KABANATA 9

1521 Words
Mga Mata sa Dilim Ang sinag ng araw ay unti-unting nilalamon ng gabi. Sa ibabaw ng dagat, kumikislap ang mga alon, tila ginintuan, habang dahan-dahang umuugong pabalik sa dalampasigan ang yacht na sinasakyan nina Hector at Salvi. Tahimik ang paligid. Walang usapan, walang paliwanag—tanging ang kamay nilang mahigpit na magkahawak, parang kakambal ng pusong sabay na bumigay. Sa loob ng ilang saglit, para silang dalawa lamang sa mundo. Sa bawat hakbang pabalik sa lupa, tila dumaragdag ang bigat ng katotohanang binitiwan na nila ang kontrol—at hindi na nila kayang ibalik pa sa kung anong dapat. Sa paglapag ng kanilang mga paa sa dock, hindi agad nila napansin ang presensiya ni Mira. Nakaupo ito sa terrace, tila isang estatwang gawa sa ginto’t yelo—nakasandal sa lounge chair, isang baso ng cocktail sa kamay, ang puting bathrobe niya’y maayos na nakalapat sa makinis niyang balat. Maaliwalas ang anyo, ngunit sa ilalim ng mahinhing postura, ay naningkit ang kanyang mga mata. At ang tingin nito sa kanilang dalawa—lalo na sa mga kamay nilang magkahinang—ay parang dalawang punyal na handang bumaon. Walang imik si Hector. Walang paliwanag. Hindi niya binawi ang kamay ni Salvi. Sa halip, dumaan silang diretsong magkasama, binaybay ang terrace sa ilalim ng mapanuring titig ng babae sa dilim. Pagpasok nila sa villa, huminto si Hector. Lumingon kay Salvi, malambot ang boses. “Go change. I’ll talk to her.” Tumango lang ang dalaga, ngunit bago pa ito makalakad, muling nanlamig ang paligid—para bang ang hangin mismo ay nagbabadya ng unos. Hindi na siya lumingon pa; alam niyang naroon pa rin ang titig ni Mira, mabigat, malamig, mapanuri. Tahimik ang gabi, ngunit may bagyong unti-unting binubuo ng mga salita. Si Mira, nananatiling nakaupo, ang baso’y umiikot-ikot sa pagitan ng kanyang mga daliri. Si Hector naman ay nakatayo sa ilang hakbang ang layo, isang aninong matikas sa ilalim ng dilaw na ilaw ng terrace lamp. “I suppose that confirms it,” ani Mira, ang boses ay pilit nananatiling mahinahon. “You and her. How... poetic.” Hindi ito ngumiti, ngunit may pilit na ngiti sa labi ni Mira—isa na hindi umaabot sa mga mata nito. Isang ngiting mabangis, mapanlinlang. Nakalimutan na nitong ubusin ang cocktail sa baso at inilapag na lamang sa lamesa gawa sa salamin. Hector crossed his arms over his chest, isang ekspresyong mapagmatyag, malamig. “Why are you still here, Mira? You are supposed to go back to Manila.” Tumawa ito, isang maikling tawang may halong hinanakit. “Wow. Straight to the point. Do you talk like that to all your lovers after a weekend?” “I didn’t ask you to come,” Hector answered flatly. “You offered to visit—for business.” “Business?” muling tawa ni Mira, ngayon ay may bahid na sakit. “You think I flew all the way here for some files? Come on, Hector. We’ve known each other for years.” “Exactly,” sagot niya, mahina ngunit mariin. “That’s why I expected you to understand boundaries.” Tumayo si Mira, ang robe nito’y dumaloy sa katawan na parang alon, humakbang ito palapit ngunit nanatiling may distansya. “So, is that what this is now? Boundaries? I share your bed one night, then the next day, you’re holding hands with a girl half my age?” “She’s not a teenager.” “Oh, I’m sorry—your goddaughter.” Tumigil ito, huminga nang malalim. “Do you even hear yourself, Hector?” Ang panga ni Hector ay bahagyang nagngitngit at halos lumuwa ang mga mata nita sag alit. “Stop.” “Stop?” Tumawa muli si Mira, ngunit ngayon ay mas mapait. “What, am I getting too close to the truth?” Tahimik. Isang segundo. Dalawa. Pero tila isang siglo. At saka siya nagsalita. “Are you jealous?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mira. “Excuse me?” “You heard me. You’re not mad because I chose Salvi. You’re mad because it wasn’t you.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mira. Nanigas ang katawan nito sa sinabi ng lalaki. Ang mga mata umidlit, ngunit agad ding bumalik sa dating tikas. “Don’t flatter yourself,” anito, mababa ang tono. “I’m mad because you’re not thinking clearly. You’re blinded—by someone who doesn’t even know what she wants. She’s just a child playing with fire.” Hector stepped forward. Isa. Dalawa. Ngayon ay nasa harap na siya ni Mira—malapit, pero hindi sapat para hawakan. “And yet,” mahinang wika niya, “she sees me. She listens. She cares. Something you never really did.” Tinawanan siya ni Mira, ngunit ang tawa ay naglalaman ng lungkot na halos hindi na maitago. “Oh, Hector. Don’t be naive. You think this is love? You think she truly cares about you?” Tumigil ito, kinuha ang baso sa lamesa at uminom nang kaunti saka hinigpitan ang hawak sa baso. Ang kristal na salamin ay nagbanta ng pagkabasag sa bawat galaw ng mga daliri nito. “She’s young, emotional, and broken,” dagdag nito. “She’s the perfect distraction. And you—Hector Salvador—the man who couldn’t even face his past, is now falling for the daughter of the one woman who left him.” Tahimik si Hector. Walang imik. Ngunit ang tingin niya ay bumigat, nagdilim, nag-iba. At saka binanggit ni Mira ang pangalang iyon. “Lily!” Parang sumabog ang isang granada sa pagitan nila. Ang pangalan na iyon ang salitang matagal nang pilit iniiwasan ni Hector. Isang aninong matagal nang nakakubli sa ilalim ng bawat gabi ng kanyang pag-iisa. Ang katahimikan ay naging kutsilyong bumaon sa hangin. Si Mira, bagama’t matatag ang tindig, ay bahagyang nagdalawang-isip matapos mabanggit ang pangalan. Sa mga mata ni Hector, may kidlat. Mula sa likod ng malalim niyang titig ay lumitaw ang galit—hindi lang sa babae sa harap niya, kundi sa sarili. Sa nakaraan. Sa sugat na akala niya’y matagal nang nagsara. Tahimik pa rin si Hector. Hindi umiimik, hindi gumagalaw, ngunit ang kanyang katawan ay para nang bulkan sa bingit ng pagsabog. Sa pagkakabanggit ni Mira ng pangalan—ni Lily—tila siya binaril ng libong alaala na pilit niyang nilimot. Isang iglap lang, nagdilim ang kanyang mga mata. “What did you say?” boses niyang mababa, halos pabulong, pero punung-puno ng babala. Mira held her gaze, ngunit ramdam ang biglang pagkislap ng takot sa mga mata. She pushed through it with a shaky smile. “You heard me. Lily. The woman you could never get over. The one who—what? Left you? Betrayed you? Or worse... replaced you?” Inilapag ni Mira ang hawak niyang baso sa nearest table—marahan pero may diin. Wala nang yelo sa loob, ngunit nanlamig ang paligid. “You think this is about Salvi? You think this is about me? No, Hector. This is about her. It’s always been about Lily. You never moved on. And now you’re trying to rewrite history by taking in her daughter and—what?—f*****g her into forgetting who her mother was?” “SHUT UP!” Parang kumidlat sa terrace ang sigaw ni Hector. Mira flinched, pero hindi umatras. Inilapit pa niya ang sarili, ang mukha’y mapait na galit, ang bibig nanginginig sa tensyon. “You don’t want to hear it, because it’s true. You’re not falling in love with Salvi—you’re trying to possess what you lost. That girl is a reflection of Lily. Same stubbornness. Same eyes. You can’t even look at her without remembering what you couldn’t keep.” Umatras si Hector, halatang tinamaan. Nakapikit siya, mariing nakakuyom ang mga kamao. But then, bigla siyang lumapit. In a blink, he grabbed Mira by the collar of her robe. “You don’t talk about her. You don’t even deserve to say her name.” Ang mukha ni Mira ay hindi na gulat—ito’y takot. Ang malamig na katahimikan ng terrace ay biglang naging bangungot. Si Hector, sa unang pagkakataon, ay wala na sa kontrol. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, ngunit ang panga niya ay nakalock sa matinding galit. Mira’s voice was shaking. “So, what now, Hector? Are you going to hurt me just like you hurt yourself all these years?” He tightened his grip. “Let go of me.” But he didn’t. Not right away. He was breathing hard—through his nose, through clenched teeth, as though fighting every instinct to snap. His body trembled with rage. His jaw ticked with every word she had thrown like a dagger. Then—slowly—his grip loosened. He let go. Mira stumbled back, catching her breath, touching the collar of her robe where red marks were beginning to bloom. “You’re lost, Hector,” she whispered. “You think you’ve found something real with her. But you haven’t. You’ve just found another mirror to stare into while drowning.” Tahimik si Hector. Ang kanyang dibdib ay mabilis ang pagtaas-baba, parang isang lalaking sinakal ng sarili niyang demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD