SEAN
*Kringggg*
Nagising ako sa ingay ng alarm at kinapa kapa ito para ioff sana kaso maya maya lang agad akong napadilat ng maalala na Lunes ngayon.
Aish may klase pala ako ngayon! Napatayo ako dahil sa naalala at napangiwi ng makaramdam ng sakit ng ulo.
Awit uminom pala kami kahapon, ansakit hirap kapag hindi ka sanay uminom.
Napaupo ako ulit at napatingin nalang sa cellphone ng makitang umiilaw ito. Napakurap pa ako para makita ng maayos iyong nakalagay sa screen.
Nakaginhawa nalang ako ng maalalang holiday pala ngayon, mabuti nalang marami din kasi akong gagawin ngayon. May mga kahon at kagamitan pa akong dapat ayusin.
Kakalipat ko lang kasi dito nong isang araw, hindi ko pa naayos ang iba kong kagamitan.
Tumayo na ako at agad nagluto ng pang umagahan. Pagkatapos mag luto ay kumain na ako, napalingon nalang ako ng biglang may magdoorbell sa apartment ko.
Agad ako napatayo at binuksan ang pinto.
"Yo Sean! Morning brad!" nagulat ako ng makita si Vincent at Flynn. May dala pa silang pagkain at beer. Agad silang pumasok sa loob ng bahay ko.
"Loko bat di nyo ako tinext na pupunta pala kayo dito. " sabi ko sa dalawa at wala ng nagawa ng pumasok na sila sa loob. Sumunod naman ako at dumiretso sa kusina.
"Tawag don surprise bro, nalaman ko kasi kay Vincent na kakalipat mo lang daw ng apartment kaya sumugod na kami. Syempre dapat ipagcelebrate natin paglipat mo dito." sabi ni Flynn na ikinangiwi ko. Alam ko na san to patungo e.
"Siraulo ayoko na uminom, maapektuhan pa trabaho ko. Buti na ngalang walang pasok ngayon, sakit ng ulo ko. Mga sira tong mga to. Teka ano yan? " tanong ko ng makita ang dala nila. Awit ang dami pa nilang dala, mga pansit, biko, beer, lechon manok at liempo.
"Bat andami niyan. Mas nagmumukha pang kayo ang lumipat dito dahil sa dami niyang dala niyo at handa kesa sakin." sabi ko na ikinatawa nila.
"Si Flynn may pakana niyan, sigurado akong ginawa niya yan kasi dito yan tatambay para makaiwas sa bagong business na bar ng nanay niya HAHA." sabi ni Vincent na ikinatawa din ni Flynn.
"Pakyo bro, hindi ah pero parang ganon nanga." sabi ni Flynn na ikinatawa ko.
"Well, ayos lang naman wala namang kaso sakin yan. Kaso ano to bat may pa biko kayo?" tanong ko sakanila ng makitang may biko pa silang dala.
"Ang sarap kaya nyan lalo na pag bagong lipat, hindi mo ba alam ang tradition na kapag lumipat ka ng bahay dapat magluto ka ng bilao pampaswerte sa pagtira mo dito?" sabi ni Flynn, natawa naman si Vincent na ngayon ay tumahimik dahil nilalantakan niya na pala ang ulam ko.
"Dami nyong alam hahaha. Hindi ba to kumain? Bat parang patay gutom tong lalaking to." sabi ko sabay turo kay Vincent na ngayon ay sumulyap lang saglit at pinagpatuloy ulit ang pagkain.
"Ah hahahaha maaga kasi ako sumugod sa bahay nila Vince ng malaman kong bagong lipat ka HAHAH malay ko bang hindi pa yan kumakain." natatawang sabi ni Flynn, sinamaan naman siya ng tingin ni Vincent bago nagpatuloy sa pagkain.
Napailing nalang ako sa kagaguhan ng mga to at napataas nalang ng dalawang kilay ng ngumisi bigla si Flynn at nilapit ang sarili saglit.
"Swerte mo pre, may chix kang kapitbahay! Ang ganda bro parang modelo. Chance mo na to dre para magkashota kana HAHA." sabi ni Flynn na ikinangiwi ko. Hilig talaga nito sa babae, hindi na talaga to nagbabago.
"Ay oo nga! Ganda non bagay kayo dre. Ayaw mo non mapapatunayan mo na talaga sa daddy mo na hindi ka bakla?" tawang tawa na sabi ni Vincent. Matagal na kasing pinagpilitan ni Dad na magka girlfriend na ako dahil tumatanda na daw sila ni mama. Nag iisang anak lang kasi nila ako kaya ganon sila ka excited magka apo.
"Pass muna baka may asawa o jowa na yon. Inang mga to ang ingay nyo talaga jan na muna kayo. Aayusin ko lang muna mga gamit ko. " sabi ko sakanila na ikinatango naman nila.
Iniwan ko na sila doon at nagsimula ng inayos ang mga kagamitan ko.
Yung mga furniture maayos na kaya iyong mga damit at mga kagamitan ko nalang sa trabaho ang kailangan kong ayusin.
Kaunti lang din naman ang mga gamit ko kaya mga dalawang oras lang din ang lumipas bago ko natapos itong linisin.
Nagwalis at mop lang ako pagkatapos kong ayusin ang mga gamit atsaka na napagdesisyunang maligo muna. Tinignan ko muna ang dalawa kung ano ang ginawa nila at napailing nalang ng makitang nagbabaraha ang dalawa nagpupustahan pa sila, awit tong mga to mga sugarol.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagkuha nalang ng damit at tuwalya tsaka na naligo. Pagkatapos naligo lumabas na ako at pumunta na sa sala kung saan ang dalawa ay hindi parin tapos maglaro.
"Bobo mo talaga kahit kailan pre, money down!!" tuwang sigaw ni Flynn na ikinasimangot ni Vince.
"Tangina mo tol madaya ka!" tinawanan lang ni Flynn si Vince at inaasar asar ito. Napatigil lang sa pagtawa ang dalawa ng makita ako at agad ako inaya maglaro ng tong its.
"Sali ka bro Sean! HAHAHA weak kalaban tong si Vince. Ubos na pera niya HAHAHA pero ngayon imbes pera ang ibayad ng matatalo itutruth or dare nalang natin kawawa naman yung isa jan." pang aasar pa ni Flynn. Tinapunan naman siya ni Vince ng baraha at sinamaan ito ng tingin.
"Inamo, madaya ka lang talaga."
Natatawa narin ako sa dalawa kaya sumali na ako at naupo na sa sopa.
"Tong its ba to?" tanong ko, tumango naman si Vince.
"Sus easy, tignan. nyo lang dudurugin ko kayo." sabi ko na ikinatawa nila. Nagsimula ng inilatag ni Flynn ang hawak na baraha at inisa isa ko namang kinuha iyong akin.
Napangiwi nalang ako ng makitang ang panget ng nakuha ko.
Ngising ngisi naman si Flynn habang si Vince ay mukhang nayayamot na. Ah may chance pa to. Naunang lumapag ng baraha si Vince tsaka ako tas huli si Flynn.
Sobrang intense ng laro at natatawa nalang ako ng makitang ang seryoso ng dalawa.
"Hoy kung sino iyong may malaking cards sa huli iyong talo ah." paninigurado ko na ikinatango ng dalawa, ngumisi pa si Flynn habang si Vince naman ay mukhang problemado.
Hahaha nasisiguro ko na talagang kung hindi ako panalo pang pangalawa ako nito.
Ilang minuto pa ang lumipas bago naubos iyong cards sa gitna. Napangisi nalang si Flynn na pinakita ang cards niya at napangiwi kaming dalawa ni Vince ng makitang alas nalang pala natira sakanya lakas ng swerte ng kumag na to.
"HAHAHA panalo ako!" tuwa niyang sabi.
Napatingin naman ako kay Vince na ngumisi din.
"Sabay tayo dre para thrilling." sabi niya na ikinatango ko. Nagbilang pa kami hanggang tatlo bago inilapag iyong mga baraha namin.
Nanlaki nalang ang mata ko ng makitang dalawang 5 at isang alas nalang meron siya habang sa akin ay isang hari at 2 na hearts nalang natira. Awit 11 sakanya at sakin 12, malas naman oh isa lang sobra sakin.
"Booo!! HAHAHAH" tuwang tuwa na sabi ni Vince at inaasar pa ako. Tumawa din si Flynn at agad inayos ang pagkakaupo na tumingin saakin.
"Truth or dare?" tanong niya. Napangiwi naman ako at nag isip. Ano nga bang maganda piliin? Boring naman kung truth.
"Dare." sagot ko na ikinapalakpak ng dalawa.
"Ayowwwn!!!" sigaw nila at agad napangisi ng nakakaloko. May kalokohan nanaman siguro tong mga to.
"Eto inaasahan ko HAHAHA, so ayun may itinabi kaming biko at pansit doon sa mesa inilagay namin sa tupperware. Idedare ka namin na ibigay mo eto dun sa chix na kapitbahay mo."
Sabi na e kalokohan nanaman naiisip ng mga to, siguro nga pinagplanuhan nila tong dalawang.
"Mga sira talaga kayo, pati ibang tao guguluhin niyo hahaha." natatawa kong sabi.
"Ano kaba ganon naman talaga dapat pag lumilipat namimigay ng pagkain sa kapitbahay, san ka ba pinanganak at bat parang hindi mo alam ang mga to." sabi ni Vince na ikinasang ayon ni Flynn. Lagi nalang talaga akong pinagtitripan ng dalawang to.
Kinuha ko nanga iyong itinabi nilang pagkain, awit napasapo nalang ako sa ulo ng makitang nakaheart shape pa iyong biko. Pinagplanuhan talaga nila ito inangyan.
"Mga siraulo!!!" sigaw ko sa dalawa na ngayon ay tumatakbo palayo habang tumatawa.
"Labyu tol HAHAHAHAAH gawin mo na, bakla yung aayaw sa dare." sigaw din ni Flynn.
Napailing nalang ako sa kagaguhan nila bago umalis ng bahay. Napakamot nalang ako sa ulo na dumiretso doon sa kapitbahay at sinamaan ng tingin iyong dalawa na ngayon ay nakasilip sa pintuan.
"Tanungin mo pangalan ah."
"Pati din cellphone number at sss dre HAHAHA."
Sabi ng dalawa bago natatawang naghintay. Natawa nalang ako sakanila bago kinatok ng dalawang beses iyong pintuan ng kapitbahay ko.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ito bumukas. Pag angat ko ng tingin natulala nalang ako ng makita ang itsura ng babae. Totoo nga ang sinabi nila mukha nga itong modelo, ang ganda niya. Para siyang Amerikana, ang taas ng pilik mata niya tapos ang pula pa ng labi bumagay din sakanya ang kulot niyang buhok na hanggang bewang ang taas. Napalunok nalang ako at nginitian siya bago nagsalita.
"Hi ako iy—"
Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko ito natuloy ng bigla niya nalang sinarado ang pinto. Nabitin sa ere ang sasabihin ko sana at napakurap nalang ako dahil sa gulat.
Anong nagawa ko? Ang bastos naman ng kapitbahay na to tsk. Mukha ba akong rapist o manyakis? Awit naman.
Maya maya lang ay nakarinig nalang ako ng tawanan ng dalawang demonyo sa likod. Nilingon ko sila at agad sinamaan ng tingin, nagsitakbuhan naman sila papasok kaya napailing nalang ako.
Napatingin nalang ako sa dalang pagkain at agad itong inilagay sa sahig sa harap ng pinto niya. Baka nahihiya lang siya.
"Miss, ilagay ko nalang dito ang pagkain sa harap ng pinto. Wag kang mag alala walang lason yan." sigaw ko sa babae na nasa loob ng bahay niya bago tumalikod.
Bahala siya kung tatanggapin niya ba iyan o hindi.