Chapter 3

1572 Words
[ Keith's POV ] Nakapulang long sleeve na damit at puting hapit na pantalon ang lalaking bumaba mula sa kotseng nakabangga namin. Para siyang Amerikano sa puti. Blonde di rin ang kanyang may pagkamahabang buhok. Tuwid ito at nakaslicked back hair style. May mga abong kulay na mata at may mahahabang tuwid na pilik mata at mahahalata iyon dahil sa iilan pero naeemphasize ang mga ito. Ang ilong niya ay tila perpektong ilong na nakita ko. Ang kanyang mga labi ay malamakopa sa pula at kahit may pagkamakapal ay bumagay sa kanya dahil na rin sa kurba nito. Napakakinis ng mukha. Talagang kutis mayaman. Ang tindig niya ay matangkad na parang basketball player at ang hubog ng katawan ay tama lamang. Siya na ata pinaka gwapo sa mga lalaking nakita kong nabiyayaan ng kagwapuha bukod kay Tope. "Do you owned this f*****g cart?" sigaw ng lalaking nasa har na namin ngayon. May galit sa kanyang tono at mukhang sa nangyari ay hindi siya mapapakalma. Wala kaming maisagot kundi ang tango lamang habang nakatitig dito. Nakayakap ngayon sa akin si Kristan at natatakot na rin sa sinabi ng lalaking nasa harapan namin. "Look what you have done? Binunggo niyo yung kotse ko! Nasira yung headlight! Did you know how much it costs?" sabi pa niya at itinuro ang kanyang kotse na ngayon ay nakatigil at may bakas ng aming kariton. "Pa-pasensya na. Hi-hindi namin si-sinasadya." nauutal kong tugon sa kanya. "Pasensya? Hindi maaayos ng pasensya niyo yang kotse ko! Tsk." sagot naman nito at sinuri ang kanyang kotse. "Hi-hindi namin talaga alam. A-ano ba magagawa namin para hindi ko na kami masumbong sa mga pulis?" tanong ko dito at lumingon siya. Ngumisi ito na parang naasar. "Magagawa? Mahirap kayo hindii ba? Look at you and that little kid! Sa tingin mo kaya niyong ipagawa ang damage na ginawa niyo? Kahit may maganda ka pang trabaho hindi mo kayang ipaayos to! Naiintindihan mo?" pangmamaliit na sabi nito na akin namang dinamdam. Grabe naman talaga magsalita nagsorry na nga eh. Ganito ba talaga ang mayayaman? Kung ganito pala ang maging mayaman, parang ayoko na lang maranasan iyon. "Boss anong mayroon dito? " boses ng isang lalaki at napatingin kami. Isang pulis pala. "Binunggo nila yung kotse ko! And look! Malaking damage ang nangyari." pagsusumbong ng lalaki. "Oh. Wait lang boss. Baka pwede naman pagpasensyahan ang mga bata. Baka hindi sinasadya at aksidente lamang ang nangyari." sabi ng pulis. "Oo nga po. Hindk namin sadya. Kasi may humahabol sa amin eh. Hindi namin nakita na paparating ka Kuyang mayabang este, mayaman.." sabad ni Kristan sa usapan. tinakpan ko agad ang kanyang bibig. "Anong sabi mo bata?" galit na tanong ng lalaki. "Ano ba Kris? Wag ka ng magsalita okay." suway ko "Iyon naman pala eh. Baka pwedeng pagbigyan boss. Kahit naman na anong gawin niyo mukhang wala din namang mangyayari eh. Nagkakariton lang sila oh." sagot ng pulis at tinuro ang aming kariton na may sira na rin dahil sa pagkakabangga. "Are you telling me it's my fault?" galit na sabi ng lalaki. Medyo napapitlag ang officer bago nakapagsalita. "Boss, sa presinto na lamang natin ito pag-usapan." mahinahong pakiusap ng pulis. "Pwede rin. Para maipakulong na rin yang dalawang bata na yan! Dapat kasi hindi pumapagala yang mga batang pulubi dito!" naiiritang sabi nito Napanting naman ang tenga ko sa sinabi niya. Sumosobra na siya. Nasasaktan na ko sa sinasabi niya. Masyado siyang makapagsalita ng masama "Mawalang galang na pero, hindi naman tama na maliitin mo kami! Mayaman ka oo! Pero hindi naman yun siguro tama na halos yurakan mo at laitin ang pagkatao namin! At saka hindi kami pulubi. Pinagkakakitaan namin ang kariton na yan. Kasalanan namin oo pero kahit wala kaming pangbayad diyan, nakikiusap kami sa'yo ng ayos! Ganan ba talaga kayong mayayaman, ha? Pagmamaliit lang sa kapwa ang alam niyo! Hindi niyo man lang iniisip ang damdamin ng ibang tao? Makasarili ka masyado!" naiiyak kong sigaw sa kanya. Natigilan naman ito at niyakap ko si Kristan. Napansin kong may ilang tao na ring nakikiusyoso sa amin. "Dalhin niyo yan sa prisinto! Ayaw ko ng makita yan!" utos nito sa pulis. "Pero boss..." "Dadalhin niyo yan sa prisinto o ikaw ang ipapatanggal ko sa serbisyo? Kayang-kaya kong kontrolin lahat nga nasa posisyon at officer ka lang! Gawin mo ang pinag-uutos ko!" giit na may gigil sa kanyang boses. Nagulat ang pulis at walang nagawa. Agad naman kaming hinawakan ng pulis at iginayak sa dala nitong police car. Umiiyak na si Kristan dahil wala akong magawa. Papayag na lang ba kami na makulong? Paglabag na ba sa batas iyon? Hindi... hindi pwede 'to, Keith.. Hindi pwedeng mangyari 'to Keith. May pupuntahan ka pa. Magkakatrabaho ka na. Bakit ngayon pa nangyari to? Agad-agad akong kumalas sa hawak ng police officer at agad akong tumakbo papunta sa lalaking ngayon ay sinisipa paalis ang kariton namin. Agad-agad akong lumuhod sa harapan nito kahit na sa kasagsagan ng mainit na araw at mainit ang kalsada. Kailangan kong gawin ito. Tutuparin ko pa ang pangarap ko sa amin ni Kristan. Hindi pwedeng mawala lang lahat ng pinaghirapan ko. "Please! Nagmamakaawa ako! Please kahit anong gusto mong ipapagawa gagawin ko para mabayaran lang ang sira, basag o gasgas ng kotse mo! Magtatrabaho ako at babayaran kita please wag mo kaming ipakulong. Kahit hulug-hulugan ko Sir... wag mo lang kaming dalhin sa kulungan. Sorry sa mga sinabi ko kanina. Binabawi ko na please... please pleasee pleasee..." humagulgol ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa. Kahit pa sa maraming tao. Wala na rin akong pakialam. Basta wag lang akong makulong, kaming dalawa ng kapatid ko. Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka. "Kahit ano gagawin ko, Sir. Wag mo lang gawin sa amin ito. Kahit magtrabaho ako ng habang buhay para mabayaran kita gagawin ko please... wag lang ngayon. Wag lang ngayong unti-unti kong natutupad ang pangarap ko sa pamilya ko. Please. Sir, maawa ka alam kong may mabuti ka pa ring puso..." iyak kong pagakakasabi sa kanya. Alam kong puno na ng luha ang mata ko dahil hindi ko na rin siya masyadong maaninag. Blurred na ang aking paningin dahil sa mga luha ko. Hindi ko na iniinda ang init ng semento sa aking tuhod dahil kailangan kong tiisin para lang magmakaawa sa kanya. Kahit pa anong ipagawa niya susundin ko. "Grabe naman. Mga bata pa. Maawa ka na kuyang pogi." sabi ng isang babaeng nanood sa amin. "Oo nga maawa ka na. Maayos pa naman yang kotse." sabi pa ulit ng isa. "Nakakaawa naman. Sana maawa siya. Di naman siguro ginusto ang nangyari." rinig kong sabi ng isang lalaki. Nakita kong luminga linga siya sa mga taong nakapalibot sa amin. Pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "Stand up. I forgive you." sabi nito at nag-iwas ng tingin. "Talaga?" tanong ko dito. "Oo nga. Pwede ba? Tumayo ka na diyan! Ayokong nakakakita ng umiiyak." Agad akong tumayo at tumakbo payakap sa kanya. "Thank you! Thank you talaga! Alam ko mabait ka rin eh. Sabihin mo lang kung anong gagawin ko. Pero sa ngayon salamat talaga salamat.." napahigpit ang yakap ko dito. Ramdam kong napatigil siya. Amoy ko ang bango sa kanyang damit. Nakasubsob ang mukha ko sa may bandang dibdib nito. "Hey! Hey! Don't hug me. I forgave you. You don't have to hug me. Nababasa ng luha mo yung damit ko." hinawakan niya ang balikat ko at inaaalis ako sa yakap. Kumalas naman ako at pinunasan ang mga mata ko. "Salamat talaga. Promise kahit ano, gagawin ko sabihin mo lang." tugon ko sa kanya ng may malapad na ngiti. Aga namang tumakbo si Kristan papalapit sa akin at yumakap. "Well, you don't have to do that. Just leave okay. Maayos din ang kotse ko." "Hindi. Kahit ano please. Sabihin mo lang gagawin ko." pakiusap ko pa dito. "Ang kulit! Sabi nang.." "Please Sir! Kahit katulong o tagalinis ng mga kotse o kahit tagadilig ng hardin niyo o kaya tagabunot ng damo. Mabayaran lang kita." Umirap ito sa akin. "Please..." pagpupungay ng mga mata kong sabi. "Tsk! Fine, fine! Paano mo ko babayaran? Look, it's my favorite Silver Infiniti Sports Car! And you know how much it costs? A million! So the damage is not like you expected." umirap ulit ito at nagbulsa ng kamay. "Hindi kami pulubi may tirahan kami!" sabad naman ni Kristan. "At saan ang bahay niyo? Diyan sa kariton?" sagot naman nito. Very wrong nakikipag-away sa bata. "Hindi! Doon malapit sa ilog! Malinis yon!" pagsagot ulit ni Kristan. "Wala akong pakialam! Paano niyo mababayaran 'tong nasira niyo? Gusto mo ibenta kita ha? Ipagbebenta ka na ng kuya mo!" sabi pa ng lalaki at bumelat pa talaga. Lumapit pa ito kay Kristan at nakipagtitigan. "Hindi kaya! Mahal ako ni Kuya, kaya di niya ako ibebenta! Hindi ako sasama sa'yo! Pangit na ugali mo, ampangit mo pa!" "Ikaw bata ka ha! Sa gwapo kong 'to? Anong pangit ka jan. Baka ikaw!" "Ikaw kaya! Panget! Panget!" "Aba aba!" Natatawa na lamang ako. Bata lang pala katapat nito eh. "Tama na nga yan!" suway ko pero hindi ko mapigilan ang tumawa. "At anong tinatawa-tawa mo d'yan?" bigkas nilang dalawa ng sabay. Nagulat naman ako. "Easy boys. Pag-usapan nayin ng ayos to." mahinahon kong sabi sa kanya. "Hindi! Magtutuos kami ng pangit na 'to!" sabay nila ulit sabi at nagtitigan na akala mo ay may kidlat sa pagitan ng kanilang mga mata. "Okay, chill! Hindi ako lalaban..." ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD