CHAPTER 3

1103 Words
CHAPTER 3 “Nahihibang kana ba? Anong pupuntahan? Sira na ulo mo, Coleen!” sigaw ko sa kanya nang tumayo na siya. Naglakad siya papunta sa dining area nila at nakita kong may kinuha siyang isang tupperware doon. Bakit ko haharapin ang lalaking ‘yon? Wala ng alak ang sistema ko kaya malamang mahihiya na ako! Ang kapal-kapal lang naman ng mukha ko kagabi dahil nakainom ako. “Sus! Nahihiya pa siya! Akala mo naman hindi siya bumukaka kagabi kay Ninong,” pang-aasar nito sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. “Halika na! Hindi mo ba gustong makilala ang nakakuha at nakawasak ng kiffy mo?” sabi nito. Dahil mas malaki at mas matangkad sa akin si Coleen ay mabilis niya lang akong nahila gamit ang isang kamay lang. “Coleen, walanghiya ka talaga! Pwede bang ‘wag na muna? Ikaw na lang!” pagmamakaawa ko sa kanya lalo na nang makalabas na kami sa gate nila. “Samahan mo na ako! Ipapakilala kita kay Ninong Ambrose! Kung sino-sino pa ang nirereto ko sa’yo rito ka lang pala sa Ninong ko magbubukas ng hita mo.” Napahilamos ako sa aking palad nang makarating na kami sa tapat na gate. She pressed the doorbell and we both waited for the gate to open. Ang puso ko ang lakas-lakas na ng t***k. “Balik na lang kaya ako sa bahay n’yo? Natatae ako, Coleen!” Inagaw ko ang kamay ko mula sa kanya pero humigpit lang ang kapit niya sa aking pulupulsuhan. “Dito kana tumae sa kanya! ‘Wag mo akong artehan para ‘to sa’yo! Ako na nga ang nagiging kupido sa lovelife mo kasi ilang taon ka ng bakante!” nakangiti nitong sabi. Ilang taon na akong single. Kung nagkajowa man lang ay hindi rin naman tumatagal. Ewan ko ba, kung hindi nagloloko ay nawawalan naman ako ng gana sa kanila. “Kahihiyan na ‘to, Col- Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang bumukas ang gate. Sabay kaming napaayos ng tayo. Tagaktak na agad ang pawis ko nang lumabas na ang isang lalaki. Nakasuot siya ng isang gray pants at itim na t-shirt. Napalunok ako ng ilang beses nang nasa harapan ko na ang lalaking kasama ko kagabi. Galing ba siya sa gym? Tumutulo rin ang pawis sa katawan niya. “Good morning, Ninong! My dad said before he left to work that I should give this to you,” ani Coleen. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa at gusto ko na lang magtago sa likuran ni Coleen sa mga oras na ‘to. Sana kainin na ako ng lupa ngayon din! “Good morning, Coleen. Thank you for this.” Tinanggap niya ang tupperware na inabot sa kanya ni Coleen. Nang tanggapin niya iyon ay siniko ako ni Coleen. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Anong gagawin ko? Tang ina mo! Ngingiti ba ako? Babatiin ko rin ba siya? Ang sarap maging kaibigan si Coleen, ‘no? Ipapahiya ka talaga sa lahat ng bagay! “This is Danica po, best friend ko nga pala, Ninong!” kalahati ng katawan ko ay nakatago na sa likuran ni Coleen. Magpanggap na lang kaya akong puno dito sa harap nila? Ang lakas-lakas ng loob ko kagabi. Tapos ngayon ni hindi ako makatingin sa mga mata niya! “Magsalita ka,” mahinang bulong nito sa akin na sapat lang para kaming dalawa ang makarinig. “G-good morning po, tito,” nauutal na sabi ko. Nautal ka pa talaga, Danica? At anong tito? Lupa, sana lumunin mo na ako ngayon din! Nakakahiya na ang pinaggagaw ako rito! Sana panaginip na lang ‘to! Sana hindi ‘to totoo kasi ito na yata ang pinakanakakahiyang nangyari sa buong buhay ko. “Good morning. How are you, Danica?” para sa akin parang double meaning ‘yong tanong niya. Siniko akong muli ni Coleen. “I’m good po,” maikling sagot ko. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Namamalikmata lang ba ako? O talagang nakita ko na ngumisi siya sa akin? “Natatae ako, wait lang! Iwan ko muna kayong dalawa. Pwede patae sa loob, Ninong?” tanong ni Coleen sa kanya. Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway nang sabihin niya ‘yon. Ano bang pumapasok sa isip nitong si Coleen? Lahat na lang ng kahihiyan sa buhay ginagawa niya. “Sure, sure. Go inside, Coleen. The bathroom is in the right side when you enter the main door.” sagot naman ng Ninong niya. Nang maiwan kaming dalawa ay mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko nga anumang oras ay lalabas na ang puso ko. “Let’s go inside while you’re waiting for Coleen,” sabi nito. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Pumasok na kami sa loob, nakayuko lang ako at sumusunod sa kanya. Napatigil na lang ako sa paglalakad nang mabangga ang noo ko sa isang matigas na bagay. “Hala! Sorry! Sorry po!” sunod-sunod na paghingi ko ng paumanhin nang mabangga pala ako sa likuran niya. Infairness, ang tigas ng likod niya. Nahawakan ko rin kagabi ang abs niya at ang tigas nun! Malaking suki ‘to sa gym! Humarap siya sa akin kaya muli akong napayuko. s**t! Bakit siya lumalapit? Nagulat na lamang ako nang hinawakan niya ang aking panga at tinaas iyon. “Look at me,” he said. Napaangat ako ng tingin sa kanya. “Do you remember what we did last night?” tanong nito sa malambing na boses. Namula agad ang buong mukha ko. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko 'yon magawa ngayon. “Are you sore down there? I was a bit harsh and I want to say sorry for that,” sabi nito at tiningnan saglit ang aking ibaba. Binalik niya rin agad ang kanyang tingin sa akin. “Sorry if hindi na kita hinintay na magising kanina. I didn't get a chance to properly introduce myself to you. I'm Ambrose, and please, don't call me Tito,” sabi nito at kasunod ang isang halakhak. Nakita ko kung gaano kalinis ang ngipin niya nang ngumiti siya. Kaya naman pala bumukaka na ako kagabi. Ang gwapo! Tang ina para akong kumakausap ng mga Hollywood star! Gets ko na ang sarili ko kagabi kung bakit ako bumigay sa kanya. Infairnes siya ha, kahit galing America ang galing magsalita ng Tagalog. Straight pa rin ang tagalog niya at hindi siya bulol. “Speak, don't be scared of me. Hindi naman ako nangangagat.” saglit itong napatigil sa pagsasalita nang bumaba ang tingin niya sa aking labi. “Hindi ako nangangagat, pero nangangain,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD