Hindi na siya masyadong nakakasama sa mga kaibigan niya. Kapag nasa school sila ay lagi niyang nakakasama si Blaire. Lagi na rin itong nakangiti sa kanya. Hindi na ito kagaya ng dati na lagi na lang nakasimangot at nakakunot ang noo kapag nasa tabi siya. Hindi na rin siya naiilang kahit marami ang naiintriga sa relasyon nila. Lagi na lang ay nakaakbay ito sa kanya at wala itong pakialam kahit na pinagtitinginan sila ng halos lahat ng mga estudyanteng madadaanan nila. Half day na lang din ang pasok nito tuwing Linggo sa talyer dahil nilalaan nito ang kalahating araw nu'n sa kanya. Hindi nito pinapadala ang kotse sa kanya kapag lumalabas sila. Dinadala siya nito sa iba't-ibang lugar gaya ng park at minsan ay inaya naman siya nitong manood ng sine. Kumakain lang din sila sa karinderya o kaya

