After nung gabing 'yon ay hindi kami muling nagkita pa ni Finn dahil nga busy siya sa company nila pero patuloy pa rin ang pag-arte namin sa pamamagitan nang pagte-text namin sa isa't isa sa cellphone kong na-hack. Bakasyon na rin naming mga teachers kaya wala na'kong pasok. Friday ngayon at bukas na ang birthday ni Edward kaya pumunta ako ngayon sa bahay ampunan para kausapin ang mga bata pati na rin si Mother Lily at sinabi ko sa kanila ang plano ko na surpresahin namin si Edward sa linggo para sa birthday nito. Kaagad na na-excite ang mga bata pati na rin si Mother Lily at napag-usapan namin na sila na ang bahalang mag-decorate sa bahay ampunan para sa surprise namin kay Edward habang ako naman ang bibili ng mga gagamitin pang-decorate at mga kakailanganin para sa lulutuin namin ni Mo

