CHAPTER 6

1308 Words
CHAPTER 6 Napalunok ako sa sinabi niya. “Hindi na kailangan ng round two, sa una pa lang hindi na ako nag-enjoy.” matapang na sabi ko. Really, Danica? Hindi ka nag-enjoy? Parang hindi na yata totoo ‘yang sinasabi mo. “Hmm? I can vividly remember how you moaned my name that night, Danica. Kung paano mo kulmutin ang likod ko sa tuwing sinasagad ko ang ar1 ko sa loob mo. Kung paano ka nagmakaawa na kainin ko ang pagkababa3 mo. Hindi ka pa nag-enjoy sa lagay na 'yon?” Nanuyo ang lalamunan ko. Sa bawat bigkas niya ng mga salita ay bumabalik din sa isipan ko lahat ng mga sinabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil totoo naman ang sinabi niya. Sarap na sarap nga ako. Mataas ang kuko ko dahil may nail extensions ako, kaya sigurado akong may marka akong naiwan sa likuran niya. “H-hindi naman talaga ako nag-enjoy!” Hanggang saan aabot ang pagiging matapang mo, Danica? Sige, lokohin mo pa ang sarili mo. Magtapang-tapangan ka pa d'yan. “Ohh, really? Should we go to my house? This time you'll enjoy this.” Why do I feel like he is seducing me with those lips of him? I noticed how he licked his lower lip while staring at mine. What now, Ambrose? Are you trying to seduce me? “Lumalayo na tayo sa pinunta ko rito! Walang ganyan! Sige, papayag akong maging assistant mo. Pero dapat ako ang bibigay ng schedule, ha? May trabaho rin ako at kailangan ko ng pahinga.” mahabang paliwanag ko sa kanya. “What is your job?” he asked and then took a sip on his coffee. “Call center agent ako, kaya dapat nagpapahinga na ako ngayon. Istorbo ka rin sa pahinga ko, eh. Gagawin pa akong assistant, pwede namang burahin na lang ang video, papahirapan pa ako.” pagrereklamo ko. He only laughed. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “My bad, ihatid na lang kita sa bahay mo. Mag-usap na lang tayo sa chat,” he said and then called the waiter to pay. “Ang tagal mo ngang nagreply! Inabot ng siyam-siyam ang message ko bago mo napansin. Dami sigurong babae nito,” pabulong na ang pagkakasabi ko sa huli at hindi ko alam kung narinig niya ba. Pero mukhang narinig yata ng waiter dahil inasar pa kami. “Ang sweet n'yo naman pong magjowa! Bagay po kayo!” kinikilig na sabi ng babaeng waiter. Hilaw akong ngumiti sa kanya at itatanggi na sana na hindi kami magjowa pero naunang nagsalita si Ambrose. “Thank you. He's accusing me of having other women, but it's not true. Why would I even look at other girls when I have her?” he said while smirking. Kung makapagsalita siya parang totoo lahat ng sinasabi niya sa waitress. “Swerte n’yo naman po kay sir, ma’am! Loyal na loyal po sa inyo! ‘Wag n’yo na pong pakawalan si sir, ma’am! Itali n’yo na po!” Napatakip pa siya sa kanyang bibig para pigilan ang kilig niya. Itatali ko ‘yan, itatali ko sa leeg niya hanggang maging kulay violet siya. Nang lumabas kami ng coffee shop ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya. “Grabe ‘yong matatamis na salita na sinabi mo kanina. Gagawin mo lang naman akong assisstant.” singhal ko. “At least we made her happy a while ago.” simpleng sagot niya na walang epekto ang kurot ko. “Uuwi na nga ako. Wala pa akong tulog. Imemessage na lang kita kung kailan ang simula. Dapat makapagreply ka agad! Kung hindi malilintikan ka sa akin!” Nagsimula kaming maglakad. “Parang ako pa ang kawawa sa ating dalawa. Dapat ako ang masusunod, dahil ikaw naman ang nangangailangan.” nakakunot ang noong sabi niya. Nakarating na kaming dalawa sa harapan ng isang kotse na hula ko ay sa kanya kasi tumigil siya. Ako naman diretso lang na naglakad para mag-abang na rin ng taxi. “I’ll give you a ride,” narinig kong sabi nito sa aking likuran. Nagkunwari akong walang narinig at sumipol pa. Sumisipol ako habang naglalakad pero agad din akong napasigaw nang may nagbuhat sa akin na parang isang sako ng bigas. ‘Yong ulo ko nasa likuran niya at ang paa ko naman nasa dibdib niya. “Hoy! Ibaba mo nga ako! Ibaba mo ako!” sigaw ko sabay hampas sa likuran niya. Patuloy ako sa pagpupumiglas sa kanya. Isang kamay lang ang ginamit niya sa pagbuhat sa akin. Sapilitan niya akong pinasok sa loob ng sasakyan niya. “Ilabas mo ako rito!” Umikot siya para pumunta sa driver’s seat. Nakalock na ang pinto at hindi ko na ‘yon mabuksan kahit anong pilit ko. “Akala ko ba makakaalis na ako? Bakit nandito ako sa loob ng kotse mo? Alam mo, magpapahinga pa ako! Wala akong oras sa mga laro-laro mong ganito!” galit na sigaw ko sa kanya nang makapasok na siya sa loob. “Ihahatid kita sa bahay mo. Matatagalan ka kung mag-aantay ka dun. Tell me your address,” mababa ang boses na sabi niya. “Dito na,” sabi ko. Tinanggal ko na ang aking seatbelt. Tumingin siya sa labas. Hindi namin bahay ‘yan, nandoon pa sa tabi. Dito na ako bumaba para hindi siya makita ng mga magulang ko. “Sa inyo ‘to?” tanong niya, nakatingin pa rin sa labas. “Doon pa ‘yong amin. Dito na lang ako bababa, ichichismis ako ng sarili kong nanay kapag doon ako lalabas.” sabi ko. Binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Bago ko sinara ang pintuan ay nagsalita ako. “Salamat nga pala.” Hindi ko na siya hinayaang makasagot at sinara ko na ang pinto. Naglakad ako hanggang sa tapat ng aming bahay. Nang lumingon ako sa sasakyan niya ay hindi pa rin ito umaalis. Kumaway ako sa kanya at tinuro ko na ang gate namin. Narinig ko ang busina ng kanyang sasakyan bago ako pumasok sa loob ng gate. “Saan kana naman galing?” tanong ng ni mama nang makapasok ako sa loob ng gate. Tinitingnan niya ang mga halaman na tanim niya. “May pinuntahan lang po, ma.” maikling sagot ko. Nang hindi niya ako sinagot at tinaasan lang ng kilay ay dumiretso na ako. Nang pumasok ako sa loob ng bahay ay naabutan ko sa sala si ate at ang boyfriend niya. Nakahiga si ate sa kandungan ng kanyang boyfriend. Nung una niyang dinala ang boyfriend niya hindi na ako kumportable doon. Ewan ko ba pero nalalagkitan ako sa mga titig niya sa akin. Nahuhuli ko pa nga siyang nakatitig sa hita ko minsan kapag nakashort ako rito sa bahay. “Grace, nandito na ang magaling mong kapatid.” sumunod pala si mama sa akin. Wala siguro si papa kaya ganyan sila makaasta. Bait-baitan lang naman sila kapag nasa harap si papa. Pero kapag wala ay gusto na akong palayasin dito sa bahay. Wala na silang nakitang tama sa ginawa ko. Nakakatampo nga dahil nung graduation ko, dapat pupunta si papa. Kaso si ate, nakagat ng aso at nagpasama sa kanilang dalawa ni mama at papa. Ang ending, wala akong kasama nung graduation namin. Ako lang ang walang kasama. Inis na inis ako sa kanilang lahat. Dalawang araw akong doon natulog sa kanila ni Coleen dahil sa tampo ko sa kanila. Sinundo pa ako ni papa para pauwiin sa bahay. Kung may sapat na pera lang ako, matagal na akong umalis sa bahay na 'to. Kaso hindi ko pwedeng iwan ang bahay na 'to dahil sa kanila ni mom 'to. Ayaw kong sila ang mag-eenjoy sa mga ari-arian ng tunay kong ina. Kahit itong bahay ay sa kanilang dalawa ni mom. “Lumandi na naman yata, mom.” “Ano pa ba? Mana ‘yan sa malandi niyang nanay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD