KABANATA 4

3886 Words
Nang makarating sa bahay ay nakita niya agad na nakaupo sa sala ang mag-ina na para bang hinihintay talaga siya. Ang hula niya ay agad na nagsumbong si Wendy sa madrasta niya. Napaismid pa siya nang maisip na ito pa talaga ang may ganang magsumbong. Hindi nga siya nagkakamali dahil agad na tumayo si Adrianna para salubungin siya ng sermon. " Ano itong sinasabi ni Wendy na nakikipaghalikan ka raw sa kung sino-sino sa kalye? At sa isang mekaniko pa talaga?" nakataas pa ang kilay ng babae habang tinititigan siya na para bang diring-diri. Tumigil siya sa paglakad papunta sana ng kwarto niya at hinarap ang mga ito. " Hindi po siya kung sino-sino dahil boyfriend ko po siya. Alam ko naman na kinakalantari na ng anak ninyo ang boyfriend ko na si Scott so mabuti nang may nakareserba ako, di po ba?" nang-iinis pa na sabi niya at tiningnan nang masama si Wendy. Nakita niya ang biglang panlilisik ng mga mata ni Adrianna. " Kasalanan ba ng anak ko kung natutukso ang mga boyfriends mo sa kanya? Ibig sabihin lang nu'n ay malakas ang s*x appeal ng anak ko kesa sa'yo," parang hinihingal sa galit na sabi nito sa kanya. Patuyang napapangiti na lang siya habang umiiling-iling. Kahit kailan talaga ay kinukunsinti ng ina nito ang kaharutan ng anak. Proud na proud pa ito kung tutuusin na nakuhang agawin ni Wendy ang mga ex niya sa kanya. Like mother like daughter nga. " s*x appeal? Or kalandian?" nanunutya pang tanong niya. Si Wendy naman ang parang mababaliw sa galit na kulang na lang ay dakmain siya ng matutulis na kuko nito. "Huwag mo akong matawag-tawag na malandi, ha! Atleast ako hindi pumapatol kahit kanino. May taste pa naman ako. Eh, ikaw? Kahit mekaniko pinapatos mo! Huwag kang mag-alala dahil never kong aagawin iyang mekaniko mo sa'yo!" nanggagalaiting sabi ni Wendy. Humarap pa siya nang maigi rito bago sumagot. " I don't care kung mekaniko siya dahil mabubuhay naman kami sa kayamanan namin. Hindi ka nga dapat mag-boyfriend ng poor kasi nga wala ka namang kayamanan na bubuhay sa inyo kung saka-sakaling mag-aasawa kayo. Di ba nga, nakiki-share ka lang ng luho sa akin? Saan ka pupulutin if ever?" iniinis pa niya itong mabuti. " How dare you!" akmang susugod na sana ito nang pigilan ng ina nito. " Stop it, Wendy. Hayaan muna natin siya ngayon. Alam kong sa kanya tatama ang mga sinasabi niya. We will wait for that to happen. Ako talaga ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag nakita na kitang gagapang sa lupa dahil sa kahirapan," makahulugang sabi nito. Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito saka tumalikod nang walang sabi-sabi. As if it will happen, kumpiyansang sabi ng isip niya. Mabilis na pumasok na siya ng kwarto at pabalibag na itinapon ang bag sa kama at humiga nang patihaya. Nang mapatitig siya sa kisame ay nakita niya uli ang mukha ng lalaki sa talyer. Wala sa loob na dinama niya ang labi nang maalala ang pagkakalapat ng mga labi nila. Kahit parang nagdikit lang talaga ang mga labi nila at hindi talaga matatawag na halikan ang nangyari sa kanila ay parang nagtatayuan naman ang mga balahibo sa katawan niya. Hindi pa siya nakadama nang ganu'n. Mas sanay siya na siya ang pinapantasya at hindi siya ang nagpapantasya sa isang lalaki. Inis na tumayo siya. Ayaw na niyang isipin ang lalaki dahil hindi magka-level ang estado nila sa buhay. Syempre sinabi niya lang iyon kanina na okay lang siya kahit sino ang magiging boyfriend niya para inisin ang mag-ina. Pero never niyang papangaraping magkarelasyon sa taong walang maipagmamalaki sa kanya. Ayaw niyang siya ang magsisilbing parang tungtungan nito para umangat. Saka ayaw niya sa lalaking hindi kayang ibigay ang lahat ng luhong kinagisnan niya. Agad na pumunta siya ng banyo para maligo nang tuluyan nang matanggal sa isip ang conceited na mekaniko. Pakiramdam niya kaya ganun ito umasta kahit mekaniko lang ito ay dahil alam nito ang taglay nitong kagwapuhan. Aanhin ko naman ang gwapo kung wala namang maipapakain sa akin kundi sardinas? Ipiniksi na niya uli sa isip ang lalaki. Ayaw na niyang pag-aksayahan ito ng panahon. Maaga ang pasok niya kinabukasan. Lagi namang wala ang daddy niya lately dahil sa kabi-kabilang business trips nito kaya't dumidiretso na siya sa school at doon na kumakain ng breakfast. Ayaw niya kasing makasabay sa hapag-kainan ang mag-ina kung wala lang din naman ang daddy niya. As usual, kapag dumarating na siya sa school ay agad na napupuna niya ang tingin ng mga studyanteng masasalubong niya. May mga lalaking panay ang pa-cute kahit alam ng mga itong may boyfriend siya. Sanay na siya na maging center of attraction lagi kaya't malaking-malaki ang kumpyansa niya sa sarili. Speaking of boyfriend, hindi na pala niya boyfriend si Scott. Malinaw na dahil sa nangyari kahapon ay wala na sila kahit walang formal na usapan ng breakup nila. Panay ang tawag nito sa phone niya kagabi pero hindi niya sinasagot hanggang sa mapagod ito sa kakatawag. Nang makapasok sa loob ng room ay agad na sinalubong siya ng mga friends niyang puro anak ng mga mayayamang negosyante. " Oh, there she is!" agad na sabi ni Natasha nang makita siya. Pagmamay-ari ng pamilya nito ang tatlong malalaking malls sa Cebu. " Hi, girls!" agad na ngumiti siya sa mga ito. Apat silang magbabarkada sa school na pareho ang kursong kinukuha dahil na rin sa mga negosyong pagmamay-ari ng mga magulang nila. " Zoey, is it true?" agad na tanong ni Crystal sa kanya nang makalapit sa mga ito. Second name niya minsan ang tawag ng mga ito sa kanya. Nakatitig ang tatlo sa kanya na naghihintay ng sagot niya. Nagugulumihang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. " Ang alin?" nagtatakang tanong niya. " There's this rumor na you were cheating on Scott. We didn't know that you had it in you, being a cheater? And someone said that your other boyfriend is working in a talyer," maarteng sabi pa ni Liza. Natigilan siya sa narinig. Ambilis talaga magpakalat ng balita tungkol sa kanya si Wendy para lang siya siraan. Hindi siya nagpahalata at kunyari ay hindi apektado sa nalamang kumakalat na tsismis tungkol sa kanya. " Wendy..." kunyari ay natatawang sabi niya. " Actually, somebody told me na si Scott ang may sabi niyan. He said that he saw you kissing this greasy person and hindi siya nakapagpigil at nabugbog niya ito. He even said that you were begging him to not break up with you pero nainsulto raw talaga siya sa isinabay mo sa kanya. Mapapatawad ka pa raw siguro niya if ka-level niya rin ang pinatulan mo or mas higit pa sa kanya," parang tsismosang kwento ni Crystal. Napatitig siya sa mukha ni Crystal habang nakikinig at bigla ring napabunghalit ng tawa. Nagulat ang mga ito sa reaksiyon niya. Hindi naman niya mapigilan ang sarili sa kakatawa. Naluluha pa nga ang mga mata niya dahil du'n. Napahawak na lang siya sa tiyan niya dahil parang sasakit na iyon sa sobrang tawa habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig niya. Walang umiimik isa man sa mga kaibigan niya at nakatingin lang sa kanya na parang naguguluhan. Nang sumakit na ang panga niya sa pagtawa ay pilit na niyang pinigilan ang sarili at napapangiti na lang habang pinapahid ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Oh my! She never laughed that hard ever since. Inalis muna niya ang bara sa lalamunan bago nagsalita uli. " I was the one who saw him with Wendy. Yes, I did kiss a guy because..." hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang pumasok na ang ibang estudyante dahil dumating na ang professor nila. " Later na lang, girls,' sabi niya sa mga ito. " Oh, I can't wait," atat na atat na sabi ni Crystal at parang ayaw pa nga sana nitong pumunta sa upuan nito pero nagsalita na ang professor nila kaya napilitan na rin itong pumunta sa pwesto nito. Umupo na rin siya sa upuan niya at nangingiti pa rin sa mga pinagsasabi ni Scott. What a jerk! Bakit kaya siya nagkagusto du'n? Natatawang tanong ng utak niya sa sarili. Panay ang tingin ng mga kaibigan niya sa kanya dahil gustong-gusto nang hilain ng mga ito ang oras para maikwento na niya ang lahat. Pero nag-overtime ang guro nila ng ten minutes at late na siya sa next subject niya. Siya lang ang napahiwalay ng schedule sa mga ito sa subject na iyon. Pinigilan pa siya ng mga ito at sinabing huwag nang pasukan ang next subject niya pero sinabi niyang bawal na siyang lumiban dahil may warning na siya sa teacher niya sa subject na iyon. Mabilis na umalis siya at humahangos na pumasok sa room kahit late na siya ng ilang minuto. Nakita niya ang guro nila na nakaupo sa mesa habang may isang estudyanteng nasa harap at doon ito nakatingin kaya't dahan-dahan siyang pumasok at umupo sa pwesto niya bago pa siya nito mapansin na late. " Alright, class. Let's listen to Blaire the new transferee in our school," narinig niyang sabi ng guro nila. Blaire? Automatic na dumako ang tingin niya sa lalaking nasa harapan ng klase. Nagtama ang mga mata nila. Nakita niya na parang nagulat din ito nang makita siya. Hindi niya maalis-alis ang tingin dito habang agad naman itong nakabawi sa kabiglaan at nagsimula nang magsalita sa harap ng lahat. " Good Morning! I'm Blaire Fajardo. I'm just new here and I'm a working student. So, if hindi man ako makakasama sa mga gala niyo, guys, alam ninyo na kung bakit," nakangiting sabi nito. Nakita niya nang parang kinikilig ang mga babae sa room nila. " Ahm, Blaire, ano bang work mo now? Baka pwede kitang mabisita du'n," pabebeng tanong ng babaeng nasa harap nito. Napuno ng kantiyawan ang room habang sa Blaire ay nakangiting bumaling din sa babae. " Mekaniko ako sa talyer malapit lang dito. If may ipapaayos kayong sasakyan, pwede ninyo akong bisitahin doon," tumingin pa ito sa kanya nang sabihin iyon. Napuno ng bulung-bulungan ang klase. Nagulat yata ang lahat sa isiniwalat ng bagong kaklase. Halos lahat kasi ng mga nag-aaral doon ay galing sa mayayamang angkan. Nakita naman niya na parang hindi naman apektado ang lalaki sa naging reaksiyon ng mga kaklase. Ngumiti pa ito nang matamis sa lahat. Tumaas lang ang kilay niya. " May girlfriend ka ba, Blaire?" tanong pa ng maharot nilang kaklase. " Secret," nakangiting sagot nito na kumindat pa sa nagtanong. Napuno uli ng kantiyawan sa loob. Napahalukipkip siya sa nasaksihan na parang naaalibadbaran. Ngayon lang talaga siya nakakakita ng lalaking sobra ang kumpiyansa sa sarili kahit wala namang ibang maipagmamalaki kundi ang maganda nitong mukha. Magtatanong pa sana uli ang babae nang sumingit na siya na nakataas na ang kilay. Ewan niya pero naiinis siyang makita ang pagpapa-cute ng babae na para bang gandang-ganda ito sa sarili. Sa katunayan, eh, napapansin lang ito hindi dahil sa kagandahan nito kundi sa masyadong makapal na make-up nito. " Are we going to use our time today in getting to know him?" nakataas ang kilay na tanong niya na kunyari ay tiningnan pa ang oras sa mamahaling relo. Natigil ang lahat at napalingon sa kanya. Walang umiimik sa mga kaklase niya. Wala kasing isa man sa mga ito ang sumubok na barahin siya kailanman. Inangat niya ang tingin sa lalaki at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya nang nakangiti pa rin. " Alright, enough about me, guys. I think atat na atat na yata si Shauntel sa lesson natin today," nanunuksong sabi nito. " Oh, you know each other?" tanong ng isang kaklase. Ang iba naman ay kitang-kita ang kuryusidad sa mga mukha kung bakit sila magkakilala. Hindi niya inaalis ang tingin dito na parang binabantaan ito pero hindi ito natinag. " Of course, I know her. By the way, thank you sa binigay mo kahapon," misteryosong sabi nito at tiningnan pa siya sa paraang maiintriga talaga ang lahat nang makakakita saka pumunta na sa upuan nito. Hindi niya alam kung paano magri-react lalo't nakita niya ang mga nagdududang tingin ng mga kaklase. Tinaasan niya lang ng mga kilay ang mga kaklase niya at bigla ay binawi na ng mga ito ang mga tingin sa kanya. " Alright, let's start our lesson for today," narinig niyang sabi ng guro na pumunta na sa harapan. Masama ang tingin na ipinukol niya sa lalaki kahit hindi ito nakatingin sa kaniya. Hindi niya akalaing makikita niya ito uli. Of all places, sa school pa talaga. Nagsimula pa talaga ito ng issue tungkol sa kanilang dalawa. Hindi niya maalis-alis ang pangungunot ng noo habang nagdi-discuss ang teacher nila. Nang sa wakas ay natapos na ang klase ay nag-uunahan nang lumabas ang mga kaklase niya. Nagpaiwan ang ibang mga babae para lapitan si Blaire na pinapangunahan ng kaklase nilang maharot. " Business Ad din ba ang course mo?" tanong nito sa nakaupo pa ring lalaki. " Yes," maikling sagot ng lalaki na ngumiti sa limang babaeng lumapit dito. Siya naman ay nakaupo pa rin sa upuan niya at inoobserbahan ang mga ito. " Pwedeng mahingi ang number mo?" Ang ibang babaeng nakapalibot dito ay panay pa cute lang dahil iyong maharot ang salita nang salita. " Sure. Ito ang number ng talyer na pinagtatrabahuan ko. Just call that number if kailangan ninyo ang serbisyo namin," sabi nitong inabot ang isang card. Magpo-protesta pa sana ang babae pero napatigil nang bigla siyang tumayo na lumikha ng ingay ng upuan. Naglingunan sa kanya ang mga babae at parang natakot na nagsilayuan sa lalaki. Pumunta na sa may pintuan ang mga babae pero hindi naman umaalis. Nilapitan niya ang lalaki. Tumayo na rin ito pero hindi siya nilingon. " Are you stalking me?" mahinang sabi niya para hindi masyadong marinig ng mga babaeng nasa labas na parang hinihintay lang din na lumabas ang lalaki. " What?" mahinang napatawa ang lalaki na lumingon na sa kanya. Matangkad ito kaya't kailangan pa niyang tumingala konti. " Bakit mo ako kilala and bakit dito ka pa talaga nag-aaral?" tanong niya. Para siyang clown nang tingnan nito. Hindi pa siya tinitingnan nang gan'un ng kahit na sino. Mas sanay siya na tinitingnan na parang isang dyosa sa lupa. " Di naman ako bingi nang tawagin ng two-timer na boyfriend mo iyong pangalan mo kahapon," napapailing na sagot nito. Nakita niya nang pasilip-silip ang iba pa nilang kaklase na nasa labas. Alam niyang mas naiintriga na ang mga ito sa kanila. " You know what..." hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang may pumasok sa room. " Oh, so dinala mo pa talaga dito iyang lalaki na iyan. I thought it was just a fling for you to get even. Kaya pala ayaw mong sagutin ang mga tawag ko kagabi," galit na boses ni Scott ang nagpalingon sa kanila dito. Agad na pumasok uli ang mga kaklase niya na nasa labas kanina. Kahit iyong ibang estudyante na nasa hallway ay nakiusyuso na rin. " Will you stop making a scene, Scott?" inis na sabi niya sa ex. " Hindi ako seryoso kay Wendy, alam mo iyan. Walang seseryoso sa stepsister mo na iyon. You should not do this to us, Shaun. I will forgive you and forget about everything," biglang nag-iba ang boses ni Scott at nagsusumamong tumingin sa kanya. Ang kapal! Siya pa talaga ang papatawarin kuno nito when ito naman talaga ang nagsimula ng lahat. " Scott, wala na tayo. Let's just move on," tanging nasabi niya. Naramdaman niyang hindi rin kumikilos ang bagong kaklase sa tabi niya. " Bakit? Iyan ba ang ipinagmamalaki mo? Bumaba na ba ang taste mo? Ganyan ka na ba kadesperada para lang mahigantihan ako? Ikaw ba ang nagbayad ng pagpapa-enrol niya rito?" bigla ay galit na ulit ang boses ni Scott. Galit na tiningnan niya ito nang masama. " Maghinay-hinay ka sa mga pinagsasabi mo, pre. Ayaw kitang patulan kaya't tigilan mo na iyan" mahinahong sabi ni Blaire pero ramdam niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. " Bakit, ha? Kung kailangan mo ng bubuhay saiyo, maghanap ka ng iba at huwag ang girlfriend ko," lumapit pa si Scott dito na parang naghahamon. Dumarami na ang mga estudyanteng nakikiusyuso sa kanila. " Pwede ba, Scott! Hindi mo na ako girlfriend kaya tumigil ka na diyan. Hindi na ako makikipagbalikan pa sa'yo. Alam mo namang never na akong bumabalik sa mga lalaking nilandi na ng stepsister ko, di ba?" galit na sabi niya. Kulang na lang ay sigawan niya ito sa mukha. Alam kasi ng lalaki na lahat ng nagiging ex niya na pumatol kay Wendy ay panay pa rin ang habol sa kanya hanggang ngayon. Hindi na niya pinapansin ang mga iyon. Ang isa nga ay nai-report pa niya dahil sa pangha-harass. " You are just using him, Shaun, right? You will never fall for a guy who can't offer you anything kundi ang magkumpuni ng kotse mo," nagsusumamong sabi uli ni Scott na may halong pang-iinsulto pa rin para kay Blaire. Hindi na niya napigilan ang biglang pagkilos ng lalaki sa tabi. Agad na nakwelyuhan nito si Scott. Madali lang gawin nito iyon dahil hindi naman ganu'n katangkad si Scott at hindi rin maskulado ang katawan ng ex. " Ulitin mo'ng sinabi mo. Di ba, sabi ko bantayan mo ang mga salita mo? Hindi porke't mayaman ka ay hindi kita kayang patulan," seryoso na ang mukha ng lalaki na hindi pa rin binibitiwan si Scott. Nakita niya ang biglang paglunok ni Scott pero hinawi nito ang kamay ni Blaire nang marahan. Binitiwan naman ng lalaki ang kwelyo nito. " Y-you can just get out of the picture, bro. I know Shaun, you are not the right man for her. Hindi mo kayang ibigay ang mga gusto niya. We will settle things between us," huminahon na ang boses ni Scott nang kausapin si Blaire. Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Kulang na lang ay siya ang sumuntok sa makapal na mukha ni Scott. " I don't know where you got that idea, Scott, but I will never choose you over him. He might not be rich pero he is not a jerk like you!" galit na sabi niya rito. Hindi naniniwala ang mukha ni Scott habang nakatitig sa kanya. " I know na di kayo magtatagal if totoo ngang merong kayo. I will just wait for you with open arms, Shaun," kumpiyansang sabi ni Scott at tumalikod na. " Such an asshole," mahinang sabi niya sa nanggigigil na boses. Narinig niya ang pagbuntunghininga ni Blaire sa tabi niya. " Bakit ba lagi akong nasasangkot sa gulo kapag kasama kita, Miss Trouble?" naiiling na sabi nito saka nagpatiuna nang naglakad. Nakita niya ang mga estudyanteng nakatingin pa rin sa kanila. Narinig ng mga ito ang mga sinabi ni Scott tungkol sa kanila at kailangan niyang panindigan ang mga sinabi rin niya sa ex niya. Mabilis na hinabol niya ang lalaki at agad na humawak sa braso nito. Napakunot-noong napatingin ito sa kamay niyang nakakapit dito. Nginitian niya ito nang pilit at hindi na nagsalita pa habang naglalakad sila palabas. Pinagtitinginan sila ng lahat. Wala na siyang choice. Hindi na niya kayang bawiin ang mga sinabi niya na narinig ng marami na alam niyang kakalat pa sa buong campus. Ayaw naman niyang mapatunayan ng ibang estudyante na totoo ang hinala ni Scott. Mabuti na lang at hindi inalis ng lalaki ang kamay niyang nakahawak dito hanggang sa nakalabas na sila ng school. At dahil sikat siya sa campus ay pinagtitinginan sila lalo pa't hindi pamilyar sa mga ito ang kasama niyang lalaki. Biglang huminto ang lalaki nang makalabas na sila. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito. " Don't tell me na sasamahan mo ako hanggang talyer?" seryoso ang mukha nito nang bumaling sa kanya. Agad na inalis niya ang kamay na nasa braso nito. " Well, well, well... What a sight to see." Napapikit pa siya nang may pagkainis nang marinig ang pamilyar na boses sa likod. Good Lord, hindi ba siya titigilan ng mga asungot? inis na sabi ng utak niya nang marinig ang nakakairitang boses ni Wendy. Sabay nilang nilingon ni Blaire ang babae. Base sa buntunghininga ng lalaki ay parang naiinis na rin ito dahil parang may kasunod na namang gulo. Tiningnan nito mula ulo hanggang paa si Blaire. Hindi naman natinag ang lalaki at nakatingin lang din kay Wendy na parang naiinip na. " Hmm, I can't blame you. Your boyfriend here looks expensive. Kaya siguro ready kang maging batang sugar mommy niya," sabi nito na tumawa pa nang maarte na tumingin pa sa dalawang kasama nito na nagsitawanan na rin. Agad namang tumigil ang mga kasama nito nang pandilatan niya ng mga mata. " Nagpuputok ba ang butse mo dahil parang asong hahabol-habol pa rin sa akin ang ex ko gaya nang mga nauna after ka nilang matikman?" nang-iinis na sabi niya kay Wendy. Biglang umusok ang ilong nito sa narinig. May kasunod pa sana iyong pang-iinsulto nang marinig niya uli ang buntunghininga ng lalaki. " Come on," sabi nito na agad siyang inakbayan. Nagulat siya sa ginawi nito lalo pa at inakay na siya nito paalis sa harap nila Wendy. Wala siyang nagawa kundi magpatianod nang humakbang na ang lalaki palayo. " b***h!" narinig pa niyang sabi ni Wendy. Lilingunin pa sana niya ito pero mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ni Blaire para di na niya mabalikan ang stepsister niya. Huminto sila sa gilid ng sasakyan niya. Ba't alam nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya? Biglang inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kanya. " You are really my stalker," nagdududa nang sabi niya rito. Seryosong tumingin ito sa kanya. Nakita niyang parang pinipigilan lang nito ang mainis. " Alam mo, Miss trouble, wala ka nang ibang ibinigay sa akin kundi gulo. Ako pa ngayon ang tatawagin mong stalker? Pasalamat ka't sinakyan ko ang kabaliwan mo," pagkasabi nu'n ay umalis na sa harap niya. " W-wait!" pahabol na tawag niya rito. Tumigil ito at lumingon sa kanya na nagtatanong ang mukha. Agad na hinagilap niya ang wallet sa bag. " How much do I owe you?" tanong niya. Nangunot ang noo nito lalo. " Ang alam ko sobra pa sa bayarin mo ang ibinigay mo kahapon. By the way, binigay ko ang lahat ng tip mo sa dalawa dahil parehong may anak ang mga iyon," tukoy nito sa ibinayad niya sa talyer na ibinigay pala nito sa dalawang kasama ang sobra. " I mean magkano ang bayad sa pag-abala ko sa'yo today?" Nanatiling nakatingin lang ito sa kanya na nagtataka pa rin. She sighed. " Magkano ba ang bayad sa pagpatianod mo kanina. I mean iyong pagsakay mo sa mga sinabi ko?" parang nawalan na rin ng pasensiya ang boses niya. Natigilan ito sa sinabi niya at parang mas lalong nawala sa mood. Parang galit itong tumalikod uli sa kanya nang walang sabi-sabi. Hahabulin niya sana ito pero mabilis ang mga hakbang nito palayo. Sinundan niya na lang ito ng tingin na nakakunot-noo na rin sa inis. Nakita niya ang direksyong nilalakad nito. Papunta ito lugar na alam niyang patungo sa eskinita na parang sa mga eskwaters. Doon kaya ito nakatira? Kinilabutan siya sa naisip. Natatakot talaga siyang mapadpad doon. Alam niyang halo-halo ang mga taong nakatira roon na alam nyang dapat iwasan ng mga taong tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD