"H-hindi mo na ako kailangang ihatid Finn, magpapasundo na lang ako," wika ni Dianne. Nakaalis na ngayon si Mrs. Camilla kasama ang mga bodyguard niya at nandito na kami ngayon sa labas nitong restaurant. "Okay, hihintayin na lang muna namin ang sundo mo bago kami umalis," wika ni Finn dahilan para kaagad na umiling si Dianne at makaramdam ng hiya. "N-no it's okay, sandali lang naman 'yon at maya-maya rin ay nandito na'yon," wika ni Dianne. Feel ko ay nahihiya siya kay Finn dahil sa ginawa niya ngayon na pagsumbong kay Mrs. Camilla ng about sa'min ni Finn. Tumango na lang si Finn para umagree sa kaniya. "Kung gano'n ay mauuna na kami," wika ni Finn kaya tumango si Dianne. Mukhang nagmamadali na rin kasi si Finn dahil nga sa emergency kaya hindi na niya pinilit pa si Dianne at mukhang a

