Maaga akong nagising at naghanda sa sarili ko para 11 pa lang ay nandoon na kami ni Edward sa restaurant dahil mas mabuting maaga kami kaysa late. Tinext ko si Edward na sunduin niya ako rito ng mga 10:30 para 11 sakto ay nandoon na kami. Nagulat din ako nang malaman ko na ni-rent ni Edward ang buong restaurant dahil sabi niya ay kailangan daw namin ni Dianne ng privacy para mag-usap kaya wala na'kong nagawa. tatlong oras lang naman daw niya ni-rent 'yung restaurant kaya sapat na siguro ang oras na'yon para makapag-usap kami ni Dianne nang maayos. Pagkatapos kong maghanda ng sarili ko ay sinigurado kong nalagay ko sa bag na dadalhin ko ang folder at ang cellphone na gagamitin ko na may video ni Aldrin. Medyo malaking bag ang dinala ko para magkasya ang folder at ang cellphone dahil iyo

