Waring naghahanap ako ng isasagot ko kay Tope. Wala rin akong ideya na tatanungin niya ako ng ganoong bagay. Dati naman halos mataas ang aking paghanga sa kanya. Pero ngayong nagtatanong siya ng bagay na dati ko pa gusto, eh bakit wala akong maramdaman. Noon, gustong-gusto ko siyang makikita. Makasimoy lamang sa kanya ay masaya na ako. Pero bakit gano'n? Bakit biglaang nawala? Oo gusto ko siya noon, pero ngayong nakita ko na siya ulit ay parang may parte ng nawala sa akin. Natutuwa ako at siya ngayon ang tumulong sa akin. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ang bagay na ito. Wala sa isip ko at wala sa inaasahan ko. Maaring dahil kay Wayne. Natabunan siguro ng nararamdaman ko kay Wayne ang dating pagkagusto ko kay Tope. At dahil pinayagan ko ang sarili kong mahalin si Wayne, unti-un

