Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din siya, hinarap ko siya. "Pinapahirapan ka pa rin nila hanggang ngayon? Kasalanan ko 'to, alam nilang magkaibigan pa rin tayo kaya ikaw na ang pinahihirapan nila. Kung may magagawa—" "Hindi noh! Ano ka ba naman!? Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo. Ganon naman talaga sila mula pa noon, maiitim ang budhi. Kasalanan ko rin dahil nagpapaalila ako sa kanila. Pero huwag kang mag-alala kapag nakapagpatayo na ako ng tindahan, magre-resign na ako nang sa ganon ay hindi ko na makita ang pagmu-mukha nila." Napailing na lang ako. Kung pwede ko lang sana siyang ilipat ng Team ay matagal ko ng ginawa. Bwesit na Albert 'yon, hindi pamamatay matay kasama ng anak niya! "Nakakatampo lang dahil hindi na kita kasama. Iniwan mo na ako." Pinunasan niya an

