"Ang gusto ko lang na mangyari ay sabihin mo kay Mrs. Camilla na lahat ng sinabi mo sa kaniya ay kasinungalingan lang at hahayaan ko kayo ni Aldrin. Kung hindi mo 'yon magagawa ay wala na'kong choice kundi ang bigyan si Aldrin ng second chance since alam ko namang kapag nakipagbalikan ako sa kaniya ay magbabago na siya at mamahalin na niya ako ng totoo," wika ko. Nagsisinungaling ako sa part na babalikan ko si Aldrin at kapag binalikan ko siya ay magbabago na siya at mamahalin ako ng totoo dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman talagang intensyon ni Aldrin na balikan ako dahil lang sa gusto niyang magbago. Alam kong ang tanging pakay lang ni Aldrin ay ang katawan ko at ang hitsura ko kaya kahit kailan ay hinding hindi ko na siya babalikan pa. Hindi na'ko maniniwala sa kaniya at magpa

