Chapter 24 Halos magiisang linggo na rin ng makauwi ako ng bahay galing sa ospital at sa loob ng isang linggo na yon ay palagi ring nandito si Angelo, minsan pa nga ay dito na rin siya natutulog. Ilang linggo rin akong namalagi sa ospital para magpagaling at ngayon nga ay hindi na nakacast ang aking braso kaya malaya na akong makapagtrabaho. I started emailing and updating our projects abroad noong nagdaang araw ngunit ng makita ko ni Angelo ay agad akong pinatigil at pinagalitan. Ipinipilit nyang kailangan ko pa rin daw magpahinga dahil baka ako’y mabinat. I am so bored dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay. Ang pamilya ni kuya Art ay nasa Baguio na at si kuya Nicolo naman ay busy sa restaurant; mom and dad are attending some meeting or gathering every now and then. Pinip

