Chapter 2

2158 Words
[ Keith's POV ] May kalakihan din ang kinita namin ngayong umaga at nakakain kami ng ayos ng kapatid ko pero hindi pwedeng makuntento lang ako sa kinita namin dahil kung tutuusin ay hanggang bukas lang ang perang iyo para sa aming dalawa. Kailangan ko na extra income para sa aming dalawa. Oo may pagkapayat ako pero tamang payat lang at may 5" feet ang taas. Ang liit ko nga kung tutuusin sa lalaking tulad ko na dapat nung nagbinata ay lumapad ang balikat at naglalim ang boses. Ngunit dahil bakla ako, hindi ko na nireklamo, ganda lang sa beauty ko! Ang hubog ng katawan ko ay katamtaman naman. Lagi nilang inaakalang babae ako dahil sa liit ko at sa liit ng mukha ko. Medyo may magulo akong style ng buhok pero bagsak ito at malambot naman. Isama pa daw ang kulay singkamas kong kutis. Dapat nga daw maitim ako dahil sa ngangalakal kami. Pero siyempre dahil sa naging karamdaman ni Inay noon sa balat na naging skin cancer na mula sa init ng araw noong 5 years old pa lamang ako ay nilagyan niya na ang kariton ng isang malaking payong kaya protektado ako sa araw. Katamtaman ang laki ng mata ko at makikitang hazel brown ang kulay nito lalo na sa liwanag. Maganda daw dahil sa tikwas na mga pilik mata na kala mong gumamit ng curler pero ito ay natural. Tama lang din ang tangos ng aking ilong at maninipis kong pulang mga labi. Kung manamit naman ako ay typical na laging sando or t-shirts na ipapares sa shorts. Mapajersey man o maong. "Beshy!" nakakarinding boses na biglang narinig at nataranta dahil natutulog ang aking kapatid. Pinagsiesta ko kasi ito pagtapos kumain at heto ako naglilinis ng bahay. Isa lang naman ang natawag sa akin ng Beshy. Ang bestfriend ko noong elementary pa, si Ariola. Nakita ko na lamang siya sa tapat ng pinto at parang nakaporma ito. "Wag ka ngang maingay d'yan tulog si Kristan oh!" suway ko. Mabuti na lang at hindi nagising. Agad naman siyang humingi ng tawad. "Napadalaw ka at bakit parang bihis na bihis ka ngayon?" tanong ko dito ng tuluyan siyang pumasok. Pagbestfriend mo di mo na dapat yayaing pumasok. Kusa yang papasok. "Infairness, beshy ang sipag ha. May pagkain kayo d'yan?" tanong niya na dinedma lamang ang tanong ko. "Mayron jan, tutong at sardinas. Para talaga sa'yo." sarkastikong pagkakasabi ko. "Napakabait mo beshy. Pero minsan parang sarap mo ring kainin ng buhay! Kaya love na love kita eh." sabi nito ng masigla at nagpungay pungay ang mata. At pumunta sa lamesa at kumuha ng plato. "Duh! Alam kong masarap ako pero hindi katulad mo ang kakain sa akin. I prefer boys you know." sabi ko dito at umirap. "Very malandi ka diyan friend! Sarap dukutin ng mata mo. Artihan mo pa mga bente!" at tumawa ito. Ganito kami magbatian parang timang lang. "Hindi naman. Slight lang. Alam mo namang si Tope pa rin ang nasa suso este puso ko." "Ay, oh... naglulumandi! Hindi mo ba ko namiss? Isang buwan din tayong di nagkita beshy." "Kailangan pa ba nating magdrama? Siyempre naman, namiss kita." Lumapit ako at umupo sa tabi niya sa may mesa. "Ano nga kasi dahilan at napadalaw ka?" "Eh kasi bukod sa namiss kita may maganda akong balita sa'yo!" masiglang sabi nito. "Ano naman yun?" "Eh di ba? Gumawa tayo ng resumé last month. Pinasa ko iyon sa mga food chain. At dahil meron akon copy ng resumé mo, ipinasa ko na rin!" nakangiting sabi nito. "Oh?? Talaga? Thank you... pero may resulta na ba?" "Yup. Kaya ako nandito ngayon ay pupunta na ako doon. Ipinasok tayo ng isa kong pinsan sa Mcdo. Sabi niya pumunta daw tayo pero hindi nga lang tayo magkakasabay. Marami daw ang nag-apply eh. Kaya nahati sa two batch ang interview at mag-eexam. Ako napasama ngayon sa unang batch at ikaw bukas para sa 2nd batch." pahayag nito sa akin Napayakap naman ako sa kanya dahil sa tuwa. "Thank you so much. Di mo ako kinalimutan. Kailangan ko na kasing magkatrabaho!" sabi ko dito. "Oo naman. Para hindi na kayo magkariton ng kapatid mo. At isa pa para makalipat kayo ng titirahan malapit na rin doon sa siyudad." sabi nito. At niyakapa pa lalo ng pagkahigpit-higpit. "Thank you! Thank you talaga!" Napahigpit ata ang aking yakap dahilan para magreklamo siya. "Pasensya na. Kala ko kasi siyam ang buhay mo! Salamat. Hindi ako makapaniwala. Hulog ka ng langit Beshy bumagsak sa lupa una ang mukha! Salamat talaga!" "Walang anuman. Ikaw pa ba. Pati alam ko makakaya natin yun." sabi nito. Napatingin naman siya sa relo niya. "Oh sige na Beshy! Baka malate ako sa interview eh. 2pm daw kasi. At ganung oras ka din pupunta. Sa Mcdo di ba alam mo naman yung Supermarket sa siyudad? Katapat lang noon. Okay?" sabi nito saka kumuha ng tubig sa may pitchel. "Okie dokie... salamat ulit ha! Balitaan mo ko kung anong mangyayari sa'yo!" sabi ko dito. "Sige sige! Sayang naman at tulog ang makulit na kapatid mo. Pero subukan kong bumalik dito mamaya. Baka daw saglit lang iyon eh. "Okay sige. Salamat ulit. Ingat ka ha?" at nagbeso beso kami. Umayo ito at naglakad palabas. "See you later, Beshy." Sabi nito bago tuluyang lumabas. "Thank you Lord! Sana ito na sana ito na!" napadasal ako dahil nagagalak at naeexcite ako sa balitang inihatid sa akin ni Ariola. Sa wakas. Gagalingan ko talaga para makapasok. Para sa amin Kristan. Salamat talaga Papa Jesus! --- Kinabukasan, maaga akong gumising. Binalita ko kay Kristan ang magandang balita at naging masaya naman ito para sa akin. Supportado niya ko at siya pa mismo ang naging bibo sa pangangalakal naming dalawa. Pinagbenta namin ang nakalakal naming dalawa sa junkshop naman ni Mang Karding. "Oh, Keith, mukhang maganda ang kalakal mo ngayon ah." pambungad sa akin ni Mang Karding ng makita niya akong pinarada ang purple na kariton ko sa tapat ng kanilang junkshop. Nakita niya kasing puno ito ng laman at ala una na pa lang ng hapon. "Magandang hapon Mang Karding! Madami po talaga kami nakalakal ngayon dahil inagahan namin ni Kristan. May pupuntahan kasi akong interview mamaya kaya hindi ako makakabalik sa pangangalakal." masayang tugon ko dito habang ibinababa ang mga bakal, papel at yero na nasa kariton. "Talaga? Naks magkakatrabaho ka na. Matutupad na ang matagal ng pangarap sa'yo ng inyong Inay." wika naman nito. "Oo nga po eh. Pero sayang at hindi na nila makikita at mararanasan ang pagtataguyod ko sa kanila ni Itay." may lungkot na pagkakasabi ko. "Keith, kahit wala na sila, alam kong proud na proud sa 'yo ang magulang mo. Hindi mo alam, baka sila ang humiling sa Panginoon na maibigay ang magandang buhay na mararanasan mo. Alam kong nakangiti sila ngayon sa'yo at nagiging malakas at matatag ka. Kaya 'wag kang malungkot kung hindi mo sila kasama sa pag-usbong mo, hijo. Nasa tabi mo lang sila, sa tabi niyo ni Kristan at binabantayan." mahinahon at ramdam ko ang pagkasinsero nito sa kanyang mga salita. Parang ama ko na rin ito. Kaibigan siya ni Inay at Itay. Siya rin ang tumutulong sa amin sa oras ng kapos kami noon lalo na ng mamaalam ang Inay. "Salamat, Mang Karding. Napakabuti niyo ho talaga. Pangako ho, itatak ko yan sa isip ko. Na... nasa tabi lang namin at kasama ang Itay at Inay." "Sus ikaw naman Keith. Alam kong di ka pa talaga hilom. Para saan pa't magiging masaya ka rin. Pray ka lang sa Panginoon. Ayos ba?" Napatango naman ako at ngumiti. "Opo Mang Karding." "Oh siya, akin na at para matimbang na ang mga kalakal mo. Baka malate ka. Anong oras ba iyon, iho?" tanong nito. "Alas tres ho Mang Karding. Sige eto na ho lahat nakababa na ang lahat ng kalakal Mang Karding." sabi ko naman. "Goodluck. Pagpalain ka sana ng Diyos Keith." nakangiting sabi nito at binigyan ko siya ng ngiti at sinserong nagpasalamat. Natimbang na lahat ng kalakal at kumita naman kami ni Kristan ng malaki. Hindi pahirapan tulad ni Aling Tere. Naka 240 kami at binigyan pa kami ni Mang Karding ng 50 pesos pandagdag pa. Hindi ko na sana kukunin pa pero nagpumilit siya. Nagpasalamat ako at ngayon ay pauwi na kami ni Kristan. Habang nasa daan ay may humarang sa amin, ang "Junkie's Squad". Sino sila? Sila ang bully na mga baklang squad dito sa Barangay Ilogan. Sila ang tatlong Baklang Chukie, kasi mga chaka sila. Kyawti. Dapat nga "Chaka's Squad tawag sa kanila. Pero dahil ang leader nila ay Junkie, ayun. Yun ang naging pangalan nila. T'wing makikita ko sila nainit ang dugo ko. Binubully na nila ako dati. Pero dahil tinuruan ako ni Ariola na maging matapang, kinakalaban ko na sila. Nagiging maldita ako kapag nakikita ko sila. Dahil binubully nila ako at tinutukso nung bata pa ako. Lagi na lang nila ko pinagkakaisahan, kukuhanin yung mga kalakal ko kapag hindi ko kasama ang Inay pero iba na nung dumating pinagtanggol ako ni Ariola. Naging palaban na rin akl "At ano naman ang kailangan niyo?" mataray kong sabi sa kanila "Dahil sa inyo, nawalan na kami ng pwedeng ikalakal! Hinakot niyo lahat!" sabi ni Jessie. Isa sa mga alipores ni Junkie. Isa rin itong chaka. Isama ang kulay red niyang buhok at ginaya ang hair style na tusok ni Jessie ng Pokemon. Pero tusok din naman ang baba. Yung isang yuko na lang, goodbye Earth na. "Hindi namin kasalanan yun kung maaga kami edi sana inagahan niyo rin, di ba?" umirap ako sa kanila. Ayoko munang mabadtrip. "Hoy hindi namin kasalanan yun! Sa amin nakareserba yun kaya dapat hindi mo kinuha!" sabi naman nitong matabang bakla na alipores din ni Junkie, si Nold, ang nognog na beki. Sunog na kasi balat nito. Kulang na lang ilagay siya sa kalan naming de uling. Baka mas matagal na panggatong siya. "Sorry. First come first serve. Dapat kasi binawasan mo yang taba mo para naman nauna ka kanina." sabi ko dito at itinulak ang kariton. Nandoon si Kristan pero nanonood lang sa amin. Sinasabi niya umalis na kami. Pero mukhang ayaw nitong Chuckie's Squad. Susugod sana itong si Nold pero pinigilan ito ni Junkie. "Hoy, Keith mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo. Baka nakakalimutan mo, ako ang reyna ng mga kalakal dito sa Barangay Ilogan! At ako ang maganda!" sabi ni Junkie. "Maganda? Eto kahit bigyan kita ng google map di ko mahahanap kung saang banda! Puro sulok kasi yan mukha mo!" sabi Kristan at nagpout. Tinakpan ko naman ang bibig nito. Totoo naman ang sinabi niya. Parang octagon ang mukha nito. Hinulmang diamond pero naging aspalto. "Anong sinabi mo?" susugod sana ito pero pinigalan siya ng alipores niya. "Wala siyang sinabi. Tinanong lang niya kung saan makikita?" tugon ko. "Aba! Sumosobra na kayo ha?" "Oo sumosobra yung ganda ko kapag lumalapit kayo!" sabi ko. "Inaasar mo ba ko?" si Junkie. "Pang-asar kaya yang mukha mo!" sabad ko naman. "Ikaw talaga! Iniinit mo ulo ko ha!" sabi niya. "Maaraw kaya. Malamang iinit yang ulo mo. Duh!" sabi kong nag-irap ng mata. "Arghh! Kayo talaga! Sugod!!!" sabi ni Junkie at sumugod nga sila. "TAKBO KUYA KEITH!" sigaw ni Kristan at bumaba ng mabilis sa upuan ng kariton at agad kong iniliko ang kariton namin at nagmadaling tumakbo kami. "BILIS KUYA!" "OO! Tumakbo kalang Kristan! Ikaw kasi ginalit mo pa!" sabi ko habang tulak naming dalawa ang kariton namin. "Ikaw kaya 'tong naging maldito ulit Kuya! Sabi ko sa'yo uwi na tayo eh!" "Very wrong kasi sila!" sabi ko at tumawa kami ni Kristan. Narinig kong sinisigaw nila Junkie na bumalik kami at magtutuos pa. War freak talaga 'to. Kung hindi lalabanan tiyak na kawawa kami. Patuloy lang kami sa pagtakbo. Sa may kalsada. Hindi pa rin kami tinatantanan. Pagod na ko at iniisip kong may lakad ako ngayon, para sa interview. Pero mukhang walang balak iyong mga chaka na tong tigilan kami! Papaliko na kami sa may isang road street ng biglang.... "KUYA!! MAY KOTSE!"Sigaw ni Kristan. Agad akong pumabitaw ako sa kariton namin at yumapos kay Kristan at tumungo. Isang malakas pagbunggo ang nangyari sa pagitan ng aming kariton at kotse. Nakatungo pa rin si Kristan habang yakap ko at unti-unti kong inangat ang ulo ko at tumingin sa may kotse at kariton. Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse. "WHAT THE f**k?" boses ng isang lalaki. Narinig ko namang tumakbo na yung tatlong chaka. Dahil sa paglabas ng lalaki. Natakot siguro. Tingnan ko kung sino ito. Lalaki. Nakasalamin itong itim at pormadong pormado. Kung tutuusi ko ay binata pa ito. Sa kanyang kasuotan ay masasabi kong mayaman. Very wrong ang timing! Mabait sana siya. Sabi ko sa isip ko. Hinubad nito ang kanyang suot na salamin at bumaling sa akin, samin ni Kristan na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. Siya na ata ang gwapong nilalang nakita ko. Pero sa mga tingin niya mukhang hindi maganda ang mangyayari. Napabulong na lang ako.. "Patay." -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD