CHAPTER 2
Ilang beses kong sinampal-sampal ang sarili ko kasi nagbabakasakali akong panaginip lang ‘yon. Naghilamos pa ako, pero kahit anong gawin ko ay totoo talaga ang lahat ng nangyari. Ang ebedensiya ay ang pagsakit ng aking pagkababa3.
Tigang na tigang ba ako kagabi at binigay ko sa kanya ang virginity ko? Gumamit naman kami ng condom kaya hindi naman ako mabubuntis. He’s prepared, ah? May dala ba namang isang box ng condom at naubos naming dalawa ‘yon.
Wala ako sa aking sarili nang bumaba na ako mula sa kwarto. Mali nga talaga ang napasukan kong kwarto dahil wala doon ang mga gamit ko. Nasa tabi ang kwarto ko at dahil sa kalasingan ko ay sa ibang kwarto ako nakapasok. Nawala tuloy ang virginity ko dahil sa katangahan ko kagabi.
And he is big. Kaya paika-ika akong maglakad pababa ng hagdan. Kahit pangalan niya hindi ko man lang nakuha. Basta-basta na lang akong bumukaka kahit hindi ko kilala ang tao.
Naabutan ko si Coleen na nakaupo sa mahabang sofa nila. May kumot na nakatakip sa kanyang binti at may hawak siyang cellphone. Napaangat ang tingin niya sa akin nang malapit na ako.
“Good morning, Danica. Kung gusto mong kumain may foods na sa dining area,” sambit nito. Pagod akong umupo sa tabi niya.
“Masakit din ba ulo mo? Deserve natin ‘to kasi nagpakalasing tayo kagabi,” natatawang sabi niya. Tumango ako, hindi lang ulo ang masakit, lahat ng parte ng katawan ko masakit. Balak ko sanang magtanong sa kanya kung kaninong room ang nasa tabi ng room ko. Pero kung tatanungin niya ako kung bakit wala naman akong rason na maisip.
“Ang sakit ng hita ko. Grabe ang bembangan naming dalawa nung boyfriend ko,” sabi nito. Sanay na ako na ganyan siya ka-open sa akin. Lahat yata ng nangyayari sa kanilang dalawa ng boyfriend niya ay sinasabi niya sa akin. Kahit bembangan nilang dalawa sinasabi niya sa akin. Kulang na lang gawin niya akong referee.
“Hindi ka makarelate, ‘no? Magpabembang kana kasi!” gusto kong takpan ang bibig niya nang isigaw niya iyon.
“Kailangan talaga sumigaw, ‘teh?” kung alam mo lang na nabembang na ang baby Anne-anne ko kagabi. Ewan ko kung anong kabaliwan ang pumasok sa isip ko at nilagyan ko pa ng pangalan ang pagkababa3 ko. Anne-anne pa talaga, second name ko kasi ‘yan, eh.
“Baka magsara na ‘yang kiffy mo. Jusko, teh, hindi umaatras ang edad natin. Galaw-galaw din at baka may gagamba na ‘yan sa susunod.” Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Kahit kailan puro kabalastugan ang nasa isip ni Coleen.
“Uuwi na nga ako, papagalitan na naman ako ng mga magulang ko.” Mabilis akong tumayo ngunit napangiwi rin agad nang kumirot ang pagkababa3 ko. Napahawak ako sa aking hita habang humihinga ng malalim. Mas malaki pa sa footlong ang pumasok sa akin kagabi kaya nawasak si Anne-anne.
“Hoy! Anong nangyari sa’yo?” nagtatakang tanong niya nang mapansin na hindi ako kumportable sa aking tayo.
“Tang ina! Putangina talaga!” napatakip siya sa kanyang bibig at hindi na natuloy ang sasabihin. Sunod-sunod itong nagpakawala ng malulutong na mga mura.
“Tang ina! s**t ka! May nakapasok na ba kagabi? Alam ko ‘yang mga ganyan kasi dumaan ako d’yan, Danica!” Tumayo na rin ito at tinuro-turo pa ako ng bruha.
“Sino? Sabihin mo kung sa akin kung sino ang nagwasak ng bataan mo!” paano ko sasabihin kung hindi ko nga kilala ang taong ‘yon? Mukha lang niya ang natatandaan ko.
“Mamaya kana umuwi, Danica! Ikwento mo sa akin lahat-lahat dahil mukhang maganda ‘to. Asan na ba si Manang at magpapahanda na ako ng popcorn.” Mahina kong hinampas ang balikat niya. At talagang nagawa pang isingit ang kabaliwan niya.
“Hinaan mo nga ‘yong boses mo, maupo na muna tayo.” aya ko sa kanya. Tinulak ko ang mukha niya nang ilapit niya iyon sa akin. “Lumayo ka nga! Hindi ka naman siguro bingi, ‘no? Kailangang ganyan kalapit talaga?” sarkastikong tanong ko.
Sinimulan kong ikwento sa kanya ang buong nangyari at nakailang hampas ako kay Coleen. Paano ba naman kasi, sigaw nang sigaw ang bruha!
“Gago, ‘yong katabi mong room? Si Ninong Ambrose ‘yon! Kakauwi lang galing America! Good catch din ‘yon, ‘teh! Yummy ‘yon!” Tinakpan ko ang bibig ni Coleen nang sumigaw siya. Gaga talaga ‘to!
“’Wag ka ngang sigaw nang sigaw! Nakalunok ka ba ng speaker?” tsaka, Ninong niya ang nagwasak sa Anne-anne ko? Kaya pala expert na expert kung paano patirikan ang mga mata ko. Huling-huli ang kiliti ko kagabi, eh. Ilang taon na ba ‘yon? Baka pamilyado na?
“Wala bang asawa ‘yon, ‘teh? Baka mamaya maging instant kabit ako nito!” kinakabahang tanong ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang umiling ito sa akin.
“Walang asawa ‘yon, ‘teh. Single na single ‘yon. Hindi ko pala napakilala sa’yo kagabi kasi nung dumating ay hindi na lumabas ng kwarto. Medyo mahiyain kasi. Siguro hindi na nahiya sa’yo kagabi dahil pinasok mo siya sa kwarto niya. Tatanggi pa ba ‘yon, nakahain na nga ang pagkain niya?” Isang hampas na naman ang binigay ko sa kanya.
“Sobrang yummy naman nang nakawasak ng kiffy mo! Kaso ‘yon nga lang umuwi na siya,” sabi nito. Bakit bigla akong nalungkot? Gaga ka ba, Danica? Umuwi na ng America? “Hoy, bakit ka malungkot? Hindi naman sa America umuwi! Nand’yan lang siya sa kabilang bahay. Gusto mo bumati tayo ng good morning sa kanya?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa kanya ‘yong malaking bahay sa tabi? Ilang taon din ‘yong abandonado, ah?
“Wala kasi siyang sinabihan na uuwi siya kaya hindi nalinis ‘yong bahay niya kahapon. Dito na muna siya pinatuloy ni dad,” sambit nito.
Sa lahat ba naman ng pwede kong maka one night stand Ninong pa talaga ng best friend ko?
“Sabihin mo naman sa akin kung ano ang naramdaman mo kagabi? Masarap, ‘no?” wala sa sarili akong tumango sa kanya. Masarap naman talaga. Mauubos ba namin ang isang box ng condom kung hindi masarap?
“Sa wakas nabinyagan kana! Hindi kana tatahimik kapag ganito ang topic ng tropa! Ipagyabang mo na masarap ang nakauna sa’yo! Ilang rounds kayo kagabi? Malaki 'no? Kasinglaki ng ano?” Kumindat pa sa akin ang bruha. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
“Naubos namin ang isang box,” mahinang sabi ko. Muntik ko ng takpan ang tainga ko sa lakas ng sigaw niya.
“Coleen, ‘yong bunganga mo! Tatahiin ko na 'yan!”
Akala niya ba wala kaming kasama rito? Jusko, ang dami nilang mga katulong at nasa paligid lang sila. Tapos ang boses ni Coleen parang kahit sa kabilang barangay ay makakarinig sa boses niya.
“s**t! Ang wild! Kaya pala parang need mo ng wheelchair ngayon, naubos n'yo pala ang isang box! Puntahan natin! May pinapahatid pala si dad na pagkain! Tayo na lang ang maghahatid para makita ka niya ulit!”