Tinawagan niya si Nana Minda para ipaalam na hindi muna siya uuwi. Sinabi rin niya ang ginawa ni Mark. Galit na galt ang matanda at sinabing ito na mismo ang tatawag ng pulis kapag bumalik ng bahay si Mark. Nang makaligo si Blaire ay parang walang anumang nangyari sa kanila dahil nagluto na ito kaagad. Pinahiram siya nito uli ng damit na maisusuot. Kumuha ito ng isang shirt na puti na alam niyang maluwang na maluwang sa kanya at jogging pants na hindi pa nito naisusuot. Kinuha niya iyon at naligo. Nakaupo na ito sa harap ng mesa nang lumabas siya. Tiningnan siya kaagad nito habang suot na niya ang damit nito. Feeling niya ay para siyang mascot sa suot na damit sa sobrang luwang ng mga iyon. Nakangiting inabot nito sa kanya ang kamay nito para paupuin siya sa upuang nasa tabi nito. " Baga

