CHAPTER 4
Lahat yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa mukha ko. Pakiramdam ko naputol ang dila ko kasi hindi ako nakasagot sa kanya.
I cleared my throat before talking.
“Let's forget about the things that happened last night. Lasing lang ako kaya ko 'yon nagawa,” matigas na sabi ko. Sinubukan ko pa ring maging matapang sa harapan niya.
“And what if I don't?” nakangising tanong nito. Mula sa aking panga ay gumapang ang isang daliri niya sa aking labi upang hawakan iyon.
Umatras ako ng isang beses para lumayo sa kanya. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. Na para bang tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko.
Ano ba 'tong pinasok? Paano ako napunta rito?
“E'di 'wag mong kalimutan, pinipilit ba kita? Basta ako kakalimutan ko na 'yon,” sagot ko sa kanya. Pinagkrus ko ang kamay ko sa aking dibdib.
“What if I'll remind you how you begged for my big d1ck last night?” Umayos ako ng tayo. Nagtatapang-tapangan pa rin sa harapan niya.
“Hoy! Kahit malaki 'yan, makakalimutan ko pa rin 'yan, 'no! Ang dami kayang lalaki sa mundo. Hindi lang naman ikaw ang may malaking ganyan!” malakas na sigaw ko. Humalakhak ito at napahawak pa sa tiyan niya. Luh, nabaliw na yata!
“So, you admit that I have a big d1ck?” he asked while smirking. Malaki naman talaga? Bakit pa ako magsisinungaling sa kanya?
“Kakasabi ko lang, 'di ba? Bingi ka ba?” pagmamabara ko sa kanya.
“What if I asked you to have a hot night with me again? What will be your answer?”
Ang kapal naman ng mukha nitong isipin na uulit pa ako sa kanya? Hindi na 'no! Kahit gaano pa 'yan kalaki at kahaba ayaw ko na! Ang sakit kaya!
“Ayaw ko na, 'no! Ano ka sinuswerte?” mataray na sabi ko.
He nodded. Bumaba ang kamay niya at napunta iyon sa kanyang bulsa. May hinugot siya doon, isang cellphone. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya na kinakalikot ang cellphone niya. Ang isang kamay ay hawak ang cellphone habang ang isang kamay naman ay nandoon ang isang Tupperware na dala namin ni Coleen kanina.
“By the way, I accidentally took a video of what we did last night.” kaswal na sabi nito ng hindi nakatingin sa akin.
“What do you mean? 'Wag mo akong binibiro ng ganyan at baka masapak kita ng wala sa oras. Kahit babae ako at kahit mas malaki ka sa akin siguradong magkakapasa ka sa suntok ko,” kinabahang tanong ko sa kanya. Potangina anong video? Bakit may video?
Hindi siya sumagot at nakatingin pa rin ito sa cellphone niya. Nang hindi na ako nakatiis ay ako na mismo ang lumapit sa kanya para tingnan kung ano ang ginagawa niya.
Sakto namang nakarating ako sa harap niya nang itapat niya sa akin ang cellphone na hawak.
It was a video of him, typing something on his laptop. And after a while, I saw myself inside the room. He carefully put his laptop beside him. Pagkatapos ay humiga siya, nakatingin pa rin sa akin.
And after that, sunod-sunod na ang mga nangyari. Nandoon lahat!
“B-bakit ka may video na ganyan? Fvck! Delete that, please!” sigaw ko. Sinubukan kong agawin sa kanya ang cellphone niya ngunit itinaas niya lang iyon upang hindi ko maabot.
“Tang ina! Akin na 'yang cellphone mo! Delete mo 'yan gago ka ba!” sigaw kong muli. Tumalon na ako pero hindi ko pa rin abot ang cellphone niya.
Mas lalo lang akong nainis nang pagtawanan niya lang ako. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong bastos sa paningin niya dahil minura ko siya.
The video, kapag kumalat 'yon sira ang buong buhay ko.
“Give me your phone!” sigaw ko. Hinampas ko na ang dibdib niya pero parang hinampas ko lang ang isang pader.
“I'll delete this if you would agree with me.” Napatigil ako sa pagtalon.
“Ano'ng gusto mong mangyari? I swear, kapag kumalat 'yang video natin...” nanghihina kong sabi. Kapag kumalat 'yon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. My parents will surely hate me. Galit na sila sa akin pero mukhang madadagdagan pa 'yon.
“Tapos na akong tumae!” nakarinig kami ng sigaw mula sa likuran niya.
Napahilamos ako sa sariling palad nang sumulpot na lang bigla si Coleen.
Kung hindi pa kami pumunta rito ay hindi ko pa malalaman na may video pala kami! 'Yong first s*x ko documented pa tang ina. Ano 'yon remembrance?
“Follow me on my social media account if you want to talk about it,” mahinang sabi nito na sapat lang para kaming dalawa ang makarinig.
“Alis na tayo, Danica! Or dito kana muna?” nakangiting tanong nito. Bakas ang pang-aasar sa mukha niya.
“Umalis na tayo, Coleen,” malamig na sabi ko.
“Mauna na kami sa'yo, Ninong! Enjoy ka d'yan sa pagkain mo. Kagabi pa 'yan pero don't worry hindi pa naman 'yan panis.” He only nodded to her giving her a small smile.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Why would I? Kumukulo ang dugo ko sa kanya! What is his purpose for taking that video? To blackmail me?
Ang memorable naman ng first s*x ko! Nadiligan nga, may problema naman kinabukasan.
“Anong nangyari? Narinig ko sa loob parang sumisigaw na kayo, ah? Ikwento mo na bilis! Nagmukha kang bata kanina sa harap niya.” she said while laughing. Magmumukha talaga akong bata sa harapan niya, 5'3 lang naman ang height ko. Doon ako hindi pinagpala. Sa dibdib at pwet lang naman ako nakakalamang kay Coleen.
“Nag-usap lang kami,” maikling sagot ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang video.
“Uuwi na ako, maririndi na naman ako sa bunganga ng mama ko kapag hindi pa ako umuwi,” dagdag ko pa. Puro mali ko lang ang nakikita ng mama ko kaya kaunting maling galaw ko lang ay magagalit na sa akin.
“Sige na nga! Magkikita pa naman tayo bukas! Gusto ko 'yong marami kang kwento!”
Chismosa rin 'to, eh.
Kinuha ko na lang ang gamit ko sa taas at nagpasiya akong umuwi.
Nang makarating ako sa loob ng bahay ay hinanda ko na ang sarili ko para sa bunganga ng mama ko.
Pero nagtaka ako nang pagpasok ko ay tawanan ang naririnig ko sa buong bahay.
Naglakad ako papunta sa kusina upang tingnan kung ano 'yon. I found my family laughing, together with the boyfriend of my sister.
“Danica, buti nandito ka na!” Si papa ang unang nakapansin sa akin. Lumapit ako sa kanila upang magmano.
“Kumain kana ba, anak? Sumabay kana sa amin,”
I looked at them. My mom and my sister seem like they don't the idea of me joining them.
Pangalawang family na 'to ng papa ko. Magkapatid lang kami sa ama. Pero mas matanda siya sa akin. Wala kaming alam ni mommy na may anak na pala si papa sa ibang babae bago niya ito pinakasalan. Kaya nung namatay si mom, tuluyan na nga silang nagsama nung babae. Pero hindi naman siya pinakasalan ni papa.
“Tapos ba po akong kumain sa kanila ni Coleen, pa.” sagot ko.
“Akyat na po ako sa taas,” paalam ko sa kanila umalis agad.
“Wala talagang respeto 'yang anak mo, Danilo,” narinig ko pang sabi ni mama nang umalis ako. I still call her mama though, kahit hindi naman siya nagpapakaina sa akin.
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Ang una ko agad ginawa ay ang pagpunta sa social media account ko upang hanapin ang account ni Ambrose.
Hinanap ko siya sa friends ni Coleen at luckily nakita ko ang account niya.
What the fvçk? He has 100k followers! And he do vlogging? Kaya ba nagvivideo siya nung pumasok ako sa kwarto niya? How come hindi dumadaan sa akin ang mga video niya?
I scrolled down and saw that most of his videos gained a thousands views!
Famous pala 'to! Ang nakakakuha ng maraming views ay 'yong mga video na nasa gym siya. It gained a million views.
Mapapansin niya kaya kung magpapadala ako ng mensahe sa kanya? Sa account niya ay mukhang kada minuto maraming babae ang nagsesend ng message.
Should I send a message? Puntahan ko na lang kaya sa kanila?