Chapter 1

3103 Words
"Aldrin! Bakit mo ako iniwan!" pag-iyak ko. Pansin ko naman ang pagtitinginan ng mga tao sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin. Broken na nga ako tapos papansinin ko pa sila. "Ginawa ko naman ang lahat!" Hinampas ko ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Iniwan kasi ako ng boyfriend ko. 5 years na kami and going strong sana kung hindi niya lang ako iniwan dahil may babae na siya. Ginawa ko naman ang lahat para hindi niya ako iwan. Binilhan ko siya ng mga gamit na gusto niya, lagi ko siyang sinusunod sa mga gusto niya at ginawa ko naman ang lahat para maipakita ang pagmamahal ko sa kaniya. Pero iniwan niya pa rin ako dahil hindi ko maibigay sa kaniya ang nag-iisang bagay. Ang virginity ko. Hindi pa kasi ako ready kaya natatakot ako tuwing inaaya niya ako kaya lagi akong tumatanggi. Siguro kasalanan ko rin kaya niya ako pinagpalit sa ibang babae at iniwan. Kasi 'yung babaeng pinalit niya, naibibigay 'yung matagal na niyang hinahanap. Umiyak ako nang malakas kahit na nakikita ko ang ibang tao na pinagtitinginan ako. Suminga ako sa tissue na nasa table ko at kita ko naman ang pandidiri ng mga nakatingin sa akin. Natahimik lang ako nang dumating na ang pagkain na inorder ko. Pagkain lang kasi ang tanging nagpapakalma sa akin kapag sobra akong nalulungkot. "Aldrin!" patuloy pa rin ang pag-iyak ko kahit kumakain at may laman ang bigbig. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luha ko at muling kumain. Maya-maya ay may umupong lalaki sa harap ko. "Hey, you okay?" tanong ng lalaki. "Mukha ba akong okay?!" sarkastikong sabi ko habang umiiyak. "I see, well they're staring at you," sabi niya at inilibot ang tingin sa paligid. "Pakialam ko sa kanila hindi ko naman sila kilala," sabi ko at muling sumubo ng pagkain. Medyo lasing na rin ako dahil mas inuna kong uminom ng alak bago mag-order ng pagkain. "Hey eat slowly, baka mabulunan ka," sabi niya at inabot ang tubig sa akin. Tinanggap ko iyon at ininom. "S-salamat," sabi ko nang matapos uminom. Pinanood niya lang ako hanggang sa matapos akong kumain. Humikab ako mismo sa harap niya at doon ko lang nakita ang hitsura niya. Makapal ang mga kilay nito at nang-aakit ang mga mata nito. Red na red din ang mga labi nito at may matangos na ilong din ito. "Totoo ba 'yan." Hinawakan ko ang ilong niya at pinisil-pisil pa ito. Pinapanood niya lang ako na gawin iyon sa kaniya. "Okay that's enough." Hinawakan niya ang kamay ko at inilayo sa ilong niya. "You're drunk let me take you home," wika niya at tumayo. Akmang papatayuin na niya ako nang bigla ko siyang tinulak. "Anong take you home na pinagsasabi mo, kakatapos ko nga lang kumain tapos papauwiin mo kaagad ako atsaka isa pa hindi nga kita kilala. I don't trust strangers," wika ko at muling naiyak nang maalala si Aldrin. "Aldrin," sabi ko at muling umiyak. Natataranta naman siyang umupo sa harap ko. "Hey since we're both broken, bakit hindi na lang tayo ang maging magkarelasyon, what do you think?" tanong niya. Napahinto naman ako sa pag-iyak at nalilitong tumingin sa kaniya. "Ha? Pinagsasabi mo? Eh hindi nga kita kilala eh," sabi ko sa kaniya habang nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Hoy lalaki hindi ako katulad ng ibang babae riyan na easy to get. Hinding hindi mo makukuha ang katawan ko hindi ko 'to ibibigay sa'yo 'no! Kaya nga ako iniwan kasi hindi ko masuko ang virginity ko tapos gusto mo pang kuhain," paliwanag ko. "N-no it's not what I mean, I'm just saying that if you want us to have a relationship. It's just a relationship no others involved," He said. Pinaningkitan ko naman siya. "Eh hindi pa nga kita kilala," sabi ko. "Finn Lewins." Nilahad niya ang kamay niya. Pinapakilala ang sarili. Pinalo ko naman ang kamay niya nang malakas. "Wala akong pake," sabi ko at muling umiyak. "Aldrin," "Can you shut up?!" halata kay Finn ang pagka-inis. Binato ko naman sa kaniya ang lagayan ng tissue. Kahoy pa naman ang lagayan ng tissue kaya ramdam kong nasaktan siya. "Anong shut up shut up?! Umalis ka nga rito paepal ka eh!" sabi ko at muling umiyak. "Okay Miss you're drunk, let's get out of here," sabi niya at pinilit na akong patayuin. "Ano ba mangingidnap! Tulong kinikidnap ako hindi ko siya kilala!" sigaw ko. Kita ko naman ang pagkataranta sa kaniya. "Sorry she's drunk, don't mind her," wika niya at binuhat na ako. "Kidnapper!" sigaw ko. "Hey Sir is everything okay?" tanong ng isang lalaki. "Yes, she's my cousin," pagsisinungaling ni Finn at kaagad na umalis. "Kidnapp--" Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Hindi ko na napigilan ang sukang nararamdaman ko at sumuka na sa damit niya. Napasigaw naman siya sa galit at ipinasok na ako sa kotse. "Damn it!" sigaw niya at sinarado ang kotse niya nang malakas. Maya-maya ay binuksan niyang muli ang kotse at hinila ako palabas. "Ano ba!" sigaw ko. Magpupumiglas pa sana ako kaso nahihilo na ako. "Let's ride on a taxi, you're gonna vomit on my car," wika niya. Unti-unti na akong napapikit at ilang sandali lang ay nawalan na ako ng malay. ~~ Nang magising ako ay kaagad akong napabangon. Napahawak ako sa ulo ko dahil masakit ito. Inilibot ko ang tingin sa paligid habang nakahawak sa ulo ko dahil masakit pa rin ito. Nakita ko ang isang baso na may lamang tubig na nasa table na katabi nitong kama. Kinuha ko iyon at ininom. Nang inilapag ko ang baso ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong wala ako sa tinitirahan ko. Kaagad kong chineck ang sarili ko at suot ko pa rin naman 'yung damit ko kahapon. At wala naman akong nararamdaman na kung ano sa private part ko. Nagmadali akong bumaba ng kama at hinanap ang sapatos ko. Hindi ko iyon makita kaya sinuot ko na lang ang tsinelas na nandito sa kwarto at dahan dahang binuksan ang pinto nitong kwarto. Sinilip ko muna ang labas at nang makitang walang tao ay kaagad akong lumabas. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto nitong kwarto nang makalabas ako upang hindi ako makagawa ng ingay. Pagkatapos ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hinanap ang pinto palabas. Akmang maglalakad na ako papunta sa pinto ngunit natigil ako nang may makita akong lalaki sa kusina kaya nagtago ako kaagad. Siya 'yung lalaki kagabi. Siguro dinala niya ako rito sa condo na tinutuluyan niya. Huminga ako nang malalim bago magpatuloy dahil kailangan kong dumaan sa likod ng lalaki para makapunta sa pinto. Dahan-dahan akong naglakad at nakakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita ang lalaki. "You're awake, good morning," wika niya kaya kaagad akong sumigaw na ikinagulat niya. Tumakbo ako papuntang pinto palabas. Kaagad kong tinanggal ang pagkaka-lock sa pinto na iyon at nagmadaling lumabas. Narinig ko pa ang pagsasalita niya bago ko isarado ang pinto. Kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid ng hallway at tumakbo sa kabilang side upang maghanap ng elevator or ng hagdan pababa. Alam kong nasa mataas na part itong building dahil nakita ko kanina sa sala niya. May malaking bintana kasi ang sala niya. 'Yung mga pang sosyal gano'n. Nang makababa ako at makalabas sa mataas na building na ito ay kaagad akong nagpara ng taxi. Buti na lang ay may taxi rito. Nang makasakay ako ay kaagad kong sinabi ang address ko at kaagad kong pinaandar si kuyang driver. Napahilamos ako sa mukha ko at tumingin sa bintana nitong taxi. Naalala ko na naman si Aldrin. Pinigilan ko ang luha ko dahil nakakahiya umiyak. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang ginawa kong pag-iyak kagabi kahit maraming tao sa paligid. Napasigaw ako at napatakip ng mukha dahilan para kaagad na pumreno si kuyang driver. "M-may problema po ba Maam?" tanong ni kuyang driver ng taxi. "A-ah wala po kuya sorry po," nahihiyang wika ko. Wala namang inimik si kuya at nagpatuloy lang uli sa pagda-drive. Gusto ko nang bumaba sa taxi na ito dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko isama pa 'yung kahihiyan na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi. Nang makababa ako ay kaagad akong nagbayad at kinuha ang susi ko at binuksan ang bahay na tinitirhan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok ako sa bahay. Muling bumalik sa'kin ang ala-ala namin ni Aldrin dahil punong-puno ng ala-ala namin itong tinutuluyan ko dahil magkasama kaming nakatira rito at ngayon na wala na siya ay nagmukhang kulang ang bahay na ito. Kahapon pa umalis si Aldrin dito siguro habang nag-iinom ako ay umalis na siya. Kaya lang ako nag-inom kahapon dahil hindi ko kayang makitang aalis na siya rito dahil dito sa bahay na ito kami gumawa at nagplano ng mga pangarap namin. At kung papanoorin ko siyang umalis ay baka pigilan ko pa siya. Nakakasawa ring magmakaawa dahil ayaw na niya talaga. Lumuhod na'ko para lang hindi siya umalis dahil gano'n ko siya kamahal at ayaw ko siyang mawala pero wala ayaw na niya talaga. Pinunasan ko ang luha ko dahil kailangan ko nang maghanda para pumunta ng paaralan. Isa na'kong teacher at bagong teacher lang ako. Hindi rin ako umiinom, kahapon lang dahil nga heartbroken ako kaya huwag kayong mag-alala hindi ako masamang impluwensya sa mga estudyante ko. Medyo namamaga pa ang mga mata ko pero papasok pa rin ako para sa mga estudyante ko. Ito ang unang year ko na magturo pero mahal na mahal ko na kaagad ang mga estudyante ko dahil may space talaga sa puso ko ang mga bata. Ilang weeks na rin kasi simula nung nagsimula ang klase. Isa kasi akong ulila at lumaki ako sa bahay ampunan. Sa bahay ampunan na ako lumaki at inampon ako ng isang mayaman na pamilya nung ako ay 16 years old pa lamang ngunit ginawa lang akong katulong doon at sinasaktan ako kaya naisipan kong tumakas at bumalik sa bahay ampunan. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino ako at masipag kaya nagawa kong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Buti na lang ay mabait si Mother Lily, ang madre na nag-aalaga sa'min sa bahay ampunan kaya pinayagan niya akong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ko nung makabalik ako sa bahay ampunan. Nang nasa tamang edad na'ko ay pinahiwalay ako ni Mother Lily para raw mas lalo akong makapagpokus sa pag-aaral at pagtatrabaho dahil mahirap kapag nasa bahay ampunan ako kaya kinaya kong mag-isa at tinatagan ko upang maabot ko ang pangarap kong maging teacher at ngayong naabot ko na ang pangarap ko ay talagang nagsusumikap ako. Nagtatrabaho ako sa public school na malapit lang dito sa tinitirhan ko at mababait naman ang mga katrabaho kong teachers dahil winelcome kaagad nila ako at kaagad kong minahal ang trabaho ko dahil sa mga estudyante ko. Grade 2 ang tinuturuan ko at malalambing ang mga batang tinuturuan ko kaya sobrang nakakagana na gawin ang trabaho ko at kahit na broken ako ay walang makakapigil sa'kin na turuan sila at gawin ang trabaho ko dahil mahal ko ang trabaho ko. Nang makarating sa tapat ng classroom na tuturuan ko ay malaking ngiti kaagad ang nilagay ko sa mukha ko bago pumasok ng classroom. "Good afternoon class," nakangiting wika ko pagpasok ko. Nagsitayuan naman sila. "Good afternoon Maam," wika nila. Mas lumaki ang ngiti ko nang makita ang mga cute nilang mga ngiti. "Okay before we start let's pray," wika ko. ~~ Lumipas ang ilang oras at uwian na. "Okay class good bye see you tomorrow," nakangiting paalam ko sa kanila. "Good bye Maam Pineda, Good bye classmates," sabay-sabay nilang sabi at isa-isa nang lumabas. Pineda ang apelyido ko dahil iyon ang apelyido ng tunay na mga magulang ko. I'm Elicia Pineda. Inayos ko na ang mga gamit ko bago lumabas. Pumunta muna akong office upang mag-out at pagkatapos ay pumunta munang canteen at kumain dahil wala pa'kong kain at pagkatapos ay hinintay ko munang lumabas ang mga estudyante bago lumabas nitong school. Nang makalabas ako ay naglakad lang ako pauwi sa'min dahil malapit lang naman ngunit natigil ako nang makita 'yung lalaki kagabi na lumapit sa'kin at 'yung lalaki na nakatira sa condo kung saan ako nagising kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay Finn ang pangalan niya. Nasa tapat ito ng mercury drug at nakatayo ata siya sa tabi ng kotse niya. Pwede kasing mag-park ng kotse sa tapat ng mercury drug kaya siguro ro'n siya nag-park. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na umiwas at tinakpan ang mukha ko gamit ang bag na dala ko at nagmadaling maglakad ngunit nagsalita siya. "I already see you, no need to hide," wika niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nagtatakip pa rin ng mukha ko. Ilang sandali lang ay may humawak sa kamay ko at nang tingnan ko ay nakahawak na siya sa'kin "Kidnapper tulong!" sigaw ko dahilan para halata sa kaniya ang pagkataranta. "H-hey shut your mouth!" natatarantang sabi niya. "Tulong!" patuloy na pagsigaw ko. "There's some student near us," wika niya na nagpatigil sa'kin. Doon ko lang na-realize na malapit nga pala kami sa school at maaaring may makakita sa'ming estudyante ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ang isang estudyante kong si Miguel kasama ang Mommy niya. "Ma'am Pineda okay lang po ba kayo? Is this man hurting you po?" wika ni Miguel. Doon ko lang napagtanto ang kahihiyang nagawa ko. "A-ah I'm okay lang Miguel, He's not a bad guy don't worry. We're just acting." Peke akong tumawa upang maiwasan ang kahihiyan. "Nice to meet you po Mrs. Lopez," nakangiting bati ko sa Mommy ni Miguel. Lopez kasi ang apelyido nila kaya Mrs. Lopez ang itinawag ko sa Mommy niya. "Nice to meet you rin po Maam, sorry po kung nakaabala po kami sa pag-acting niyo. Sige po una na po kami pasenya na po talaga," magalang na sabi ni Mrs. Lopez kaya pinilit kong ngumiti at nang makatalikod sila ay siniko ko si Finn. "Ouch!" reklamo nito. Nauna na'kong sumakay sa harap ng kotse niya ngunit napalingon ako sa driver's seat dahil ibang tao ang narito. Wow may driver pala siya. Kumatok si Finn sa bintana kung nasaan ang driver's seat. "Excuse me, sorry if she went there I think she's just confused," wika niya sa driver nitong kotse at tumingin sa'kin. "Get out of there, it's not my car," wika ni Finn dahilan para muli akong manigas sa kahihiyan. Hindi ko na pinatagal pa ang sarili ko ro'n at kaagad na'kong bumaba. Sumakay na si Finn sa tunay niyang kotse kaya sumakay na rin ako sa harap ng kotse niya habang nababalot ng kahihiyan. Pinaandar na niya ang kotse niya kaya napasigaw ako. "Sandali!" sigaw ko dahilan para magulat siya at kaagad na huminto ang sasakyan. "Saan mo ako dadalhin? Paano ako makakasiguro na hindi ka stalker? Na hindi ka killer ha? Paano?" natatarantang sabi ko. Napahilamos naman siya sa mukha niya. "Yeah yeah I'm sorry for being rude, but can I talk to you?" tanong niya. "Nag-uusap na tayo ngayon," pilosopong sagot ko. "Yeah I know but I want to talk to you about something," wika niya. ~~ Namalayan ko na lang ang sarili ko na namamangha habang nakatingin sa baba nitong building kung saan kami kakain. Nasa taas kami at kitang kita ang view. Hindi ko alam ang name nito pero masasabi kong mamahalin ang lugar na ito. Nang ilibot ko ang tingin ko ay nahiya ako sa suot ko. Ang mga tao rito ay naka-formal na suot. Nawala rin ang kahihiyan ko nang may ma-realize. Formal din naman ang suot ko ah at hindi dapat ikahiya ang uniform ng isang teacher kaya tumaas ang confidence ko. "Come on order something," wika ni Finn habang naghahanap ng makakain. Tiningnan ko naman ang Menu at hindi ako familiar sa mga pagkain dahil mga pangsosyal pero nanlaki ang mga mata ko sa presyo. Binilang ko ang mga digit sa presyo ng pagkain na mga nandito at hindi bababa sa five digit ang presyo ng mga pagkain. Kaagad kong sinara ang Menu at nilapag ito sa table. "Did you pick something?" tanong ni Finn. "Wala ang mamahal, hindi ko kayang bayaran 'yan," sagot ko. "Who said you're gonna pay for your food, I'm the one who brought you here that's why I'm the one who'll pay, that's why pick the food that you want," sabi niya. "No thanks, hindi pa nga kita kilala tapos magpapalibre kaagad ako sa'yo," sabi ko. "Then I'll order for you." Ibinaba niya ang Menu na hawak niya at tinawag ang waiter. Nagsabi siya ng mga order niya at dinalawa niya ito para ata sa'ming dalawa. "Baka mamaya pagbayarin mo'ko ha," sabi ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa siya mapagkatiwalaan dahil kakakilala ko pa lang naman sa kaniya. Wala siyang imik at tumingin na lang sa view. Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid at napako ang tingin ko sa isang lalaki. Si Aldrin. Sa harap niya ay ang babaeng ipinalit niya sa'kin. Kung ikukumpara kaming dalawa ay walang wala talaga ako at halatang mayaman pa ang babae dahil mukhang artistahin. Napatingin sa direksyon namin ang babae. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya umiwas ako ng tingin. Maya-maya lang ay nagulat ako nang biglang sumulpot ang babae. Hindi ko man lang namalayan na lumapit pala sila sa'min. "Oh my gosh Finn is that you?!" natutuwang sabi ng babae kaya napalingon kami sa kaniya. "Oh hey Dianne what's up, what are you doing here?" pagbati ni Finn at tumayo upang yakapin si Dianne. Batid ko ay hindi alam ni Dianne na may kasintahan si Aldrin at ako 'yon dahil kung alam niyang ako 'yon ay iba ang magiging approach niya sa'kin at feel ko rin pinagsabay kami ni Aldrin dahil kaka-break lang namin ni Aldrin kahapon at ngayon ay magkasama na sila na tila ba'y matagal nang magkarelasyon. "Nothing I just saw you that's why I went here to approach you, what are you doing here, and ohh who is she?" nakangiting sabi ni Dianne. "This is Elicia, I'm courting her," sagot ni Finn. Hindi na pumasok sa utak ko ang sinasabi nila dahil napako ang tingin ko kay Aldrin na nasa likod ni Dianne. Pinakilala ni Dianne si Aldrin kay Finn kaya nilahad ni Finn ang kamay niya kay Aldrin upang makipag-shakehands. Halata namang nagulat si Aldrin sa sinabi ni Finn na nililigawan niya ako. Siniko ni Dianne si Aldrin dahilan para matauhan at tanggapin ni Aldrin ang kamay ni Finn at nakipag-shakehands. Nang maramdaman ko na patulo na ang luha ko ay tumayo ako at nagpaalam na pupuntang restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD