Kahit hirap na hirap siyang pagsabayin ang pagiging working student niya, katulong at pag-aaral ay pilit niyang kinakaya lalo't nalaman niya mula kay Nana Minda na naka-schedule na para sa operasyon ang daddy sa susunod na buwan. Nagvi-video call din ang yaya niya at nakikita niya na parang lumalakas na konti ang daddy niya. Nakausap na rin niya ito isang beses. Miss na miss na niya ang ama. Ito lang talaga ang dahilan kung bakit lumalaban pa rin siya hanggang ngayon. Nakakalimutan na niya ang hiya at wala na siyang pakialam kung siya man lagi ang paboritong topic sa school. Sabado noon at walang pasok. Busy siya sa paglilinis sa may hagdanan dahil sa utos ni Wendy. Mag-iisang oras na yata siya roon at tagaktak na ng pawis ang mukha niya. Basta na lang niya itinali ang buhok para hindi m

