CHAPTER 7

1420 Words
CHAPTER 7 Para hindi na lumala pa, hinayaan ko na lang sila. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at umakyat na sa kwarto ko para makapagpahinga na. Nagpalit lang ako ng kama at dumiretso na ng tulog sa aking kama. Hapon na nang magising ako. I decided to chat him. Hindi ko maiwasang mapatingin sa sa mga pinopost niyang videos sa account niya. Parang everyday may upload siyang video tungkol sa mga ganap niya sa buhay. Usually ay nasa gym siya. Minsan din kapag nagluluto o kaya ay kumakain siya. Ang dami niyang fans! He's really famous. “Hi, kailan ang simula ng pagiging assistant ko sa’yo? Kailangan matapos agad ‘to para mabura mo na ‘yang video natin sa cellphone mo.” Nang isend ko iyon ay muli kong tiningnan ang mga video niya. Tiningnan ko ang isang video niya kung saan nagluluto siya ng pagkain. Wala pa siyang suot na damit at tanging apron lang ang nakatakip sa kanyang damit. Matagal na ang video na ‘yon, nasa ibang bansa pa siya. Natapos kong panoorin ang nasa apat na minutong video niya. At ang panghuli ay natapon ang juice niya sa kanyang katawan. At nakakaakit iyong tingnan! Binasa ko rin ang mga comment at parehas kami ng napansin. Nagulat ako nang biglang tumambad ang reply niya. I accidentally liked the video! “Tang ina! Tang ina! Tanga ka, Danica!” Mabilis kong binawi iyon pero huli na ang lahat. Alam kong nakita na niya! “Done stalking me? You liked my video. Gusto mo ng wala akong suot na damit?” Namula ang buong mukha ko sa reply niya. Nakakahiya ka, Danica! “Napindot ko lang! 'Wag kang feeling d'yan! Hindi naman maganda ang katawan mo! Wala akong pakialam kung natapos pa 'yong juice sa damit mo!” Nagsisinungaling na naman ako! “So you finished the video? Marami pa ako d'yan, you can watch it. May iba pa akong hindi na-uupload. Wanna watch it?” Muntik ko ng maitapon ang cellphone ko nang magsend ng picture ang tang ina. It was a photo of him, a mirror shot. Kinakagat niya ang dulo ng kanyang suot na itim na sleeveless habang mariing nakatitig sa salamin. Ang sarap! Ay! “Danica, anong masarap!” sinampal ko pa ang sarili ko. Why did he send it to me! “Sa'yo na 'yong mga katawan mo! So, kailan nga ang simula? Para makapaghanda na ako.” I kept on looking at his videos. Ang isang video ay nagdadagan pa ng marami. Naubos ko na yata ang mga video niya kahit nung nasa ibang bansa pa siya. “I'll see you on Friday, Danica. Hahayaan na kitang magdesisyon kung anong oras para makapagpahinga ka pa.” May puso rin pala 'to. “Btw, do you want to see our video?” Hirap kapag sa cellphone lang hindi mo masapok. Kung magkasama lang kami ngayon kanina ko pa 'to nabigyan ng sample na suntok. Dumating ang Friday ng umaga, sinabihan ko siyang sunduin ako by 1 pm. Pero I made sure na sa kabilang bahay siya maghihintay sa akin. 12:30 pm ay palabas na ako ng bahay namin. Naabutan ko ang boyfriend ng ate ko na nasa sala. Nakaupo ito, may hawak na magazine sa kanyang mga kamay. Napaangat siya ng tingin at binaba ang magazine na binabasa nang dumaan ako sa harapan niya. Kapag ganito ay hinihintay niyang bumaba si ate. “Good afternoon, Danica.” he said. Tumango ako. “Good afternoon, JB,” maiksing sagot ko. Nailang ako nang bumaba ang kanyang tingin sa aking hita. Mas pinili ko kasing magsuot ng isang kulay puting high waisted shorts, at isang kulay itim na sleeveless top. I can see how his eyes travelled on my breast. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad para malampasan siya. Nasa labas na si Ambrose at kanina pa naghihintay sa akin. Ayaw niyang tawagin ko siyang ‘tito’, that’s why I decided to call him by his name. Nang lumabas ako sa gate namin ay namataan ko agad ang sasakyan niya sa labas ng bahay ng kapit-bahay namin. I don’t know but every day, I keep on watching his videos. Kapag nakauwi na ako galing sa trabaho, pinapanood ko lagi ang video niya sa tuwing nagpapaantok ako. It became my daily routine, watching his videos. Nakaabang na rin ako sa bawat upload niya. What am I? A fan? Pumasok na ako sa loob ng kotse niya at bumalot agad sa aking ilong ang kanyang mamahaling pabango. “Good afternoon,” bati ko sa kanya. I put my seat belt on. He already sent me the location of the place. Kung saan niya gustong pumunta ngayon. It was a place in Talisay, Negros Occidental called The Ruins. Mahigit tatlong oras ang naging byahe namin bago kami nakapunta sa lugar na ‘yon. During our travel, hinayaan niya lang akong matulog. Sabi niya dapat ay natutulog daw dapat ako. I followed what he said because I know he was right. Kulang na kulang ang tulog ko. Maraming mga tao nang makarating kami sa lugar. Some of them are having a photoshoot for their prenup photos. This mansion was constructed as a testament of his love for his wife. Pero sinunog ito, tatlong araw tumagal ang sunog. Yet even in ruin, its grandeur remains undeniable. The foundations remained intact. Kaya isa ito sa tourist spot dito sa Negros Occidental. This is also my first time coming to this place. And I was mesmerize of how beautiful it is. Nakaawang lang ang aking labi habang nakatitig sa magandang mansion na hanggang ngayon ay maganda pa ring tingnan. Ang tibay ng mga mansion nila nung dating panahon. I saw Ambrose lifted his phone to take a phot. And just like me, he was also speechless to the place. “Ganda, ‘no?” nakangiting tanong ko, nakatuon pa rin ang aking mga mata doon sa mansion. “Yes,” he answered. And when I looked at him, hindi siya nakatingin doon sa mansion. Sa akin siya nakatingin. “Don Mariano Ledesma Lacson built this as a testament of his love for Cora, his wife.” sambit nito at muling tumingin doon sa mansion. I looked at the mansion again. “Ang tibay, ‘no? It feels like this mansion is like his love for his wife. Hanggang ngayon nandito pa rin, ganoon katibay ang pagmamahal niya para sa asawa niya.” sagot ko. Saglit akong sumulyap sa kanya… at nahuli ko na naman siyang nakatitig na sa akin. Limang segundong tumagal ang titig namin sa isa’t-isa. Pero ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Tumikhim ako bago magsalita. Pero parang may bumara bigla sa lalamunan ko. “Akin na ang phone mo, kukunan kita ng video para may ma-upload ka sa mga supporters mo.” Nilahad ko ang aking kamay upang kunin ang phone niya. Nang hindi niya binigay ay ako na mismo ang umagaw sa cellphone niya. it was unlocked already, hinayaan niya akong pakialaman ang cellphone niya. I went to his camera. Iphone pa ‘yong cellphone niya! “Magsalita ka, I will take a video.” Pinindot ko na ang video. “Magsalita kana! Icut mo nalang ang boses ko!” But I know hindi siya masyadong nagsasalita sa mga video niya. Palaging may background music iyon. Kukunan ko nalang siya ng litrato. “Smile! Tingin ka sa akin!” Sinunod niya naman ang sinabi ko. Habang tinitingnan ko ang mga kuha niya ay may lumapit na isang babaeng photographer sa amin. “Hi, ma’am! Gusto n’yo bang magpakuha ng picture? Kayong dalawa ni sir! Tatlong photo po, polariod! For only fifty pesos, ma’am!” “Go, take a picture of us,” napalingon ako kay Ambrose at nasa likuran ko na siya. “Sige po! Pose po kayo d’yan!” Sa unang litrato ay nakangiti lang ako, malaki ang distansya naming dalawa ni Ambrose. Hindi nga magkadikit ang mga braso naming dalawa. “Closer po!” sigaw ng photographer. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. At hindi lang iyon, inakbayan niya pa ako! Sapilitan akong ngumiti sa camera. “Last one po!” I turned to admire the view, only to find him already gazing at me. My breath hitched, and my heart is swelling with a sudden, sweet anticipation. Nang mga sandaling iyon, nasa pagitan ng nakakamanghang tanawin at ng mas nakakamanghang lalaking nasa harapan ko, nagtagpo ang mga labi naming dalawa. Isang halik na kasing ganda ng tanawin mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD