Habang nagkakamustahan kami ni Nica ay may ibang kumausap kay Finn dahilan para mapahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay hindi na siya nakakapit sa bewang ko. "Krystal is here kaya dapat ay ipakita niyo ni Kuya na kayo talaga ang para sa isa't isa para malaman din ng mga tao sa paligid natin na mas bagay kayo ni kuya," bulong ni Nica sa'kin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Krystal ngunit hindi ko siya mahanap. May kumausap kay Nica dahilan para lumayo ako kaunti para makapag-usap sila nang maayos. Ako na lang tuloy mag-isa ngayon kaya nakakakaba. May dumaang waiter na may bitbit na wine na nakalagay sa glass wine kaya kumuha ako no'n para kahit pa paano ay hindi ako mukhang tanga na nakatayo lang sa gilid. May ibang nandito ang nakatingin sa'kin na mukh

