Pagkauwi ko ng bahay ay inasikaso ko ang mga kailangan kong tapusin na requirements na kailangan kong ipasa sa school gaya na lamang ng 4th quarter grades ng mga estudyante ko dahil patapos na ang school year. Habang nagco-compute ng grades ng mga estudyante ko ay bigla ko na lang naisip ang halikan namin kahapon ni Finn sa office niya kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Ano ka ba Elicia! Focus!" sigaw ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim bago muling umupo at muling pinagpatuloy ang pagco-compute ng grades ng mga estudyante ko. Nang matapos ako ay tiningnan ko ang oras at 5:30 na kaya bago ako kumilos ay inistretch ko muna ang katawan ko bago ako naligo. Pagkatapos maligo ay binonggahan ko ang suot ko pati na rin ang make-up ko. Nagsuot ako ng fitted dress at high heels at n

