Gising na ang daddy niya nang dumating siya. Pinauwi niya muna si Nana Minda para makatulog at ito naman ang papalit sa kanya kinabukasan. Dalawang beses lang dumalaw si Wendy at si Adrianna sa ospital magmula nang maospital ang ama. Wala naman siyang pakialam talaga sa dalawa pero inaalala niya ang mararamdaman ng daddy niya. Pero wala naman itong binabanggit tungkol sa madalang na pagdalaw ng madrasta niya at ni Wendy. Nakakausap na niya ito kahit nanghihina pa rin ito. May nakakabit pa ring kung ano-ano sa katawan ng ama. Lagi niyang hawak ang isang kamay ng daddy niya kapag nandu'n siya. Inilapit niya sa pisngi ang kamay nito habang nakangiti itong nakatingin sa kanya. " Musta ka naman, princess? Okay lang ba'ng lahat sa bahay?" nanghihina pa rin ang boses nito nang tanungin siya. H

