Kinagibihan ay sinimulan na rin niyang pag-aralan ang mga papeles na nakuha sa opisina ng ama. Humingi rin siya ng mga kopya sa abogado nila tungkol sa mga perang nailabas ng ama. Pati ang mga videos nito sa loob ng casino ay hiningan niya ng copy. Kahit kitang-kita ang ama sa mga casino sa videos ay hindi niya matanggap sa sarili na nalulong ito sa sugal. Kailangan niyang malinis ang pangalan ng ama. Mabuti na lang at hindi siya nagbolakbol sa pag-aaral kaya't naiintindihan niya naman ang mga reports ng opisina na hawak niya. Nakatulugan na niya ang pagri-review ng mga iyon. Start na ng enrolment at kailangan niyang pumunta ng school para magsimula na ring mag-assist sa registrar's office. Natutulog pa ang mag-ina nang umalis siya ng bahay. Madaling araw siyang gumising para malabha

