CHAPTER 12 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Naghihintay ako na mawala siya sa harapan ko. Na baka guni-guni ko lang na nandito siya. Pero napatunayan ko ‘yon nang kinurot ako ni Coleen sa aking tagiliran. Kasalanan niya lahat ‘to! Kung hindi niya lang inopen ang topic na ‘yon ay hindi sana mangyayari ‘to! Anong gagawin ko? “Iwan ko muna kayong dalawa,” natatawang sabi ni Coleen. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Pagkatapos ng lahat iiwan niya lang ako rito? Siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Tapos kung kailan nahuli na kami iiwan niya ako? Kaibigan ko ba 'to? Dapat nga tinutulungan niya akong makalawa rito. “Coleen, mamaya kana lumabas,” pigil ko sa kanya. “May pag-uusapan yata kayo kaya exit na muna ako. Sa labas na

