bc

MY MYSTERIOUS CUSTOMER

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
heir/heiress
gxg
serious
detective
city
enimies to lovers
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Please me baby!

Turn around and just teased me baby,

You know what I want and what I need baby

( Let me hear you say)

Sa bawat bigkas ng kanta ay sinasabayan ko ng pag-indak at paghaplos simula sa aking balakang patungo sa aking malulusog na dibdib habang nakikipagtitigan sa mga matang puno ng kasabikan

(Let me hear you say)

Please!

(Let me hear you say)

Please( wohhh)

Please me baby

Turn around and just teased me baby

You know what i want and what I need baby

( Let me hear you say)

Please!

(Let me hear you say)

Please! (Whoooh)

.

Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking mga hita at mariing pinisil-pisil

Sinisigurado kong nakaturo pataas ang mga daliri ko at nakababa ang pulso ko na nagbibigay ng imbitasyon na tumingin sila sa pagitan ng aking mga hita. Unti-unti akong bumaba at lumapit sa madla. Isang nakakaakit na ngiti ang ibinigay ko sa mga lalaking daig pa ang lion na sasakmalin ako anumang oras.

Isang matamis na ngiti ulit bago ako umakyat sa entablado at bumalik sa pole kung saan nagpaikot-ikot ako at pinulupot ang aking mga braso. Sinadya kong iangat ang maiksi kong palda bago sumapa sa pole at nang akma kong iangat ang aking mga bente naghiyawan ang mga lalaking nakapaligid sakin.

At natapos narin sa wakas ang kanta dali-dali akong lumabas ng backstage kung saan naroroon ang ilan pang kababaehang magpapakitang gilas rin sa entablado. Nasalubong ko si Mommy Sheng sa pasilyo patungong dressing room.

"Good Job! Mabuti at nagawa mo na ng maayos ang trabaho mo ngayong gabi at di mo naisipang mag-iinarte".

Ngiti lang ang tugon ko sa kanya at agad na akong pumasok ng dressing room. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Di ko na kilala ang kaharap ko ngayon. Puno ng koloretes na may malalaking sout na hikaw. Halos lumuwa na ang aking dibdib sa sobrang liit na br* na pinasuot sa akin ni Mommy Sheng! Ibang-iba sa simpleng Arrah na punong-puno ng pangarap. Ang kaninang matatamis na ngiti ay napalitan ng mapait na ngiti kabasay ng mga rumaragasang luha....

" Hindi ito ang pinangarap kong buhay!

chap-preview
Free preview
My Mysterious Customer( SPG)
Teaser  Please me baby! Turn around and just tease me baby, You know what I want and what I need baby ( Let me hear you say) Sa bawat bigkas ng kanta ay sinasabayan ko ng pag-indak at paghaplos simula sa aking balakang patungo sa aking malulusog na dibdib habang nakikipagtitigan sa mga matang puno ng kasabikan (Let me hear you say) Please! (Let me hear you say) Please( wohhh) Please me baby Turn around and just teased me baby You know what I want and what I need baby ( Let me hear you say) Please! (Let me hear you say) Please! (Whoooh) . Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking mga hita at mariing pinisil-pisil. Sinisigurado kong nakaturo pataas ang mga daliri ko at nakababa ang pulso ko na nagbibigay ng imbitasyon na tumingin sila sa pagitan ng aking mga hita. Unti-unti akong bumaba at lumapit sa madla. Isang nakakaakit na ngiti ang ibinigay ko sa mga lalaking tila mga lion na sasakmalin ako anumang oras. Isang matamis na ngiti ulit bago ako umakyat sa entablado at bumalik sa pole kung saan nagpaikot-ikot ako at pinulupot ang aking mga binti at braso. Sinadya kong iangat ang maiksi kong palda bago sumampa sa pole at nang akma kong iangat ang aking mga binti, naghiyawan ang mga lalaking nakapaligid sakin. Pagkatapos ng kanta'y dali-dali akong lumabas ng backstage kung saan naroroon ang ilan pang kababaehang magpapakitang gilas rin sa entablado. Nasalubong ko si Mommy Sheng sa pasilyo patungong dressing room. "Good Job! Mabuti at nagawa mo na ng maayos ang trabaho mo ngayong gabi at di mo naisipang mag-iinarte". Ngiti lang ang tugon ko sa kanya at agad na akong pumasok ng dressing room. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Di ko na kilala ang kaharap ko ngayon. Puno ng kolorete na may malalaking sout na hikaw.Pulang-pula ang aking mga labi. Halos lumuwa na ang aking dibdib sa sobrang liit na br* na pinasuot sa akin ni Mommy Sheng! Ibang-iba sa simpleng Arrah na punong-puno ng pangarap. Ang kaninang matatamis na ngiti ay napalitan ng mapait na ngiti kabasay ng mga rumaragasang luha.... " Hindi ito ang buhay na pinapangarap ko! Arrah! Si Mommy Sheng kumakatok sa pintuan agad' kung pinunasan ang mga luha ko bago ko binuksan ang pinto. "Mag-ayos ka at ihanda ang iyong sarili may nagkainteres sayo , bigatin." may pa kindat pa ito. "Ho! Di ba usapan po natin sa pagsasayaw lang dapat ako. Halos maluha-luha kung tugon. Ano kaba naman' Arrah! Malaki ang ibabayad sayo. Pag ikaw pinakawalan mo tong malaking isda ngayong gabi' pupulutin ka sa kangkungan at hindi lang' yan pagtutulungan ka ng lahat ng bouncer ko dito sa club. Kaya mag-isip ka. O siya'! pag ipinatawag kita mamaya dapat handa kana! Maliwanag? Tinanggal ko ang aking makapal na make up at naglagay nalang ng lip gloss. Nagpalit narin ako simpleng kasuotan lamang', isang puting maong na shorts at tinernuhan ko ng itim na T’shirt. Maya-maya pa ay kinakatok na ako ng isa sa kasamahan ko. Di ako umiimik. At maya-maya isang napakalakas na katok na may kasamang tadyak sa pinto na ang naririnig ko. “Arrah L*nt*k wag kang patulog-tulog dyan hinihintay kana ng costumer mo.” Si mommy Sheng na pala iyon. Binuksan ko na ang pinto. “Bakit ganyan ang suot mo?” Magsuot ka rin ng nakakaakit na damit. Paano mo maaakit ang costumer mo sa mukha mong mukhang galing palengke.” Akma akong itutulak ni mommy Sheng ng may nagsalita sa likuran niya. “Wag mo siyang saktan, okay na yan! Oh ito ang bayad.”  Nanlaki ang mga mata ni Mommy Sheng ng iabot ng lalaki ang isang bundle ng pera. At agad akong hinila ng lalaki palabas ng Bar patungo sa kanyang sasakyan. Wow! Isang Bugatti Chiron Sport, ou alam ko ang mga latest na sasakyan kasi madalas akong mag google ng mga bagong sasakyan. At madalas akong nangangarap na sana balang araw magkaroon din ako ng ganyan pero alam kong hanggang pangarap lang yun dahil tanging pinaka mayayaman lang ang kayang bumili nito.Nagkakahalaga ng $ 1M o 1.3 billion pesos. Eh pang renta lang nga ng bahay hirap na ako. Binuksan ng lalaki ang pintuan ng sasakyan. " Hop in" nakangiting saad nito. Napaawang ang aking mga labi sa sobrang gwapo nito. At ang mapuputi nitong mga ngipin na mas lalong nagpatingkad ng kanyang ngiti.Maamo ang mukha at mapupungay ang mga mata. Maya-maya'y nawala ang ngiti nito at gumuhit ang pagtataka. "Why? Mukha ba akong nakakatakot?" " Hindi po". Matipid na tugon ko. " Wag kana mag po sa akin okay". "Opo". "O, ayan na naman. Napangiti nalang ako. "Okay!" Habang nagbabyahe kami di ko maiwasang titigan ang kanyang gwapong mukha. Sana safe ako sa kanya. Sana hindi siya katulad ng ibang lalaki. "Uy what's your name? Paulit-ulit niya na palang tinatanonng iyon hindi ko naririnig dahil nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. "A, e, Arrah ho" Napayuko ako. "My name is Drach". "Ilang taon kana? "19 ho", "Ang bata mo pa para sa ganyang trabaho." Pero infairness ha hindi halatang bata kapa. Sa hubog ng katawan mo akala ko nasa 25 kana. Yumuko nalang ako sa hiya. Nakakahiya talaga ang aking trabaho. Hindi narin umiik ang lalaki. Hanggang binasag niya ang aming katahimikan sa isang tanong. " Would you like to come at my condo or hotel instead?" " Ha! ah eh." Oo nga pala bakit masyado akong nakampante may trabaho nga pala ako sa kanya pag hindi ko nagawa ito ngayong gabi sigurado palalayasin na ako ni Mommy Sheng. " Wag kang matakot I'll be gentle." sabay ngisi nito. Mas lalo akong kinabahan. Jusmiyo parang gusto ko nalang tumalon sa bintana ng sasakyan. "Just kidding, hindi naman ako masamang tao." Seryosong saad nito. Namalayan ko nalang na nakahinto na pala ang sasakyan. Nagpalinga-linga ako, hindi naman mukhang condo unit ito at hindi rin mukhang hotel sa halip isang mataong lugar. Sa isang mamahaling restaurant niya pala ako dinala. " Let's go, kumain muna tayo para may energy tayo mamaya." Ginawa na naman niya ang nakakatakot na ngisi pero sa gwapo niyang mukha di naman ganun ka intimidating ang kanyang reaksyon. Ang dami niyang inorder na pagkain. At kung matinong babae lang siguro ako, ako na ang pinakaswerteng babae sa lalaking ito. Gwapo na mayaman pa. Sinampal ko ang sarili "Wag ka ngang ilusyunada, isa ka lang bayarang babae." Sabagay hindi pa naman ako maruming babae dahil kahit isang taon na akong nagtatrabaho sa Bar na iyon nanatili parin ang pagiging berhin ko, maliban nalang ngayong gabi, magkano kaya ang ibinigay ng lalaking ito para ipagtabuyan ako ni mommy Sheng ng ganun ganun nalang para sa sumama ako sa lalaking ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lantakan ang masasarap na pagkain sa harap ko. Ngayon lang ako nakakain ng ganito kasasarap na pagkain. At talagang gutom na gutom ako dahil maghapon ang aking Exam pag-uwi ko tuyong isda ang ulam namin sa hapunan parang drain na drain ang katawan at utak ko. " Oops dahan-dahan lang, take your time sayo naman talaga lahat ng yan." "Pasensya na ho , gutom lang talaga ako." Maraming salamat po sa mga ito". Pagkatapos kong kumain. Bumyahe na naman kami. Sa pagkakataong ito labis na ang kaba na aking nararamdaman nanlalamig na ang aking mga palad at pinapawisan ako kahit malakas ang aircon sa loob ng sasakyan. "Sir", saad ko. "Drach nalang" tugon niya. "Gagawin ko po lahat ng gusto niyo. Wag lang po ang magiging trabaho ko ngayong gabi. Kahit maglalabandera po ako sa inyo, gardener , taga paligo ng aso. Gawin niyo nalang po akong alipin wag lang po ang yun. "Yung ano?", Panunudyo nito. "Yung alam mo na po yun". Pagmamakaawa ko. "Paano naman ang malaking ibinayad ko sayo. Alam mo bang mahigit milyon yon. Ibigsabihin nabili na kita." "Babayaran ko nalang po sa pamamagitan ng pagsisilbi ko sa inyo.Hindi pa po ako handa sa ganung bagay"pagtatapat ko. Nakaramdam ito ng inis. At hindi na umiimik habang nagmamaneho. At ibinaling ko nalang sa labas ng bintana ang aking tingin lahat talaga pala ng kabutihang pinapakita ng tao may kapalit.Katulad ni Mommy Sheng nangako rin na hindi ako ipapahamak at hangad daw na makapagtapos ako ng pag-aaral at bigla nalang nakalimot nang makatanggap ng malaking halaga. Nalulungkot ako akala ko iba si Drach sa mga taong mapagsamantala, bahala na kung ano ang mangyayari sa akin. Choice ko naman kasi to. Ito ang pinasok kung trabaho halos maluha-luha ako sa naisip ko. At dahil sa malalim ang iniisip ko di ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan. "Pwedi ka nang bumaba at bumalik sa loob". "Ho? papagalitan ako ni mommy Sheng pag nalaman niyang di po ako pumayag." "Sige na ako na ang bahala". "Maraming salamat po." Dali-dali na akong bumaba at pumasok sa bar dumiretso ako kaagad sa dressing room para kukunin ko na ang aking mga gamit at uuwi na. Pero paglabas ko ng pintuan ng dressing room. Nakaabang na si Mommy Sheng galit na galit ang ekspresyon ng mukha. "Napakat*ng* mo talaga! Pera na naging bato pa. Bakit mo naman sinayang ang costumer natin. ALam mo ba Arrah kung magkano ang sinayang mo? Eight hundred Thousand Arrah! Eight Hundred Thousand! paulit-ulit niyang sigaw sa akin. Kinaladkad niya ako at dinala sa secret room kung saan naghihintay ang limang kalalakihan. Patulak niya akong pinapasok sa loob. Dali-dali akong hinawakan ng mga lalaki at hinablot ang sout kung T'Shirt, napunit ito, pilit akong lumalaban kinakalmot ko sila ng mahahaba kong kuko mas lalo itong nagagalit at naging aggresive. Nasipa ko sa hinaharap ang isang lalaki na akma na sanang dadakma sa akin. Namilipit ito sa sobrang sakit. Susuntukin na sana ako ng isang lalaki sa sikmura ng biglang kumalabog ang pintuan at bumungad ang mga grupo ng Swat at isa-isang inaresto ang limang lalaki. Sobrang pasalamat ko at dumating ang mga police baka may kung ano na ang nangyari sakin kung tumagal pa. May lumapit sa akin na isa sa mga kalalakihan nakabalot ang mukha at iba ang uniporme nito. Hinubad niya ang kanyang suot na Jacket at pinasuot sa akin. Hinila niya ako at sinakay sa sasakyang itim. Habang nagbabyahe kami ay hindi ako nakaimik. Nakidnap na ba ako? Sino ang lalaking ito? Mas minabuti ko nalang na manahimik. Pumasok ang sasakyan sa gate at binati ng security guard ang lalaki. Paano niya ito nakikila e, nakabalot ang buong mukha nito. Dali-daling bumaba ng sasakyan ang lalaki at pinagbuksan ako ng pintuan pag baba ko ng sasakyan napa-awang ang bibig ko ng bumungad sa akin ang isang napakalaking mansyon. Hinila na niya ako papasok sa bahay at idineretso sa kwarto sa taas. Saka ito nagsalita." Akala ko mahuhuli na ako ng dating". Pamilyar ang boses niya at hindi ako magkamali. "Ikaw si___"At bigla niyang hinubad ang kanyant suot na mask at bumungad sa akin ang kanyang mukha. "Drach???

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Owned by My Husband's Boss

read
10.2K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
73.3K
bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Mistletoe Miracle

read
7.1K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.2K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
45.0K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook