[ Keith's POV ]
Matapos ang nangyaring insidente... hindi na ako nakapunta sa aking interview at talaga namang nakakapanlumo iyon. Nang maalala kong wala na akong time para makapunta sa magaganap na interview, pinaalala sa akin ng lalaki na magtatrabaho ako sa kaniya dahil nag-insist pa akong bayaran ang sira na nagawa naming magkapatid.
Kasalukuyang nasa kotse kami ngayon. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nito. Wala rin akong ideya kung anong gagawain namin. Natatakot man ay tiwala naman akong walang mangyayaring masama.
"Saan mo kami dadalhin Yabang?" tanong ni Kristan. Sinuway ko siya.
"Pupunta tayo sa ampunan, ipapaampon ka na ng Kuya mo!" sabi naman ng lalaki. May pagkaisip bata rin talaga ata 'to!
"Hindi! Hindi ako ipapaampon! Hindi ako ipapamigay ni Kuya!"
"Wala na. Papunta na tayo doon. Maiiwan kang mag-isa." tumawa ito ng nakakaloko.
"Hindi nga sabi eh!" tumayo si Kristan at biglang binatukan ang lalaki! Nagulat ako sa ginawa ng kapatid ko!
"Aray! Sumosobra ka nang bata ka ha!"
"Kristan! Ano ba? Tigilan mo na." suway ko dito at ipinabalik sa upuan.
"Eh natatakot ako Kuya. Kanina pa tayo dito oh. Gusto ko na umuwi.." yumakap sa akin si Kristan.
"Sir, saan niyo po ba kami dadalhin. Hindi ko naman po tatakbuhan yung pagbabayad ko eh. Iuwi niyo na po kami." mahinahong pakiusap ko dito.
"Di ba kailangan mo ng trabaho? Bibigyan kita ng trabaho." sabi nito at patuloy lamang sa pagdadrive.
"Eh may pupuntahan naman na akong trabaho eh kaso..." napatigil ako. "...baka wala na rin. Hindi ko napuntahan yung interview."
"Kaya nga kita bibigyan ng trabaho kasi dapat mo akong bayaran. Ibig sabihin, you will work for me until you fully paid me."
"Hanggang kailan ako magtatrabaho?"
Ngumisi siya at nakita ko yun sa rear view mirror.
"Hanggang kailan ko gusto." sabi niya.
"Bakit hanggang kailang mo gusto eh..."
"Sinabi ko na sa'yo, kahit may maganda ka pang trabaho hindi mo kagad mababayaran ang sira ng kotseng ito. That's why I'm offering you a job and you don't have no choice but to take it. You also insisted na kahit ano gagawin mo para mabayaran ako di ba?" mahabang lintaya nito.
Oo nga pala. Napabuntong-hininga na lamang ako. Sinabi ko nga pala yun. Very wrong naman Keith. Nagdesisyon ka kagad eh. Pero okay na siguro wag lang kaming makulong ng kapatid ko.
"Ano bang trabaho yung ibibigay mo sa amin? Sana wag mong pagtrabahuhin ang kapatid ko." may halong kaba sa sinabi ko. Ayaw ko kasing madamay pa si Kristan. Ayaw kong mahirapan siya.
"Siyempre magtatrabaho siya." sabi nito.
"Seryoso? Please kahit ako na lang wag lang ang kapatid ko." Pakiusap ko sa kanya.
"Hayaan mo na yang panget na yan Kuya di ko yan susundin!" si Kristan.
"Just kidding. And may I asked you saan ba pinaglihi yang batang yan at kung hindi lang bata yan natampal ko na yan!"
"Very wrong Sir. Pagpasensyahan mo na ang bata. Nag-iisip bata ka tuloy." sabi ko.
"Haist! Magkapatid nga kayo. And just call me Wayne."
"Wayne? Parang tunog ng airplane ganun? Wayneee..waynnneee."
Tumawa naman si Kristan.
"Are you making fun of my name?" may inis sa pagkakatanong niya.
"Ito naman di mabiro. Wayneee ... wayneee..brooommm broommmm." sabi ko pa at tumawa kami ni Kristan.
"Stop it! Hindi nakakatawa!" may halong sigaw sa boses niya. Napatahimik naman kaming dalawa ni Kristan.
"Easy lang. Eto naman masyadong seryoso."
"We're here!" pinarada niya ang kanyang kotse sa may tapat nang isang parang restaurant pero may nakastand doon na parang bote ng beer na malaki. Isang bar?
Nakababa na siya. Pinagbuksan niya kami ng pintuan ng kotse. Bumaba kaming dalawa ni kristan.
"Nasaan kami at ano itong lugar na ito?"
"Nasa bar ko kayo." sabi nito.
"Ha? Bar? Dito ako magtatrabaho?" tanong ko.
"Yup! But don't worry, hindi naman ngayon ang simula mo eh. Bukas pa. But I will let you to have a glance at your work place. Welcome to Wild and Free Restau Bar." sabi niya habang nakatingin sa kanyang business. Talaga kanya ito? Ilang taon na kaya siya. Parang ang bata niya para magpatakbo ng business..
"Wait. Ilang taon ka na ba? True ba? Bar mo ito?" tanong ko.
"I already said it. Well, I'm just 22." Nagpamulsa ito ng kamay at nagsimulang maglakad paloob.
"Gurang na pala yan eh." may panunuksong sabi ni Kristan. Napalingon naman siya.
"What did you say little kiddo?" kunot-noo na tanong ni Wayne.
"Kristan! Wag mo na siyang awayin." sabi ko kay Kristan. Ngumiti naman akong tumingin kay Wayne.
"Wala, sabi niya, tamang edad na pala para magpatakbo ng negosyo." sabi ko habang pilit na tumawa. Pero napakunot noo naman lalo ito na parang di naniniwala.
"Ano ba Kristan bawiin mo yung sinabi mo." sabi ko habang pilit na nakangiting nakatingin sa kanya at tinutulak ko si Kristan.
"Oo. Yun ang sabi ko. Matanda ka.este tama na yung tanda mo para sa negosyo." sabi ni Kristan bahagyang tumawa.
"Follow me." sabi na lang ng lalaki. Umirap ito at tumalikod ito. Sumunod naman kami sa kanya.
"Ikaw Kris ha, wag mo na siyang aawayin. Baka mapasama pa tayo. Wag kang pasaway. Okay?"
"Oo na Kuya. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Gusto ko ng umuwi."
"Basta, uuwi din tayo. Babayaran lang natin yung sira na nagawa natin. Wag kang mag-alala."
"Okay, gutom na ko."
"Mamaya kakain tayo."
Patuloy lang kaming sumunod kay Wayne. Nang makapasok kami ay namangha ako sa nakita sa loob. Ang nasa isip ko kasi ay yung napapanood ko minsan sa mga teleserye. Yung typical na bar. Pero, itong bar ni Wayne ay hindi ganoon. May stage ito sa gitna na may kalakihan at makikita ang malaking disco ball.
Sa gilid noon ay mga upuan mesa pero pang classy at fancy dining ang dating. Kung sabagay. Restau Bar nga di ba Keith? Malamang may pagkarestaurant ang dating. Pero ganoon ba yun? Basta ang gara ng bar na ito hindi katulad sa mga iniisip ko. Ang hirap ng mahirap, walang masyadong alam sa ganito. Kulay white and green and gold ang color motifs ng bar na ito ay nakakaakit ang pagkakablend. Maganda at malaki ang espasyo nito.
"So, ang magiging trabaho mo ay... dishwasher at maintainance. Hindi naman ganoon kadami ang hugasin dito pero, ingatan mo dahil mostly ay babasagin ang mga iyon. Plates, glass, shot glass, etc. And to maintain the cleanliness, ou are in-charge for it. Cleanliness of the restrooms for men and women. And also sa dining area. Sweeping dirts, mopping pero pwede naman baristas or waiters and mop kung walang ginagawa. And also sa kitchen area. Is that fine with you?" mahabang lintaya niya habang nag-iikot sa bar.
Itinuturo rin niya kung nasaan ang mga banyo, kung ang counter area at kung ano pang mga rooms dito. Tumango-tango naman ako sa mga sinasabi niya habang ang iba ay hindi ko na napakinggan ng ayos.
"Ye-yes Sir, okay lang at naiintindihan ko po." pagsagot ko na lamang dito.
"So, pwede mo naman libutin ito para malaman mo kung nasaan ang mga kakailanganin at hindi ka maligaw dito. Mamaya pa naman ang bukas nito." sabi niya at biglang nagring ang cellphone niya. Kinuha niya yun at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Just feel free to have a tour here okay? Dito ka naman din magtatrabaho. Kaya libutin mo na muna. Iwan ko muna kayo saglit."
"Si-sige.." yun lang ang nasagot ko at lumayo siyang sinagot ang cellphone.
Sinundan ko lamang siya ng tingin.
"Kuya nagugutom na ko." sabi ni Kristan.
"Wait lang. Mamaya, pagbalik niya hihingi tayo okay. Tara."
Naglakad kami sa loob ng bar. Malinis nga ito. May magagandang mesa at upuan. Inilibot ko pa ang mga mata ko. Sa taas, baba, gilid at kung saan saan. Malawak talaga. May mga ilang ilaw na talagang lang disco at may mga ilaw na puti na ngayon ay nakabukas para makita ang kabuuan ng loob ng bar.
"Kuya, si Tope yun di ba?" sigaw ni Kristan. Agad naman akong nataranta. Eh kasi naman. Marinig ko lang talaga pangalan ni Tope natataranta na ako. Ganoon talaga siguro pagsuper crush.
"A-asaan?" taranta kong tanong at inilibot ang paningin ko.
"Ayun oh..." sabay turoni kristan sa may bandang likuran ko..
Aww.. si Tope nga. Ang gwapo niya talaga. Ang hot niya sa suot niyang black sando at maong. Kyaaahhh! Bakit ba ang gwapo mo, Tope?? Bakit ka nandito, sinundan mo ba ako? Tanong ko sa isip ko. Wait... oo nga bakit siya nandito.
"Kuya Tope!" tawag ni Kristan at napalingon naman ito sa amin. Nanlaki naman ang mata niya ng makita niya kami. Agad pumatakbo na lumapit.
"Kayo pala Keith at Kris." pagbati nito ng makalapit sa amin. My gosh! Bakit ang bango niya?
"Eh kashe nendete ke eh.." agad akong siniko ni Kristan. Very wrong Keith~ naglulumandi ka na naman.
"Nako si Kuya nag-e-alienize na naman ng words.." kamot ulong sabi ni Kristan.
"Ah. Eh. Kasi dito na ako magtatrabaho simula bukas." medyo nahihiya kong sagot sa kanya habang hindi malaman kung saan ako titingin. Sa gwapo ba niyang mukha o sa mamuscle niyang katawan... my gosh!!! Neglelemende ne nemen eke. Hihi.
"Oh talaga? Dito rin ako nagtatrabaho, actually, one month na." ngumiti siya at lumabas ang maputi at pantay na kanyang mga ngipin. Gosh! Parang mahihimatay na ata ako.
"Wow naman. Eh di magiging katrabaho kita.Ano palang trabaho mo dito?"
"Waiter ako. Ikaw ba? Pero paano kayo nakapasok dito pati parang ang bilis naman. Mahirap ang makapasok dito dahil napagdaanan ko yun." sabi ni Tope.
"Mahabang kwento Kuya Tope. Nagasgasan namin kasi yung kotse ng may ari nito. Kaya ayun. Nag-pilit ang Kuya na bayaran kaya eto, pagtatrabahuhan ni Kuya Keith." sabad ni Kristan.
"Kaya pala. Malaki ba ang damage na ginawa niyo? Pero bakit niyo nagasgasan? Anong nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Tope. Ano ka ba naman Tope, ayaw mo ba tanungin kung gusto kita? Dahil oo ang isasagot ko.
"Nako, hinabol kasi kami ng Junkie's Squad kaya ayan, hindi namin namalayan na may mabubunggo kami." pagmamaikling kwento ko na lang.
"Oo Kuya Tope, ganun nga. Bwisit ka si yung mga pangit na yun. Bubugbugin ko yun eh." sabi ni Kristan.
"Ay very wrong at bad yang iniisip mo kapatid ha. Wag ganyan. Hayaan mo na, may trabaho na naman ako oh. Hayaan mo na sila. Kanila na lahat ng kalakal ng Barangay Ilogan. Basta wag kang lalaking palaaway okay." pagsuway ko dito.
"Hindi pa rin pala kayo tinitigilan ng mga yun. Pero tama nga kuya mo Kris. Nandito na kayo at magtatrabaho na si Keith. Mas okay yun kaysa kinikita niyo sa pangangalakal." pagsang-ayon sa akin ni Tope.
Tope naman ehh. Ayaw pang sabihing gusto mo lan ako maging katrabaho, okay lang naman yun sa kapatid ko eh. Hihi. Bulong ko sa isip ko. Iba na talaga pag crush mo..
"Sige na nga pero nagugutom na talaga ako. May pagkain ka ba dyan Kuya Tope?" pagsegway ni Kristan. Kaya pala. Oo nga pala. Ako rin medyo gutom na. Hindi pa kami nakain ng tanghalian.
"Wala eh, pero kain tayo sa labas. May maliit na karinderya doon. Mura pero masarap ang luto." pag-alok nito.
"Sige. Okay na yun! Tara na Kuya."
"Sige gutom na rin ako eh. Pero kailangan mun nating magpaalam kay Sir Wayne." sabi ko.
"Ako ng bahala, saglit lang tayo libre ko pa. Ako na magpapaliwanag doon." sabi ni Tope.
"Nako nakakahiya no! Wag na. May pera naman kami dito." pagtanggi ko. Gusto kong i-save na lang niya yung pera para sa date namin. Hahaha.
"Okay lang Keith. Kada Linggo naman sahod eh. Kaya mag pera ako ngayon." pagpipilit ni Tope.
"Si Kuya talaga, pakipot. Isipin mo na lang na date niyo ngayon, chaperon niyo ko." sabad ni Kristan. Napatawa naman si Tope.
"Anong date? Sinong magdedate?" boses ni Wayne.
"Sila Kuya Tope at Kuya Keith, bakit?"sabi ni Kristan at pumaywang pa ito.
"Aba, aba. At sinong may sabing pwedebg magdate sila?" sagot naman nito.
"Ako! Permiso ko yun bakit ha?" matapang na sagot ni Kristan. Gosh! Eto na naman sila.
"Edi magdate sila. Maiiwan ka dito, gusto mo?" pang-aasar ni Wayne. Isip bata rin talaga ang isang ito.
"Hindi! Kakain kami. Buti pa si Kuya Tope, papakainin kami ikaw, dinala mo kami dito walang pagkain!" panlalaban ni Kristan.
Medyo natigilan naman si Wayne. Hindi ko alam pero parang nabigla siya.
"Kristan! Tumigil ka na nga. Sinabi ko naman sa'yo wag kang lalaban sa matatanda. Kay bata-bata mo pa eh." sabi ko dito at bahagyang pinalo sa may puwitan. Lumuhod ako, pumantay ako sa laki ni Kristan.
"Eh matanda talaga na yan. Pati, kasi Kuya, gutom na ko. Wala pa tayong kain simula kaninang tanghali. Gabi na eh. Masakit na yung tiyan ko." yumakap ito sa akin.
"Kakain na tayo okay. Sinabi ko naman magpapaalam lang tayo. Ikaw talaga. Wag kang iiyak." sabi ko dito.
"Christopher, pag-utos mo sa kitchen na maglabas ng pagkain dito." seryosong sabi ni Wayne.
"Nako Boss, okay lang kami kumain sa labas. Meron naman..."
"Just do what I've said Mr. Macandog!" maawtoridad nitong utos sa kay Tope.
"Yes, Bo-boss." sagot na lang ni Tope at umalis ito.
Tumingin naman ako kay Wayne na ngayon ay may seryosong awra.
"Ah. Eh. Pasensya ka na sa kapatid ko ha. Alam mo na bata. Ako na humihingi ng pasensya." sabi ko dito at pilit na ngumiti.
"You don't have to. Hintayin niyo na lang ang pagkain. Have a seat there sa labas ng bar." utos nito at itinuro kung saan mauupo.
"Si-sige.."
Tumayo ako at hinila si Kristan. Baka mamaya ay magbago pa ang isip nito. Napatigil ako at pinaiwan si Kristan sa labas. May itataning kasi ako sa kanya bago ko pa makalimutan...
"Wait, Sir..."
Lumingo naman ito.
"Yes?" seryosong tono nito
"Uhm. Salamat." at ngumiti ako sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Agad niyang iniwas ang kanyang mukha kung saan at tumalikod. Pero wala akong natanggap na pagtugon sa kanya.
------