SEAN
.
.
"Par.. Makitulog muna ako dito. Pag hinahanap ako ni mama sabihin mo di na ako uuwi. dejoke lang." lasing na sabi ni Flynn habang nakaupo sa sopa. Natawa naman si Vince at tinapunan niya sa mukha si Flynn ng lata ng beer na walang laman.
"Tangina mo tol, sana pala dinala ko nalang yung motor ko kung di ka pala uuwi ngayon. Ako pa malalagot ng jowa ko." sabi naman ni Vince at napahilamos sa mukha ng makitang tumawag nanga iyong jowa niya sa hawak niyang cellphone.
"Oh tingnan mo na inang to." dagdag niyang sabi bago sinagot ang tawag. Napangisi naman kami ni Flynn at natatawang pinanuod siyang makipag usap sa jowa niya.
"Oo pauwi na ako love, tatlo lang nga kami dito. Magvideo call pa tayo gusto mo? Wala nga kasi akong babae. Oo uuwi na ako promise—"
"Ahhh baby uhmmm sino yang ka call mo? ugh ah faster!"
Napahagalpak ako ng tawa dahil sumingit pa si Flynn at sinabi iyon sa pambabaeng boses. Kita nalang namin ni Flynn na nilalayo ni Vince iyong cellphone niya sa tenga, sinigawan siguro siya ng girlfriend niya.
Sinamaan niya kami ng tingin bago kami tinapunan ng nakita niyang papel at lata. Tumayo naman siya at pinakyuhan kami bago lumabas.
Lasing na kasi silang dalawa, maghapon silang nandito at nagvivideoke pa kanina. Ngayong mag aalas diyes na ay pinahinto ko na sila dahil baka maistorbo iyong kapitbahay.
Hindi lang pala kasi iyong model girl ang kapitbahay namin may mag asawang matanda din sa tabi, syempre binigyan ko din sila ng pagkain baka ano pa masabi nila.
"Taena tol, banyo muna ako, nasusuka ak—uhmp." nasusukang sabi ni Flynn na ngayon ay nagmamadaling umalis. Napailing nalang ako sakanya at unti unti ng nilinis iyong pinagkainan namin. Kailangan ko na din kasing matulog ng maaga may trabaho pa ako bukas.
"Sean pre, uuwi na ako pinagalitan na talaga ako ni Macy awit sainyo. Nasaan na iyong kumag nayon?" biglang sabi ni Vince na kakapasok lang.
Natawa naman ako at tinanguan siya.
"Ayaw mo ba magdala ng pagkain? Di ko mauubos to ah. Tsaka ano sasakyan mo nyan."
"Ayos lang susunduin niya daw ako dala niya daw motor bike niya, tigas talaga ng ulo ng babaeng yon. Mas mukha pang siya ang lalaki kesa sa akin." nakakamot sa batok na sabi niya na ikinatawa ko.
"Hanep lakas naka motor bike pa HAHAHA. Sige tol, teka hatid na kita sa labas." sabi ko sakanya na ikinatango niya naman.
Di na siya nagpaalam kay Flynn ng makitang nagtext na ang girlfriend niyang nakarating na ito.
Lumabas na ako pasunod sakanya at tinanguan ang jowa niya ng makita namin ito na nakaparada sa gilid ng daan.
"Love, aray ko. Wala nga kasi tanongin mo pa si Sean oh." napakamot sa noo na sabi ni Vince ng kaltukan siya ng mahina ng jowa niya. Tinignan naman ako nung jowa ni Vince at tinaasan ng kilay. Ngayon, alam ko na kung bakit takot si Vince sa babaeng to.
Mukha nga naman din kasi itong dragon, nakakatakot pa ang awra, may itsura din siya at halatang nagygym dahil sa ganda ng katawan. Hindi na ako magtataka kung isang araw pag mangbababae iyang si Vince tanggal ngipin niyan.
"Sige par aalis na kami." pagpaalam ni Vince at inabot iyong helmet na binigay ni Macy.
"Sige dre ingat kayo, bukas ko nalang pauwiin iyong si Flynn."
Tumango lang si Vince at binaba na iyong salamin sa helmet niya tsaka sila umalis.
Naglakad naman na ako pabalik at napahinto nalang ng may nakita ako sa di kalayuan.
Pilit ko itong inaninag sa dilim at nagulat ng makitang ito iyong kapitbahay kong parang modelo. Nasa hagdan siya ng bahay niya at may hawak siyang laptop, may ginagawa ata siya.
Nagulat nalang ako ng makitang may sinubo siyang sigarilyo sa bibig tsaka niya ito sinindihan.
Hanep, iba na pala talaga ngayon ang mga kababaihan. Mas nagmumukha na silang lalaki kesa sa amin. Daig pa ako.
Hindi ko na sana siya papansinin, kaya lang nagulat nalang ako ng mapatingin siya sa direksyon ko ay tumayo siya bigla bago pumasok sa bahay niya.
Nagtaka naman ako dahil sa inasta niya bago nagpatuloy na sa paglalakad.
Anong problema non? Weirdo talaga ng mga babae hays.
Ilang minuto lang ay nakarating nadin ako sa bahay, pumasok na ako at hinanap si Flynn na ngayon ay nakangangang natulog sa sopa.
Natawa nalang ako bago nilinis ng tuluyan iyong mga natitirang pagkain sa lamesa. Hinugasan ko na rin iyong mga pinagkainan namin at inilagay na sa ref iyong mga pagkain.
Pagkatapos maglinis binigyan ko na rin ng unan at kumot si Flynn na tanging ungol lang ang niresponde.
"Wag mo sukahan yan ha, ikaw talaga maglalaba niyan pag sinukahan mo yan." sabi ko sakanya. Hindi naman siya sumagot at niyakap lang iyong unan.
Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at pinatay iyong ilaw bago nahiga. Inabot ko muna iyong cellphone ko para tignan kung may text ba, hindi nga ako nagkakamali pagtingin ko ay may text doon si daddy.
'Anak musta ka jan sa bagong tinirahan mo? Maayos lang ba? Bisitahin ka namin ng mommy mo pag may oras kami. Sabihin nalang namin kailan para may oras kapa na makahanap ng girlfriend. Asahan namin iyan, Love you."
Iyon ang laman ng text niya. Napailing nalang ako at pinatay ito bago inilagay sa side table. Hindi ko na sila nireplyan alam ko na ano kasunod na sasabihin nila.
Bat ba kasi mas atat na atat iyong mga yun na magkajowa ako?
Mas excited pa sila kesa sa akin.
Napapikit nalang ako at tuluyan na ngang natulog.
.
.
Kinabukasan maaga akong nagising, alas singko palang ay agad na akong naghanda para sa unang araw ko ngayon sa pagiging guro. Naligo na ako atsaka ay nagbihis.
Pagkatapos ay lumabas na sa silid, pagkarating ko sa kusina nadatnan ko nalang si Flynn doon na kumakain. Nakahanda narin doon ang mga pagkain pang umagahan na mukhang ininit niya.
"Yo! Kain kana pre, ako na nag handa ng ulam alam ko maaga ka ngayon. Eat kana baby~" pang aasar niya na ikinangiwi ko, natawa naman siya sa reaksyon ko bago pinagpatuloy na ang pagkain.
"Siraulo, kadiri ka par. Ah nga pala nauna na umuwi sayo si Vince kagabi." sabi ko sakanya at naupo narin para kumain.
"Nakauwi pa yon? Eh lasing din yun ah."
"Sinundo siya ni Macy jowa niya, under ata yung mokong nayun Hahahaha. Nakita mo na ba girlfriend niya?"
"Ay oo, gagi natakot pa nga ako kahapon nung sinundo ko siya sa bahay nila. Ang ganda niya pre pero ekis kasi mukhang manununtok itsura." pagkekwento niya, natawa naman ako dahil sa sinabi niya at napasang ayon nalang. Totoo din naman ekis talaga pag mas mukhang lalaki pa umasta iyong girlfriend mo kesa sayo.
Kung ako magkakagirlfriend gusto ko iyong mahinhin tapos hindi nang uunder, syempre ako ang lalaki dapat ako ang masusunod.
Weak ng mga lalaking ganyan na mabilis masindak ng mga babae tsk tsk.
"Oh siya pre mauna na ako sayo ah, nasisiguro kong makukurot nanaman ako ni mama pag malaman niyang hindi ako umuwi kagabi. Salamat pre!" dali dali niyang sabi bago umalis. Ni hindi man lang ako nakapagsalita bago siya umalis dahil sa bilis.
Siraulo talaga yun, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at pagkatapos ay nagsipilyo na.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko mapagdesisyunang umalis na. Pagtingin ko sa oras 7:20 na pala, maaga parin naman 8 pa simula ng klase.
Nilock ko na ang bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa pinarkingan ng suv ko. May parking area naman dito kaya hindi na problema sa akin kung saan ko ilalagay ang sasakyan ko.
Ng makita ko na ito ay sumakay na ako at agad itong pinaandar. Aalis na sana ako kaso napatigil nalang ako ng makita si model girl na naglakad papalapit dito, may dala itong helmet at may tinatawagan.
Hindi ko naman talaga siya sana tawagin kaya lang napansin ko kasing may nahulog siya sa sahig, hindi ko alam kung wallet ba iyon o panyo.
Agad kong nilabas ang ulo sa bintana at tinawag siya.
"Pst miss! May nahulog ka!" sigaw ko sakanya, napalingon naman siya sa direksyon ko ng marinig niya ang boses ko at napakunot ang noo akong tinignan, nagtataka siguro siya saakin.
Maya maya lang ay bigla nalang siyang nagmamadaling sumakay sa motorbike niya at umalis agad. Ni hindi ko man lang naulit iyong sinabi ko. Hindi niya rin ata ako narinig ng malinaw kasi umalis nalang siya bigla ng hindi man lang nakuha iyong wallet niya.
Anong problema non? Kahapon pa yun ah, may problema ba siya sa kagwapuhan ko?
Bumaba nalang ako at pinulot iyong wallet niya, hindi ko namn ata kasi kayang iwan nalang ito dito baka may ibang makapulot mukhang importante pa naman ang laman nito. Binuksan ko ito at natawa nalang ng makitang bente pesos lang laman, sabi ko nga may importanteng laman to hahaha ehem. Di din tayo dapat mapanghusga baka mamaya itong mga card niya naglalaman ng ilang libong pera.
Napatingin ako sa national id niya at napangiti nalang ng makitang ang cute niya sa picture.
Stella Maris Reynes
Ganda din ng pangalan medyo unique. Ahw s**t, bumalik agad ako sa sasakyan ng maalalang may trabaho pa pala ako. Inilagay ko nalang ito sa loob ng compartment bago pinaandar ulit ang sasakyan at agad na umalis.