"Bigyan niyo na lang po kami ng mga specialty niyo po rito, good for 2 person," nakangiting sabi ko sa manager nitong restaurant. "Sige po Maam, tawagin niyo na lang po ulit ako kung may kailangan kayo," nakangiting wika ng manager nitong restaurant bago umalis. "So, bakit mo naisipang sabihin sa Mom ni Finn ang mga bagay na 'yon? Ano ang gusto mong mangyari?" tanong ko sa kaniya dahilan para mapangiti siya. "Simple lang, gusto kong bumagsak ang pinaplano niyo. Alam ko ang pinaplano niyo laban sa Mom ni Finn. Alam kong gusto siyang ipakasal ng Mom niya sa iba at sa tingin ko ay ang pakikipag-fake relationship niya sa'yo ang naisip niya para matigil iyon and congrats dahil natigil niyo ang forced marriage ni Finn pero hindi rin iyon magtatagal dahil mamayang gabi, kapag nakipag-meet ul

