CHAPTER 8 “Ang ganda ng shot n'yo!” Mabilis akong lumayo sa kanya. Napahawak ako sa aking labi, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Did we really kiss? Nung nagbayad na siya at binigay na sa amin ang Polaroid photo ay doon ko na napatunayan na totoo nga ang halik na nangyari. Nagmukha akong tanga sa picture! Nanlalaki ang mga mata habang siya ay nakapikit pa. Ang ganda pa naman sana ng view, tapos ako mukhang tanga. I think he was satisfied with the scenery. Umuwi lang din kami kalaunan. Pero ang sabi ko sa kanya ang hindi na ako sa bahay magpapahatid, doon na sa trabaho ko. Tutal ay gabi na rin naman at ilang oras na lang ay duty ko na doon na lang ako magpapahatid sa kanya. May cafe naman sa labas kaya pwedeng doon muna ako tumambay.

