"Edward, you don't have to do this. I mean, hindi naman kita pinipilit. Kung feel mo ay ayaw mo ay okay lang," sabi ko kay Edward. "It's okay Elicia, kaya ko 'tong gawin. Para na rin maging matagumpay ang plano natin. Atsaka isa pa ay may tiwala naman ako sa'yo kaya alam kong ginagawa mo lang ito para maging successful itong plano natin," sabi ni Edward. "Sure ka?" tanong ko. Tumango naman siya. "Sure na sure, pero gaya nang sinabi ko ay hindi ako nakakasigurado kung kakayanin ko itong gawin hanggang dulo. Sinabi ko naman sa'yo no'n 'diba na may nagugustuhan na'kong babae. Naiisip ko lang na ayokong manakit ng ibang babae dahil naiisip ko na kapag nagkagusto si Krystal sa'kin ay responsibilidad ko iyon at kapag ni-reject ko naman siya ay masasaktan siya kaya ayoko siyang saktan. Ayokong

