Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
'Hindi ka ba napapagod umiyak?' tanong ko sa sarili ko gamit ang isip ko.
Hindi lang talaga ako makapaniwala na pinagsabay niya kaming dalawa.
Alam niya kung gaano ako kulang sa pagmamahal dahil wala akong mga magulang at sa kaniya ko nakita at nahanap ang pagmamahal na pangangailangan ko pero niloko niya pa rin ako kahit alam niya ang lahat ng iyon at alam niyang sobra akong masasaktan. Siya 'yung naging sandalan ko tuwing napapagod ako dahil wala akong ibang masasandalan pero ginawa niya pa rin sa'kin 'to.
Alam kong hindi ko siya makokontrol pero alam kong kaya niyang maging tapat sa'kin. Hindi niya lang ginawa dahil ayaw niya.
Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Ayokong ipakitang mahina ako lalo na't marami pang tao.
Nang maayos ko na ang sarili ko ay tumingin ako sa salamin at ngumiti bago lumabas.
Paglabas ko ay nagulat ako dahil naghihintay si Aldrin sa'kin sa labas. Hindi ko siya pinansin pero hinawakan niya ang braso ko nang matapat ako sa kaniya.
"Elicia pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Hindi ako sumagot at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin.
"Look I didn't mean to hurt you that's why I want to be honest. M-matagal na kami ni Dianne. We're together for almost 2 years. I'm here to tell you that I'm really sorry kung pinagsabay ko kayo at kung sinaktan kita," wika niya. Nagsimula muling tumulo ang mga luha ko.
"Please don't cry--" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako.
"Pagkatapos mong sabihin ang panloloko mo mage-expect ka na huwag akong umiyak?!" mahina ngunit nanggigigil na sabi ko. Gusto ko siyang sampalin pero ayokong gumawa ng gulo.
"Ano ba talagang pakay mo? Alam kong hindi lang ito ang pakay mo kaya mo'ko sinundan dito." Pinunasan ko ang luha ko. Sinubukan kong tatagan ang sarili ko. Huminga siya nang malalim at tiningnan ako sa mga mata.
"P-pwede bang huwag mong sabihin kay Dianne ang tungkol sa'ting dalawa? I know that we both want peace kaya hangga't maaari ay sana huwag kang magsalita tungkol sa'tin," wika niya. Nginitian ko naman siya.
"Makakaasa ka, pero huwag kang aasa na mananatiling sikreto ang sinisikreto mo dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag," sabi ko at aalis na sana pero muli niyang hinawakan ang braso ko.
"Please Elicia be quiet," wika niya. Inagaw ko ang braso ko na hawak niya dahilan para mapabitaw siya.
"Don't worry hindi ako magsasalita, it's just a warning sa manlolokong katulad mo," sabi ko at umalis na pero muli niya akong pinigilan. Tiningnan ko siya nang masama at muling inagaw ang braso ko na hawak niya. Dahil sa masamang tingin ko ay hindi na niya ako pinigilan pa kaya umalis na'ko.
Hindi na'ko dumiretso pa sa table namin ni Finn at dumiretso kaagad ako sa exit nitong restaurant na ito ngunit nang malapit na'ko sa exit ay may humarang sa'kin. Si Finn.
"Where are you going?" tanong ni Finn.
"Gusto ko nang umalis dito," sabi ko at tiningnan siya sa mga mata. Lumabo ang mga mata ko kaya alam kong babagsak na naman ang mga luha ko. May tiningnan siya sa likod ko at sinundan niya lang ng tingin ang tinitingnan niya. Siguro ay tinitingnan niya si Aldrin at mukhang may iniisip.
"Wipe your tears," sabi niya kaya pinunasan ko ang mga luha ko. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang bewang ko at ilapit ako sa kaniya.
"Hey we're going na, I hope you'll enjoy your dinner," sabi ni Dianne. Nakaakbay na sa kaniya ngayon si Aldrin.
Nakatingin naman si Aldrin sa kamay ni Finn na nakapulupot sa bewang ko.
"Thanks, nice to meet you here I hope we meet again soon," wika ni Finn. Nginitian ko na lang sila at umiwas ng tingin.
"Okay bye! Enjoy with Elicia," Dianne said.
"Of course we'll enjoy. I'll do good as her suitor, I'll make her happy tonight," Finn said with confidence in his eyes.
Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Na-realize ko na kanina niya pa pala sinasabi sa kanila na manliligaw ko siya.
"Oh I'm sure you'll do good," nakangiting sabi ni Dianne at akmang aalis na ngunit natigil siya nang maramdaman niyang walang balak umalis si Aldrin. Napako kasi ang tingin niya sa kamay ni Finn na nasa bewang ko.
"Hey babe, we're going na," sabi ni Dianne kaya natauhan si Aldrin.
"Y-yeah sorry, b-bye," paalam niya sa'min. Lumabas na sila at sinundan lang namin sila ng tingin at nang hindi na namin sila matanaw ay tumingin sa'kin si Finn.
"They're gone, we can go back to our table now," sabi ni Finn. Tiningnan ko ang kamay niya na nasa bewang ko at inalis iyon.
"Sorry," sabi niya nang alisin ko ang kamay niya sa bewang ko.
Nauna akong maglakad at bumalik na sa table. Kung aalis pa'ko ngayon ay baka makasabay ko pa sila Aldrin. Galit kong tiningnan si Finn nang makaupo siya sa harap ko. Naluluha ako dahil sa galit.
"Bakit mo sinabi sa kanilang manliligaw kita ha? Who do you think you are?! Ano'ng sa tingin mong iisipin sa'kin ni Aldrin? Na malandi akong babae dahil kakahiwalay lang namin kahapon at ngayon ay nagpapaligaw kaagad ako sa'yo?! Paano kapag inisip niyang--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"So he is the Aldrin that you're talking about last night?" tanong niya. Ang tinutukoy niya ay 'yung pagbanggit ko kagabi sa pangalan ni Aldrin habang lasing ako. Bago pa ako makasagot ay muli siyang nagsalita.
"Besides, why would you care about what he thinks? If I'm not mistaken he cheated on you because you almost cried when I saw you earlier walking out of the exit and I know he cheated on you because if I'm not mistaken again, he and Dianne are almost 2 years together and he broke up with you yesterday night. You don't need to care about what he thinks or feels about you anymore because he hurt you, always remember that," Finn said. Natauhan ako dahil doon.
Feel ko ay kailangan ko 'yong marinig para lang matauhan ako dahil totoo nga namang bakit ko pa iisipin ang iisipin niya sa'kin kung siya naman 'tong nagloko at wala naman na kami. Atsaka isa pa hindi naman totoo ang sinasabi ni Finn na manliligaw ko siya kaya hindi ko na kailangang isipin 'yon.
"S-sorry," nakayukong sabi ko.
"No worries, here wipe your tears." Itinaas ko ang mukha ko at nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa'kin at may hawak na tissue. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.
"By the way, here." May kinuha siya sa ilalim ng lamesa at inilagay ito sa lamesa at tinulak papalapit sa'kin.
Paper bag iyon na may laman.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Open it," sabi niya. Hindi na lang sabihin eh 'no.
Kinuha ko ang paper bag at binuksan iyon. Nakita ko ang shoes na gamit ko kagabi at ang I.D. ko.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na inilagay ang paper bag sa ilalim ng mesa.
"S-salamat," sabi ko. Buti na lang at ito lang ang naiwan ko dahil kung pati pera ay naiwan ko, wala talaga akong pambayad sa taxi kanina.
"That's where I found out where you work," wika ni Finn. Tinutukoy niya ata ay 'yung I.D. ko. Tanging tango lang ang nasagot ko.
"I-ibabalik ko na lang din 'yung tsinelas mo na ginamit ko," wika ko. Ang tinutukoy ko ay 'yung tsinelas niya na nakita ko sa kwarto niya at ginamit ko pauwi ng bahay.
"No need, it's yours," sabi niya. Dumating na ang pagkain at ang amoy ng pagkain ang kaagad na umagaw ng atensyon ko.
Ang sasarap ng amoy! Hindi ko alam kung paano i-describe ang mga pagkain pero lahat sila ay sure akong masasarap.
"Just call me Maam and Sir if you need anything," wika ng waiter.
"Thank you," sabay na sabi namin ni Finn kaya nagkatinginan kami. Kaagad din kaming nagkaiwasan ng tingin. Nagsimula na siyang kumain kaya kumain na rin ako.
Gabi na kasi nang makarating kami rito dahil ang layo nito mula sa pinagtatrabahunan kong school kaya ginabi na rin kami.
Habang kumakain ay naalala ko na siya pala 'yung nag-alaga sa'kin kagabi. Kung hindi niya lang ako dinala sa condo niya nung bumagsak ako dahil sa kalasingan, siguro hindi ko na alam kung saan na'ko pupulutin.
"S-salamat nga pala sa pag-aalaga sa'kin kagabi kung hindi dahil sa'yo hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kagabi," sabi ko.
"No worries," He said.
"Sorry kung hindi ako nakapagpasalamat sa'yo kaagad. Hindi pa kasi kita kilala eh malay mo isa ka palang killer or r****t 'diba mas okay nang magdoble ingat sa panahon ngayon 'diba," sabi ko.
"Do I look like a kidnapper or a r****t to you?" tanong niya.
"Bakit may basehan ba kung r****t o kidnapper ang isang tao ha? Hindi porket pogi ka ay bawal ka nang maging r****t o kidnapper? Kailangan pangit lang ang mga taong gano'n? Grabe ka ah," sabi ko.
"T-that's not what I mean--" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako.
"Oh magpapaliwanag ka pa huli ka na 'no, everyone can be a r****t or kidnapper kahit na 'yung mga poging katulad mo," sabi ko at sumubo ng pagkain.
"So you're saying that I'm handsome?" mayabang na tanong niya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.
"Oo naman, alangan namang magsinungaling pa'ko, pero huwag kang magmayabang 'no hindi kita type," sabi ko at sumubo ng pagkain.
"But we just met, I can make you fall in love with me." Naubo ako pagkatapos niyang sabihin iyon kaya binigyan niya kaagad ako ng tubig. Kaagad ko naman iyong ininom.
"Ano ba muntik na'kong mabulunan sa sinabi mo. Kaya mo ba ako dinala rito para lang gawin akong girlfriend ha? For your information my heart is still broken kaya kahit ilang taon ka pang maghintay hindi ako magkakagusto sa'yo 'no" sabi ko.
"I'm just kidding, but do you really love him?" tanong niya. Natahimik ako dahil doon. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero batid kong alam na niya ang sagot.
"No need to answer I think I already know it," sabi niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at may pumasok sa isip ko.
"B-btw pwede bang huwag mong sabihin kay Dianne ang tungkol sa'kin? I don't want her to know that Aldrin is a cheater. She seems so sweet," sabi ko.
"Why do you care if Dianne will get hurt or not? Dapat mong pagtuunan nang pansin ang pagiging cheater ni Aldrin. Hindi mo dapat siyang pagtakpan kahit na ang gusto mo lang ay maprotektahan si Dianne at hindi siya masaktan. You should know na dapat niyang malaman na cheater si Aldrin para maging aware siya because Aldrin can do it again," He said. Natauhan na naman ako dahil do'n.
"Besides it's useless because I think Dianne already knows, I know her," dugtong niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko.
"P-paano?" tanong ko.
"Dianne looks so sweet but she's not. She's a brat and she has connections kaya hindi na'ko magtataka kung alam niyang may karelasyon si Aldrin habang sila pa at hindi na'ko magtataka na kilala ka niya. She's just pretending kanina na hindi ka kilala to look like an angel," paliwanag niya.
"T-then why are you nice to her?" tanong ko.
"She's nice to me, what do you want me to do? Be rude to her just because I know her true colors?" He answered.
"In this restaurant, napapalibutan tayo ng mga maimpluwensyang tao and I know them. The reason why Dianne act that way because she wants to show them that she's kind and if I become rude to her, it will make her an angel and it will make me a bad guy. That's why we need to be fake because there's a lot of eyes," sabi niya.
"Just like now, there's a lot of eyes on us just like what I planned," dugtong niya pa. Akmang lilingon na'ko sa paligid ngunit pinigilan niya ako.
"Don't turn around, they will notice," He said. Dahil do'n ay tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"What do you mean just like what you planned? Ano ba talaga ang habol mo sa'kin? Why are you here and why are you following me? Bakit mo sinabi sa kanila na manliligaw kita? Why did you bring me here?!" naiinis na sabi ko.
"I want you to be my fake girlfriend," sabi niya at tumingin sa mga mata ko. Ako? Fake girlfriend?!
Kaagad akong napatayo at nagmadaling kinuha ang bag ko pati ang paper bag na binigay niya na may lamang shoes ko at i.d. ko.
"Salamat sa pagkain pero hindi ko magagawa ang hinihiling mo." Naglakad na'ko palabas nitong restaurant at kaagad na bumaba ng building na ito.
"Wait! Elicia please let me talk to you." Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya. Nasa baba na kami ngayon palabas nitong building na kinainan namin at pinagtitinginan na kami ng mga staff dito.
"Bitawan mo'ko! Huwag mo'kong masali-sali sa mga kalokohan mo!" sabi ko at inagaw ang braso ko.
"Hindi mo alam ang pauwi, please let me take you home," He offered.
"No thanks, malaki na'ko at kaya ko ang sarili ko," sabi ko at tumalikod na sa kaniya.
Kaagad na nakita ko mula sa malayo sina Aldrin at Dianne kaya nanlaki ang mga mata ko.
Tumalikod kaagad ako at kaagad na pumulupot sa braso ni Finn. Mukhang nakita niya rin sina Aldrin at Dianne.
"Come this way," sabi niya. Mukhang pupunta kami ng parking lot dahil nandoon ang kotse niya. Nang nasa parking lot na kami ay bumitaw na'ko kaagad sa kaniya.
"Thank you," sabi ko at naglakad na paalis.
"Where are you going?" He asked.
"Uuwi alangan," sabi ko. Plano ko sanang dumaan sa parking lot palabas.
"Only cars can go out there, if you want to go out in this building you can go back there and go through the main exit where Aldrin and Dianne are or you can ride with me and I'll take you home," He said. Mukhang wala akong ibang choice kaya sumakay na'ko sa kotse niya. Abot langit naman ang ngiti niya.
"Tigilan mo 'yang kakangiti mo kung ayaw mong bumaba ako rito," panghahamon ko.
"Then go," sabi niya na ikinagulat ko. Nilingon ko siya dahil doon.
"Just kidding." Pinaandar na niya ang kotse niya habang nakangiti nang malaki.
Mukhang mahaba-haba pa ang byahe kaya tumingin na lang ako sa bintana at tahimik lang kaming dalawa. At dahil din sayang ang pinunta ko rito dahil kumain lang naman ay tinanong ko siya dahil na rin nacu-curious ako kung bakit niya akong gustong maging fake girlfriend. I know he has reasons.
"Bakit mo ako gustong maging fake girlfriend? Ano'ng rason mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin ako sa bintana. Ramdam ko ang paghinga niya bago magsalita.
"My parents want me to have an arranged marriage, they want me to marry the girl that I didn't like or the girl that I didn't even know, They did it of course because of money and connections and I don't like it. I don't want them to control my life," He answered.
"Kaya ito ang napili mong solution? ang magkaroon ng fake girlfriend para tigilan na nila ang ginagawa nila sa'yo?"
"Yeah,"
"P-paano kung mapahamak ako? Or kami na mga magiging fake girlfriend mo? You said that the reason that they did this because of money and connection, and with that I know that you're already rich dahil halata pa lang sa hitsura mo ngayon, paano na lang kung may gawin silang masama sa'kin? Or sa magiging fake girlfriend mo para lang mawala kami sa buhay mo at matuloy ang balak nilang ipakasal ka sa iba," sabi ko at tiningnan siya. Nago-overthink na naman ako kahit na hindi pa naman nangyayari.
"I know that I'll keep you safe, no need to worry with that, I'm not going to do this if I know that somebody might get hurt," He said.
"Paano ka nakakasiguro na maililigtas mo kami?" tanong ko.
"Because you're the one who'll save me and that's enough reason to protect you," He answered.
"Atsaka what do you mean na kami? Hindi naman ako kukuha ng maraming babae na makakasama mong magiging fake girlfriend ko--" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako.
"It's not what I mean! Kaya lang ako nagkakami kasi nagdadalawang isip pa'ko kung papayag ako o hindi, kapag hindi ako pumayag maaari kang mamili ng iba na magiging fake girlfriend mo kaya ginagamit ko 'yung word na 'kami', gets?!" naiinis na sabi ko.
"Okay, got you," natatawang sabi niya. Hindi rin nagtagal ay sumeryoso siya.
"Please help me Elicia. I know you'll help me because we're both the same. I can help you with Aldrin and Dianne and you can help me with my parents. And you said that I'm not your type and not to offense but you're not my type too and we can't love or like each other since you're still in love with Aldrin and--" Pinutol niya ang sasabihin niya at huminga nang malalim.
"I am in love with someone else too," nakangiting sabi niya.
"Trust me Elicia, you need me and I need you. We need each other," dugtong niya pa
"But what will you do if I fall in love with you? Or maybe we'll fall in love with each other," wala sa sariling sabi ko. Nang matauhan ako ay pati ako ay nabigla. Halata naman kay Finn na nabigla rin siya at hindi alam ang sasabihin.
"Sorry, nago-overthink na naman ako," sabi ko at hinampas ang noo ko.
Mygosh Elicia ano'ng kahihiyan ba ang pinagsasabi mo?!
"I know you're not gonna fall in love with me because there's someone else in your heart and I know that you really love Aldrin that's why it will not be easy for you to move on," He said.
"Wow, thank you sa pagsabi ng katotohanan na hindi kaagad ako makaka-move on sa kaniya, laking tulong ah grabe," sabi ko. Natawa naman siya dahil doon. Umiwas ako ng tingin dahil nakaka-attract ang tawa niya dahil nakikita ang mga puti niyang ngipin at dimples. Makikita rin ang paggalaw ng adam's apple niya tuwing tumatawa siya.
"But if you fall in love with me, I'll take the full responsibility," He said.