Bumukas ang office ni Finn at si Cole ang sumalubong sa'kin pagkabukas nito. "I thought susunduin ka ni Finn?" Cole asked. Ngumiti naman ako. "Susurpresahin ko sana si Finn eh para hindi na siya pumunta pa sa bahay ko dahil alam kong pagod pa siya kakatrabaho. Nasaan nga pala siya?" tanong ko pabalik. "He's in the meeting, matagal pa 'yon bago matapos dahil kakaumpisa lang no'n. And after that meeting ay maghahanda na siya para sunduin ka sana at sabay na kayong pupunta sa birthday party ni Edward," sabi ni Cole. "Then why are you here? Hindi ba dapat ay kasama ka niya?" tanong ko. "Kinuha ko lang tong files na kailangan niya." Pinakita sa'kin ni Cole ang folder na hawak niya. Tumango naman ako. "You can wait at his office dahil baka matagalan pa siya ro'n," sabi pa ni Cole. "Okay,

