Pinilit kong itinulak ang ulo niya para makita ko ang mukha niya pero mas sinubsob lang nito ang mukha sa tyan ko. Hindi ko alam kung dahil nahihiya siya sa kadramahan niya o dahil umiiyak pa rin ito hanggang ngayon. "Tumingin ka sa akin." "Y-You'll laugh when you see my f-face." "Titignan ko lang ang gwapo mong mukha," sinadya kong palambingin ang boses ko. Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin. Mugto ang mga mata nito sa pag-iyak. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinili kong intindihin ang kadramahan ng Boss ko. Halata namang gusto lang nitong malambing. Bumaba ang paningin ko sa namumula nitong mga labi. Nakakatakam. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang lumalapit ang ulo ko sa kaniya. Naramdaman kong tumama ang labi namin sa isa't isa. Natigilan si Evander sa ginawa ko

