Tope's POV Isang alaala ang hindi ko malilimutan. Simula ng makilala ko siya, aaminin kong hindi normal ang nararamdaman ko pero masarap sa feeling. Pilit kong iniwawaglit sa isipan at puso ko na pwede ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero mismong sarili ko ay hindi ko na madiktahan. Sa halip na magpakita ng motibo, kahit masakit ay itinago ko ng ilang taon ang nararamdaman ko para sa kanya. Unabg pagkikita namin ay mismong araw din na kung saan may nang-away at kinuha ang kanyang kotse noon. Nasaksihan ko lahat ng iyon. Gusto ko sana lapitan sila pero nang itulak ni Keith ang lalaki na umaaway sa kanya ay umurong ako. Matapang. Palaban at nakikita kong hindi siya patatalo sa nang-aaway o nagmamaliit sa kanya. I found him so adorable. Napangiti ako sa kanyang aksyon ng araw na iyo

