Pinag-isipan ko ang sinabi ni Finn. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Dapat kasing pag-isipan ko nang maigi ang papasukin ko.
Nandito ako sa bahay ampunan kung saan ako lumaki.
"Ate Elicia!" Kaagad na nagtakbuhan ang mga batang nasa bahay ampunan nang makita ako. Dahil nga sa rito na'ko lumaki sa bahay ampunan ay may ibang narito ang nakakakilala na sa'kin.
Binitawan ko ang bitbit kong regalo at mga pagkain para sa kanila at umupo ako dahil maliliit sila at ibinuka ang kamay ko upang yakapin sila. Niyakap ko sila nang mahigpit kahit na kakapunta ko lang dito nung nakaraang linggo. Pamilya na kasi talaga ang turing ko sa kanila kaya ganito ko sila tratuhin.
"Oh siya tama na 'yan. Pagod pa ang Teacher Elicia niyo dahil sa byahe kaya iwan niyo muna siya," pagsasalita ni Mother Lily kaya humiwalay na'ko sa pagkakayakap sa kanila at tumayo habang nakangiti kay Mother Lily.
"Dalhin niyo na rin sa loob ang bitbit ni Ate Elicia niyo," sabi ni Mother Lily kila Martin at Adonis. Sila ang pinakamatandang lalaki na nandito sa bahay ampunan at matagal nang hindi pa naaampon. Parehas na silang 16 years old.
"Paghati-hatian niyo ang pagkain at mga damit na binili ko riyan," nakangiting sabi ko sa kanila.
"Opo Ate Elicia, salamat po sa pasalubong," sabi ni Martin. Hinawakan ko naman ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.
"Walang anuman," nakangiting sabi ko at sinundan sila ng tingin habang paalis sila. Makita ko lang sila na nakangiti kahit sa maliit na bagay lang na bitbit ko ay napapagaling na nila ang puso ko.
Parte na talaga sila ng puso at pagkatao ko dahil wala naman akong ibang pamilya at wala akong ibang kasamang lumaki kundi sila. Naalala ko pa noon na maliliit pa sila at ako ang nag-aalaga sa kanila kaya itinuturing din nila ako bilang ate nila.
Buti nga kahit matagal akong nawala para ipagpatuloy ang pangarap ko ay itinuturing pa rin nila akong ate nung bumalik ako sa bahay ampunan at hindi nila ako kinalimutan kaya nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para magkaroon sila ng pangarap at suportahan silang abutin ang mga iyon dahil parte na sila ng buhay ko.
"Oh halika na sa loob at alam kong pagod ka pa," wika ni Mother Lily kaya natauhan ako. Muli akong ngumiti at niyakap siya nang makalapit ako sa kaniya.
"Kumusta ang trabaho? Ayos ka lang ba? Kumusta naman kayo ni Aldrin?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at ramdam ko ring masaya siya na makita ako. Alam din ni Mother Lily ang tungkol sa'min ni Aldrin dahil na rin sa tagal namin ni Aldrin at para na rin niya akong anak kaya lahat ng nangyayari sa'kin ay ikinukwento ko sa kaniya sa tuwing bumibisita ako rito noong tinutupad ko ang pangarap ko at nag-aaral sa malayo.
Ngayong nakatapos na'ko at may trabaho na dinadalasan ko na ang pagpunta ko rito tuwing may free time dahil wala naman akong ibang pupuntahan dahil wala naman akong kaibigan na pwedeng pag-bondingan at wala akong ibang maisip na puntahan dahil ayokong gumastos dahil nag-iipon ako para sa future ng mga bata.
Nang hinigpitan ko ang yakap kay Mother Lily ay alam kong alam na niya kung ano'ng nangyari. Nagsimulang tumulo ang luha ko at naramdaman iyon ni Mother Lily kaya hinaplos niya ang likod ko.
"Shh sige lang iha, umiyak ka lang. Darating din ang araw na magiging maayos ka rin. Tatagan mo lang ang loob mo at manalig ka sa Diyos dahil papagalingin ka niya," wika ni Mother Lily.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap sa kaniya. Nang makita niya ang luha ko ay pinunasan niya ang luha ko. Ramdam ko rin ang pagkalungkot niya para sa'kin.
Hinila niya ako papasok sa bahay ampunan. Pumunta kami sa palaruan dito sa bahay ampunan kung saan ay mayroon itong malaking space na napapaligiran ng maliliit na grass at pinaglalaruan ng mga bata na narito. Ngumiti ako nang makitang masayang naglalaro ang mga bata.
Umupo kami sa bench kung saan nakikita namin ang mga batang naglalaro. Nang makita nila kami ay kumaway sila sa'min kaya kumaway rin kami pabalik at nagpatuloy rin sila kaagad sa paglalaro.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Mother Lily.
"Nakipaghiwalay po siya sa'kin at nalaman ko lang po kagabi na kaya niya po ako hiniwalayan dahil may iba po siya at dalawang taon na po niya kaming pinagsasabay," sabi ko habang nakangiti nang mapait. Ayoko kasing makita ako ng mga batang umiiyak kaya pinipigilan ko ang sarili ko.
"Hindi ko lang po maintindihan kung bakit niya iyon nagawa. Binigay ko naman po ang lahat sa kaniya. May isang bagay lang po ako na hindi kayang ibigay sa kaniya at tingin ko ay iyon po ang dahilan kaya niya ako hiniwalayan pero hindi naman po ata iyon sapat para hiwalayan niya ako 'diba?" dugtong ko.
"Ano ba ang bagay na hindi mo maibigay iha?" tanong ni Mother Lily.
"Yung virginity ko po." Tumingin ako kay Mother Lily.
"Mali po ba ang ginawa ko? Dapat po ba na ibinigay ko sa kaniya ang hinihiling niya?" muling naiiyak na tanong ko. Kaagad na umiling si Mother Lily.
"Tama lang ang ginawa mo Elicia, karapatan mo iyon at desisyon mo iyon bilang isang tao. Siya itong mali para hingin ang virginity mo. Huwag mong hahayaan na may ibang lalaki ang magpapabago ng desisyon mo at pipilit sa'yo na isuko ang virginity mo dahil ikaw lamang ang may karapatan diyan at kung iyon ang naging dahilan kung bakit siya nagloko at kung bakit ka niya iniwan, siya ang may mali at hindi ikaw, ang dapat gawin sa mga taong gano'n ay kalimutan na dahil sila ang taong maaaring sumira sa buhay mo," mahabang sabi ni Mother Lily.
"Huwag kang maniniwala sa kanila kapag sinabi nila na dapat may mangyari sa inyo para lamang mapatunayan na mahal niyo ang isa't isa dahil hindi roon nasusukat at hindi lamang iyon ang daan upang maiparamdam ang pagmamahal sa isang tao. Kung magbubulag-bulagan sila na makita ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanila sa ibang paraan at naghahanap pa sila ng mas higit doon, nasa kanila ang mali at wala sa'yo kaya huwag mong sisihin ang sarili mo na ikaw ang may kasalanan dahil tama lamang ang ginawa mo," dugtong niya pa. May kapiranggot na luha na tumakas sa mga mata ko dahil sa sinabi ni Mother Lily. Masarap sa pakiramdam na pinaparamdam niya sa'kin ang halaga ko bilang isang babae.
"Hindi niya po maintindihan na ready po akong ibigay ang virginity ko kung sakaling ikasal kami at mag-isang dibdib. Well buti naman po hindi kami kinasal dahil sa simpleng bagay lang na hindi ko maibigay ay nagloko na siya," sabi ko at pilit na tumawa. Pinunasan ko rin ang luha na tumakas sa mga mata ko.
"Pero masakit din po kasi nabawasan po 'yung pangarap ko. Marami po kaming pangarap na sabay na ipinlano pero nawala po lahat ng iyon dahil sa kaniya. Pero okay naman po iyon dahil makakapagpokus na ako sa mga bata sa ampunan," wika ko.
Hinawakan ni Mother Lily ang kamay ko.
"Huwag mo nang isipin ang pangarap niyo Elicia, pati na rin ang pangarap mo para sa mga bata rito sa ampunan. Dahil mahihirapan ka kapag nagkaroon ka ng pamilya at patuloy mo pa rin silang sinusuportahan. Hayaan mo ang ibang tao na tulungan ang mga bata rito sa ampunan na matupad ang mga pangarap nila. Maraming tao ang maaaring mag-ampon sa kanila. Hindi mo na kailangan pang intindihin sila. Ang kailangan mong intindihin ngayon ay ang pangarap mo. Kung nasira ang pangarap mo edi muli kang bumuo ng sarili mong pangarap na hindi mapipigilan nino man. Magkakapamilya rin ang mga batang narito at hindi natin mapipigilan iyon. At alam ko ring magiging masaya ka kapag nagkaroon na sila ng pamilya na mag-aalaga at magmamahal sa kanila kaya magpokus ka rin sa sarili mo. Ang dahilan kaya kita sinuportahan na matupad ang pangarap mo ay dahil gusto kong dumami pa ang pangarap mo,"
"Hindi porket ay natupad mo na ang pangarap mong maging guro ay titigil ka nang mangarap para sa sarili mo. Ito na ang panahon para rumami ang pangarap mo at tuparin ang mga iyon na siyang magpapasaya sa'yo," dugtong pa ni Mother Lily.
"Pero isa po sa mga pangarap ko ay ang matulungan po silang matupad ang mga pangarap nila at iyon po ang makakapagpasaya sa'kin," wika ko. Tinutukoy ko ang mga batang nasa ampunan. Bumitaw si Mother Lily sa kamay ko at humarap sa mga batang naglalaro.
"Naalala ko 'yung mga panahong gan'yan ka palang kaliit. Ikaw 'yung pinakamakulit na bata noon." Tumawa si Mother Lily habang inaalala ang kakulitan ko.
"Ikaw rin 'yung pinakamasiyahin na bata, ikaw 'yung maraming pangarap. Ikaw 'yung batang minahal ko at itinuring ko bilang isa kong tunay na anak." Tumingin sa'kin si Mother Lily at ngumiti at muli ring ibinalik ang tingin sa mga bata.
"Ikaw rin 'yung pinakaiyakin at sakitin. Kaya hindi ako matahimik kapag nagkakasakit ka," wika niya.
"Pero gumagaling ka kapag nagkakasakit ka, muli kang ngumingiti kapag nalulungkot ka at kapag nasusugatan ka ay naghihilom ang sugat mo, katulad ngayon ay nasasaktan ka dahil may sugat ang puso mo dahil sa ginawa ni Aldrin pero darating ang araw na gagaling din 'yan. At kapag dumating ang araw na iyon ay magbabago ang pangarap mo. Darating ang araw na kahit gusto mong tulungan ang mga bata sa ampunan, makakalimutan mo rin silang tulungan dahil sa dalawang posibleng bagay. Una, dahil may obligasyon ka na kaya mawawalan ka na ng oras na tulungan sila at pangalawa ay may tutulong sa kanilang ibang tao na makakapagbago ng buhay nila," wika ni Mother Lily.
"A-ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Ang ibig kong sabihin ay darating din ang araw na makakalimutan mo si Aldrin at muling titibok ang puso mo sa ibang tao at kapag dumating ang araw na iyon ay magkakapamilya ka at magkakaroon ka ng obligasyon na unahin ang pamilya mo kaysa sa mga batang narito sa ampunan at hindi ko sinasabing masamang pangyayari na makakalimutan mo ang mga bata sa ampunan dahil sa obligasyon mo sa magiging pamilya mo, may ibang tao na tutulong sa kanila kaya hindi mo na kailangan pang mabahala sa kanila dahil katulad mo ay kailangan din nilang maging matatag at matiyaga upang maabot ang mga pangarap nila. Lahat ng nangyayari ay may rason. Tatatag sila katulad mo at kapag tumatag sila ay maaabot nila ang mga pangarap nila katulad mo kaya kailangan mo ring mangarap para sumaya ka sa buhay mo," mahabang wika ni Mother Lily.
"Pero kung iyan talaga ang gusto mo, ang tulungan ang mga bata sa ampunan ay hindi kita pipigilan. Sapat na ang maging parte ng buhay nila Elicia at magiging parte ka nila ng buhay nila dahil sa magiging pagtulong mo at sapat na 'yon para manatili ka sa buhay nila at hindi ka nila makalimutan. Sapat na ang kabutihan ng puso mo para sa mga batang ito kaya oras na para ramihan mo pa ang pangarap mo at mas sumaya pa sa buhay," nakangiting sabi ni Mother Lily.
Sa bawat salitang binibigkas ni Mother Lily ay wala akong makitang mali sa mga salita niya.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang gumaan ang puso ko at tila ba'y nawala ang bigat na nararamdaman ko. Grabe talaga ang itinutulong ng mga salita niya sa'kin. Totoo nga ang kasabihan nila na Words are powerful.
"Maraming salamat po Mother Lily, salamat po dahil binigyan niyo po ako ng kalayaan na mangarap at maging masaya," wika ko.
"Hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan, pasalamatan mo rin ang sarili mo dahil ikaw ang tumupad at kumilos para maging tunay ang pangarap mo. Naging instrumento lang ako sa pangarap mo," sabi ni Mother Lily.
Malaki pa rin ang ngiti ko kahit na humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. May kinuha ako sa bag ko at sobre iyon na may lamang pera galing sa sahod ko.
"Gamitin niyo po ito para po dalawa na po tayo ang maging instrumento ng mga bata sa ampunan para po matupad nila ang pangarap nila." Ibinigay ko ang sobre na hawak ko at kaagad iyong tinanggihan ni Mother Lily dahil sa tingin ko ay mukhang alam na niya na pera ang laman ng sobreng ito. Kaagad siyang umiling at akmang magsasalita ngunit pinigilan ko siya.
"Kayo na po ang nagsabi na pwede po akong maging parte ng buhay nila sa pamamagitan ng pagtulong kaya po tatandaan ko po iyon at ito po ang daan upang matupad po ang tungkulin ko," nakangiting sabi ko.
Walang nagawa si Mother Lily kundi ang tanggapin ang sobre.
"Hindi ako nagkamaling palakihin ka nang mabuti," wika niya.
"Siyempre po mabuti rin kayo sa'kin eh kaya hindi po talaga kayo nagkakamali," nakangiting sabi ko.
"Sige po makikipaglaro po muna ako sa mga bata," dugtong ko pa. Nakangiti namang tumango si Mother Lily.
Para akong bata na nakisali sa mga bata sa ampunan na makipaglaro at sinigurado kong lalabas ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi habang nakikipaglaro sa'kin.
Nakisali na rin ang iba at tawa at hagikhik namin ang tumatak sa utak ko. Napaisip ako na may iba pa pala akong pwedeng gawin para sumaya at matulungan ang sarili ko na makalimutan si Aldrin.
Dumating na ang gabi at kailangan ko nang magpaalam at umuwi dahil may pasok akong muli kinabukasan.
Nang malapit na'ko sa bahay ay nagtaka ako nang makita ang isang lalaki sa tapat ng bahay ko. Pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay ko at mga tambay sa'min dahil sa suot niyang pangmayaman.
Nang makalapit pa'ko ng kaunti ay namukhaan ko si Finn kaya nanlaki ang mga mata ko at nagmadaling naglakad papunta sa kaniya. Nang makalapit siya ay magsasalita pa sana siya ngunit hinila ko na siya palapit sa pinto at nang mabuksan ko ang pinto ay kaagad ko siyang itinulak papasok ng bahay at kaagad din akong pumasok at sinarado ang pinto.
"Bakit ka ba nandito? Atsaka paano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko sa kaniya.
Kahapon kasi ay sa kanto lang ako nagpahatid dahil medyo delikado na kung ipapasok niya pa ang kotse niya rito sa eskinita namin.
"I followed you yesterday," sabi niya habang nililibot ang tingin sa bahay ko.
"Wow stalker ka na rin pala," sabi ko at ibinaba ang bag ko. Hinubad ko na rin ang sandals na suot ko dahil masakit na ang paa ko.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Ano bang pakialam mo at bakit mo pa tinatanong?" mataray na sabi ko.
"I really don't understand you, yesterday you're in a good mood before you went home then now you're in a bad mood again," Finn said.
"Sino ba namang magiging good mood eh bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa tapat ng bahay ko?! At saka hindi mo ba alam na hindi safe rito? Nakita mo ba 'yung tingin sa'yo ng mga tambay kanina ha?! Paano na lang kung may gawin sila sa'yo?!" tanong ko.
"So you're concern about me?" He asked.
"Talagang concern ako dahil kapag may nangyari sa'yong masama edi madadamay pa'ko," sabi ko at hinubad na ang palda na suot ko. Kaagad siyang tumalikod kaya nainis ako.
"Tingnan mo napakabastos kinakausap tapos tumatali--" Naputol ang sasabihin ko nang ma-realize ko ang ginawa ko. Hinubad ko ang palda ko sa harap niya!
Gusto kong umiyak at magpalamon na lang sa lupa. Buti na lang at naka-cycling shorts ako. Muli kong sinuot ang palda ko at nagmadaling pumasok sa kwarto ko. Nabangga ko pa siya habang nagmamadali. Nang makapasok ako ay ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko at kaagad na pumuntang kama at humiga. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan ko at sumigaw dahil sa kahihiyan.
Halos bugbugin ko na ang unan ko dahil sa kahihiyan. Ilang sandali lang nang matauhan ako ay nagbihis na'ko at huminga muna nang malalim bago lumabas at harapin siya.
Uminom muna ako ng tubig at umupo sa upuan sa harap ng lamesa bago siya hinarap.
"Don't worry I didn't see anyth--" Naputol ang sasabihin niya nang pabagsak kong nilapag sa lamesa ang baso ko. Kaagad naman siyang tumahimik.
"S-so bakit ka nandito?" tanong ko.
"I need your answer right now, we don't have time," He said at lumapit sa lamesa at umupo rin sa harap ko.
"But I need time," I said.
"My parents are already taking actions para mapabilis ang kasal ko, please I need your help." Hinawakan niya ang kamay ko at kaagad ko rin iyong binawi.
"Then find someone else," sabi ko. Ayokong ma-pressure dahil hindi ko alam ang kakalabasan sa gulong papasukan ko kung sakaling mag-agree ako sa gusto niya.
"I'll help you to make their lives better," He said. Nagtaka naman ako.
"What do you mean?" tanong ko.
"You went to the orphanage right?" tanong niya kaya kaagad akong napatayo.
"Sinusundan mo ba'ko ha?! Talagang tinotoo mo ang sinabi ko na stalker ka?! May patanong-tanong ka pa kung saan ako galing tapos sinusundan mo pala ako?!" galit na sabi ko.
"I'm sorry but I'm desperate!" Tumayo na rin siya at hinampas ang lamesa dahilan para magulat ako at makaramdam ng takot.
"I'm sorry. I didn't mean it--"
"Umalis ka sa bahay ko, I don't need your help, I don't need you to forget Aldrin or even to take revenge on him. Hindi kita kailangan na tulungan ang mga bata sa ampunan dahil kaya ko silang tulungan," wika ko.
"It's nice to meet you Finn but I want you to get out of my house," I said.
Napayuko siya at tumango. Halata sa mukha niya na nawalan siya ng pag-asa.
"Sorry for bothering you," wika niya at umalis na.
Hindi ko alam pero nalungkot ako na makita ang reaksyon niya. Mukhang desperado talaga siya na magkaroon kami ng fake relationship para lang matigil ang mga magulang niya sa kagustuhan nilang ikasal siya sa taong hindi niya gusto.
Bigla namang pumatak ang ulan kaya kaagad kong naisip si Finn dahil wala siyang dalang payong at malayo pa ang lalakarin niya papuntang kanto kung nasaan ang kotse niya. Lumakas din ang ulan kaya nataranta ako.
Kumuha ako ng dalawang payong sa kwarto. Isa sa'kin at para sa kaniya at kaagad na lumabas ngunit pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya na nakaupo sa tapat ng bahay. Narinig niya ata ang pagbukas ng pinto ng bahay ko kaya napalingon siya at nang magtama ang tingin namin ay napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya sa pisngi niya bago pa man sakupin ng ulan ang buong mukha niya at mas nataranta ako nang mawalan siya ng malay.