Chapter 25 Ilang araw na rin akong nakakasama kay Gelo sa kanyang opisina pero tulad ng nasa bahay ako ay wala rin syang pinapagawa sa akin doon. Hindi nya ako pinapatulong sa kanyang trabaho wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng libro at manood ng movies pampalipas oras habang iniintay siyang matapos. Minsan ay pumupunta kami sa site pero nananatili lang ako sa kanilang opisina doon, pinagbabawalan niya akong lumabas dahil sa mainit at amoy simento daw sa labas ng kanilang site. Kapag may kameeting naman siya ay kasakasama nya rin ako at nakikinig lang sa kanila. Literal na isinasama nya lang ako para maiba ang environment ko. Pinagbibigyan ko na lang din dahil ayoko silang magalala alam kong lilipas din naman ito at wala silang magagawa kapag nagtrabaho na ulit ako.

