Saka lang siya nabalik sa kasalukuyan nang makarinig ng mga nagtatawanang magbabarkada na dumaan sa tapat ng sasakyan nya. Agad na pinaandar nya ang sasakyan. Mas lalo siyang nainis sa babae nang maalala ang nakaraan. Ito at ang ina nito ang sumpa sa buhay nya.
Agad na pinaandar nya ang sasakyan pero hindi pa man siya nakakalayo ay biglang parang may tumunog sa isang gulong sa likod. Inis na itinigil nya ang sasakyan at bumaba para tingnan iyon. Nakita nyang wala nang hangin ang isang gulong at may nakita siyang isang kahoy na may pako sa tabi noon.
“ Today is really my lucky day,” nanggagalaiting sabi nya sa sarili.
Pumasok siya uli sa loob ng kotse at naghanap ng malapit na talyer online. Kinuha nya ang numero at tinawagan iyon. Mas lalo pa siyang nainis dahil matagal bago iyon nasagot.
“ Hello! Ba’t antagal nyong sagutin?” inis na sabi nya nang tumigil na sa pag-ring sa kabilang linya tanda na may sumagot na ng tawag.
“ Hello. Pasensiya na po at may ginagawa lang po iyong nagbabantay,” narinig nya ang baritonong boses sa kabilang linya.
Maganda ang boses nito at maayos ang pagsasalita kaya sa tingin nya ay iyon ang may-ari.
“ You know what? You should fire that person right away. Anyway, can you send someone here at Magical Park kasi nabutas iyong isang gulong ng kotse ko. I would really appreciate it if hindi nyo ako paghihintay ng matagal,” hindi pa rin nawawala ang inis sa boses nya.
Narinig nya ang pagbuntunghininga ng kausap sa kabilang linya.
“ Whatever you say, Maam,” sagot nito saka pinatay na nito ang phone.
Aba’t… Tiningnan pa nya nang matagal ang screen ng phone para siguraduhing wala na nga siyang kausap. Ibinato nya ang phone sa upuan ng sasakyan nya. Lumabas siya ng kotse at pabalibag na isinara ang pinto noon saka sumandal doon habang hinihintay ang susundo galing sa talyer. Hindi naman nagtagal ay may nakita na siyang sasakyan na sa tingin nya ay siyang hihila sa kotse nya. May dalawang taong sakay iyon.
“ Maam, kami po iyong sa Benong’s talyer. Ikakabit lang po namin ito sa kotse nyo para madala na namin doon. Saka pwede po ba’ng sa passenger’s seat lang kayo dahil ako iyong uupo sa driver’s seat para masigurong walang palya?” agad na sabi ng isang lalaki.
Tiningnan nya ang kabuuan nito. Masyadong madungis ang damit at halatang galing lang sa kakabutingting ng sasakyan. Gusto nya sanang tumanggi kasi ayaw nyang madumihan ang loob ng sasakyan nya dahil kakapalinis pa lang nya noon pero wala siyang choice.
Tumango na lang din siya dito. Agad na bumaba iyong isang lalaki at tinulungan ito sa pagkabit ng panghila sa sasakyan nya. Nang matapos ay ibinigay nya ang susi sa isang lalaki at pumasok na rin siya sa loob.
Habang nagmamaneho ay panay ang tingin ng lalaki sa kanya.
“ Will you stop staring at me?” baling nya dito na naiirita.
“ Ay, sorry, Maam. Ngayon lang kasi ako nakakita sa personal ng sobrang ganda na babae. Para po kasi kayong artista,” napahiyang sabi ng lalaki at napakamot pa ito sa ulo.
Inirapan nya lang ito at ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana. Nakita nya na papasok na sila sa loob ng malaking garahe. Kung siya lang ang masusunod ay sa isang sikat na talyer siya magpapaayos pero masyadong malayo iyon. Baka abutin siya ng siyam-siyam kapag iyon ang tinawagan nya.
Mabilis na bumaba siya ng kotse pagkarating nila doon. Napangiwi pa ang mukha nya nang makita ang talyer. Parang kahit saan yata siya hahawak ay magkakalangis ang mga kamay nya.
“ Upo muna kayo, Maam,” alok ng lalaki sa kanya na binigyan siya ng isang upuan.
“ Thanks but no. I’m okay,” tanggi nya nang makita ang maruming upuan.
Agad na tinanggal ng mga ito ang kawit sa sasakyan nya at pumunta na sa gulong na nabutas. Wala na siyang nakitang ibang tao doon kundi ang dalawa lang.
“ Nasaan ba iyong may-ari? Siya ba iyong sumagot ng tawag ko kanina?” tanong nya sa mga ito.
“ Wala po dito ang may-ari. Miminsan lang iyon napapadayo dito. Si Bler po iyong nakausap nyo at nasa loob at may ginagawa pa,” sagot ng isa na busy na sa gulong nya.
“ Baka may gusto po kayong inumin, Maam?” tanong ng isang lalaking nakatayo sa gilid nya.
“ No, I’m good,” sagot nya saka nakaabrisyeteng tumingin na sa tumatrabaho ng sasakyan nya.
“ Sige po, Maam, pupunta lang ako sa may likod para tapusin iyong isa kong ginagawa,” paalam nito saka umalis na.
“ Grabe pala ang butas nitong gulong. Tatanggalin ko na lang po para palitan,” sabi ng lalaki na parang nahihirapan sa pag-aayos.
“ Meron akong isa pang gulong sa likod. Buksan mo na lang. Ito iyong susi,” sabi nya saka inabot ang susi sa lalaki.
Kinuha nito iyon saka binuksan ang trunk ng sasakyan nya. Pumuwesto uli ito sa sirang gulong nya at bitbit na iyong ipangpapalit nito. Nakita nya na parang hirap-hirap na ito sa pagtanggal ng gulong.
“ Are you sure alam mo’ng ginagawa mo?” tanong nya dito.
“ Pasensiya na, Maam. Nahihirapan talaga ako sa mga bagong sasakyan,eh. Saka bago pa lang din po kasi ako dito,” hinging paumanhin nito.
Magtatalak na sana siya nang may nagsalita sa likod.
“ Ako na diyan, Noy.”
Agad na napalingon siya sa nagsasalita dahil sa boses nito. Ang ganda kasi ng dating at tingin nya ay ito iyong nakausap nya sa phone kanina. Nagulat na lang siya nang biglang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. Nabunggo nya pala ang katawan nito.
Napatili siya sa kabiglaan lalo at nakita pa nyang bumuhos ang maitim na likido sa damit ng lalaki. Natilamsikan din siya ng konti sa mga braso.
“ What is this?!” agad na tili nya nang makita ang likido sa may braso nya.
Nakita nya nang yumuko ang lalaki at tiningnan ang damit nitong puno ng langis. Nilagay muna nito sa mesa sa tabi ang boteng may laman pa ng naiwan na langis. Kumuha agad siya ng tissue sa shoulder bag na suot at pinunasan ang nasa braso nya. Pagkapunas ay inis na ibinaling nya ang tingin sa lalaki. Inangat na rin nito ang tingin sa kanya.
Muntik pa siyang mapalunok nang makita ang mukha nito. Agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Pakiramdam nya ay hinihigop siya ng mga titig nito. Parang isang model na galing sa magazine ang mukha nito. Ang kaibahan nga lang ay ang dungis ng suot nito at kahit ang pisngi nito ay may itim din na parang uling.
Mekaniko ba ito? Hindi rin ito nagsalita habang nakatitig sa kanya.
“ Bler!”
Saka lang siya natauhan nang magsalita ang lalaking tumitingin ng sasakyan nya.
“ Ikaw na nga dito. Mas magaling ka sa mga bagong modelong kotse, eh,” dugtong pa ng lalaking tinawag nitong Noy.
“ Sige, ako na diyan. Ikaw na lang muna doon sa isa. Tapos ko na iyon. Lilinisan mo na lang,” sagot nito na bumaling sa lalaking kausap nito.
Tumingin uli ito sa kanya.
“ Hindi ka naman siguro namin pinaghintay nang matagal, Miss,noh? Ako pala si Blaire, iyong nakausap mo kanina. Hindi ko na iaabot ang kamay ko dahil madudumihan ka lang, ” agad na sabi nito sa kanya na walang kangiti-ngiti.
Hindi nya alam kung bakit parang umurong ang dila nya.
Come on, Shauntel. It’s as if this is the first time you saw a handsome man, pambubuska ng utak nya.
Agad na ipinilig nya ang ulo para mabalik sa huwisyo ang pag-iisip.
“ Still, you need to fire the person in charge for answering the calls,” malditang sabi nya.
He chuckled.
Muli ay napatitig siya sa mukha nito. Mas gwapo ito kapag nakangiti kahit parang pasuplado ang dating noon. Nagulat na lang siya nang bigla nitong hubarin ang shirt nito.
“ W-what are you doing?” naeeskandalong tanong nya dito.
Tumingin lang ito sa kanya saglit bago hinubad nang tuluyan ang damit.
“First time mo ba sa talyer, Miss?” tanging sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.
Nakita nya ang magandang hubog ng katawan nito. Ginawa pa nitong pampunas ang shirt nito sa mga langis na tumapon din sa katawan nito saka sa mukha. Pagkatapos ay basta na lang nito nilagay sa tabi ang shirt at pinuntahan na ang kotse nya.
“ Wow! Bago na bago pala itong kotse mo kaya pala nahihirapan si Noy. Tingnan ko lang ang trunk ng kotse mo kasi baka andun iyong kailangan para matanggal ko nang tuluyan iyong gulong,” sabi nito saka pumunta na sa likod.
Hindi pa rin nya mahagilap ang boses. Hindi nya alam kung bakit parang nababatubalani siya sa lalaki. Kung tutuusin, lahat ng mga nagiging boyfriends nya ay parang mga modelo din. Lahat ng mga iyon ay sikat sa campus nila kaya nga maraming naiinggit sa kanya. Hindi rin naman nakakapagtaka dahil siya din ang tinatawag ng lahat na campus queen simula nung First year College siya hanggang ngayong nasa Third year na siya sa kursong Business Administration.
Lahat ng mga ex nya ay puro mapuputi. Feeling nya ay weakness nya iyon. Pero ang lalaki na ito ay kayumanggi ang balat pero may mestiso features. Matangos ang ilong nito at mahahaba ang mga pilikmata. Hindi siya naniniwalang mekaniko ito doon. Baka anak ng may-ari, naisip nya.
Natigil lang siya sa matamang pag-iisip tungkol sa lalaki nang may dumating na isa pang kotse. Agad na napatingin siya sa harap. Napamulagat siya nang makilala ang kotse.
Kotse iyon ni Scott! Sa lahat ba naman ng lugar na pwde silang magkita ay dito pa? Nakita nya nang biglang bumaba si Wendy. May hula na siya kung saan galing ang mga ito.
“ Scott, hindi mo pala na-check kanina iyong makina mo? Buti na lang at nakarating pa tayo dito,” narinig pa nyang sabi ni Wendy.
Bumaba na rin ang boyfriend nya at lumapit sa babae.
“ Babe, nagmadali na kasi ako kasi baka maabutan ako ni Shaun,” malambing na sabi nito at yumakap pa sa beywang ni Wendy.
Shit! Hindi sila dapat magkitang tatlo dito. Ayaw na ayaw nya iyong eksenang nahuhuli nya ang mga boyfriends nya na kasama si Wendy. Magmumukha siyang kawawa noon at alam nyang ikakatuwa ni Wendy iyong ganung eksena.
Nagpa-panic na bigla siyang tumalikod pero hindi nya alam kung saan pupunta. Makikita din ng mga ito ang kotse nya kaya’t hindi rin siya pwedeng makapagtago. Biglang may pumasok na ideya sa utak nya at wala na siyang panahong magdalawang-isip pa. Tumingin siya sa lalaki na hanggang ngayon ay busy pa sa kakatingin sa trunk ng kotse nya.
Lumapit siya agad dito. Naka-angat ang isang kamay nito habang hawak ang cover ng trunk habang ang isang kamay ay busy sa paghahanap ng kung ano. Bigla nyang isinara ang trunk ng sasakyan at itinulak nang bahagya ang katawan nito para maisingit nya ang sarili. Mabilis na umupo siya sa cover ng trunk kahit nahihirapan. Nakita nya ang pagtataka sa mukha nito.
“ Can you help me? Paupuin mo ako, please,” sabi nya dito.
Nalilito man ay pinaupo nga siya nito. Hinawakan nya ang braso nito para hindi ito umalis.
“ Just ask me later,” sabi nya dito sa nakikiusap na boses.
Agad na sumilip sya sa likod ng lalaki at nakita nya ang paglapit ng dalawa. Nakita sila ng mga ito pero hindi pa siya nakilala.
“ I think we are interrupting something,” narinig pa nya ang pabulong na sabi ni Wendy na humagikgik pa.
“ Miss, hindi ko inakalang ganyan ka ka…”
Hindi na nya ito pinatapos at bigla na lang nyang hinila ito sa batok para ilapit ang mukha sa kanya. Naramdaman pa nya ang paglapit ng mga labi nila sa ginawa nya. Pareho silang hindi kumikilos. Hindi nya alam kung gaano sila katagal na parang estatwa na magkadikit ang mga labi. Humiwalay lang ang mukha nito sa kanya nang may magsalita sa likod.
“ Err, excuse us. Sorry if nadisturbo namin kayo but we need help,” narinig nya ang boses ni Scott.
Inalalayan muna siyang bumaba sa kinauupuan nya ng lalaki bago harapin si Scott.
“ Pakitingnan lang iyong… Shaun?” hindi natuloy ni Scott ang sasabihin sana nang makita ang mukha nya nang tuluyan.
Taas-noong tumingin din siya dito. Nakita nya ang parang nabigla din ang mukha ni Wendy.
“ Why are you kissing this man?” galit na tanong ni Scott nang tuluyang maproseso ng utak ang nakita kanina.
" And why are you with my stepsister?" diniinan pa nya ang huling salita.
Hindi nakaimik si Scott na tinapunan saglit ng tingin si Wendy. Alam kasi nito ang history ng breakup nya sa lahat ng ex nya, actually alam ng buong campus at proud na proud pa dun si Wendy.
“ We can just call it quits, Scott,” parang walang anumang sabi nya na dumikit pa sa lalaki.
Nakita nya ang paglingon ng lalaki sa kanya na nakakunot ang noo.
“ What do you mean call it quits? You’ve been cheating on me with this…this…” parang naiinsultong sabi ni Scott.
Hindi ito makaalma ng todo dahil mas malaki ang katawan ng lalaki at mas matangkad ito kumpara dito. Saka lang nya naaalalang walang damit pang-itaas ang lalaki. Bahagyang namula ang mukha nya sa maaaring dating ng eksena nila dahil sa kahubaran nito pang-itaas.
Nabigla na lang siya nang sumabat na rin ito. Nakanti ata ni Scott ang ego nito.
“ This what, pre?” maangas na tanong ng lalaki kay Scott.
Kumuyom ang mga palad ni Scott na parang gusto na nitong manuntok. Kinakabahan din siya dahil baka magkagulo doon. Nakita nya ang naghahamon na tingin din ng lalaki sa boyfriend nya.
“ I knew it. May tinatago ka talagang kalandian sa katawan,” mapaklang ngumiti pa si Wendy.
“ Says who? I think I just learned it from the expert,” palaban na sabi nya at tinitigan pa ito nang painsulto.
“ Aba’t…” akmang susugod ito pero pinigilan ni Scott.
“ Let’s go, Wendy, baka may mabugbog pa ako nang wala sa oras,” sabi ni Scott saka hinila papasok ng kotse si Wendy.
Parang gusto nyang bumunghalit ng tawa sa narinig. Baka ito ang mabugbog kamo kung hindi ito aalis agad. Mabilis na pinaandar nito ang kotse at pinaharurot iyon paalis. Sinundan pa nya ng tingin ang papalayong sasakyan. Naramdaman nya ang biglang pag-alis ng lalaki sa tabi nya nang walang imik.
Atubiling sumunod siya dito. Binuksan uli nito ang trunk ng sasakyan nya saka walang imik na may dinampot at pumunta na sa sirang gulong ng kotse nya.
“ I-I’m sorry about what happened,” alanganing sabi nya.
Tumigil ito sa ginagawa at tumigin sa kanya.
“ Miss, kung nasabihan mo ako ng mas maaga, di sana mas maayos ang kissing scene natin,” walang emosyong sabi nito at ipinagpatuloy na uli ang pagpapalit ng gulong ng kotse nya.
Bigla siyang nainis sa sinabi nito.
“ And you think gusto ko iyong ginawa ko? I had no choice. In fact, this is your lucky day. You're my first kiss, alam mo ba iyon? I didn’t want my first kiss to be like that.”
Tumigil ito uli sa ginagawa. Agad na lumapit ito sa kanya.
“ So, ano’ng ini-imagine mong first kiss mo? Pwde nating gawin uli iyon para maging memorable naman saiyo,” parang inis na rin ang boses nito.
Bigla siyang natakot lalo’t ilang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila. Hinawakan nito ang baba nya. Pumikit siya nang mariin dahil sa kaba. Nanginginig na siya sa takot. Hinintay nya na hahalikan siya nito nang marahas pero hindi ito kumikilos.
Dumaan muna ang ilang segundo bago ito nagsalita uli.
“ Don’t worry, Miss. Hindi ang tipo mo ang type ko kaya’t never mong matitikman uli ang mga labi ko,” paanas na sabi nito saka marahang binitiwan ang baba nya.
Napadilat siya sa narinig. Parang naiinsulto siya sa sinabi nito. Hindi siya sanay na nari-reject ng lalaki. Halos lahat ng lalaki sa school nila ay nagkakandarapa sa kanya at sasabihan lang sya na di siya type ng isang mekaniko?
Kahit naiinis ay hindi na siya nagsalita pa. Baka tuluyan nang magalit ang lalaki at baka kung ano pa’ng gawin sa kanya. Mabilis na napalitan nito ang gulong ng sasakyan nya.
“ Si Noy na ang magbibigay ng resibo kung magkano lahat,” sabi nito na di na tumingin sa kanya at umalis.
Pinuntahan nga agad siya ni Noy at ibinigay ang resibo ng bayarin nya. Nilakihan nya ang bayad at binilinan pa nyang ipabigay ang tatlong libo sa lalaking nag-ayos ng sasakyan nya bilang tip at dahil na rin sa nadamay pa ito sa gulo nila kanina. Tuwang-tuwa naman si Noy dahil malaki din ang binigay nyang tip dito at sa kasama nito. Agad na umalis siya sa lugar na iyon.
“ How conceited,” inis na sabi ng utak nya.
Mas naiinis siya habang iniisip ang mekaniko sa talyer kesa sa boyfriend nya at kay Wendy.