-law mo, este sa katulad ko. Magdadala pa ako ng maraming kalakal sa inyo." sabi ko ng may halong lambing. Pero labas sa aking ilong ang sinabi ko. "Sige na. Kunin mo na ha. Bukas ulit." sabi ni Tope. Dapat kada oras Tope, ganun! Babalik talaga ako. "Sige sige. Salamat." sabi ko. Tumingin ako kay Aling Tere. "Bukas uli ha, Aling Tere. Mas maraming bakal naman." nakangiti kong pagpapaalam ko dito. Medyo nakasimangot pa rin si Aling Tere. Nasa daan kami at naglalakad pabalik ng barong namin habang tulak ang kariton. Nakabili na rin kami ng pananghalian namin. Inuna ko na ang bigas. Bago ang ulam. Buti at may natira pa sa aming 150. Hanggang bukas ng tanghali ang pagkain namin dahil dalawa lang namaan kami. "Ikaw Kuya Keith. Bakit gusto mo ibalik mo yung 150! Sayang din yun no! Andun lang si Tope eh. Landi nito. Very wrong." sermong sabi sa akin ni Kristan at ginaya ang tono ko sa very wrong. "Tse! Hindi rin naman ako papayag no. Kukunin ko yun. Pero siyempre. Nandoon si Tope. Dapat pakipot epek ganun. Ampogi pogi niya no Kristan? Kailan kaya niya sasabihing crush niya din ako." pagdedaydream kong sabi. "Nako. Tigil mo nga yan Kuya. Parang kang ewan promise." Itinulak kong bahagya ang likod niya para matumba. "Ikaw talaga. Bakit hindi mo ko suportahan? Minsan lang yun no. Pag nagkacrush ka, ay sinasabi ko sa'yo magiging katulad mo rin ang feelings ko." sabi ko dito na may pagatatampo at sermon. "Joke lang, Kuya. Pero kung may chance kayo at pagpinaasa ka, nako! Ako ang makakaharap niya susuntukin ko siya dahil sinaktan ka niya." at rumwestang itinaas ang kamay na naglalabas ng muscle. "Ikaw ha. Paglaki mo at naging basagulero kang bata ka, ako mismo susuntok sa'yo. Wag ka na ngang magsasasama kila Warren at George. Doon mo ata natutunan yang mga yan eh no." pangaral ko dito. "Hindi, Kuya gusto ko lang ikaw talaga ipagtanggol. Hindi naman ako mang-aaway agad eh." "Okay. Pangako mo yan ha!" sabi ko dito. "Promise. Cross my heart." sabi nito sa malambing na tono. Kaya love na love ko tong kapatid ko eh. Kahit papaano nawawala ang stress at lungkot ko kapag nagiging sweet siya. Napatigil ako at niyakap "Oh siya tera na. Gutom na ko." "Sige. Yung mga bulati ko sa tiyan nagrarambulan na." reklamo ni Kristan at tumawa. "Okay kapit ka ha. Tatak bo taypng parang kotse." sbai ko dito. "Sige, kuya gusto ko yan! Handa na ako. seatbelt is on." sabi ni Kristan at inilagay ang tali sa may hita niya na nakalalagay sa upuan ng kariton. "Okay." sabi ko at pumwestong itutulak ang kariton. Nagsimula akong itulak ito at tumakbo. Napangiti naman ako. Kahit mahirap kami at kapos, ganitong pagsasama lamang namin ng kapatid ko ay ayos na. Nakakalimutan ko ang mga problema. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD