Hindi rin nagtagal si Evander dahil matapos kumain ay kinailangan nitong umuwi agad matapos makatanggap ng tawag mula sa Chairman, mukhang may importante silang pag-uusapan ng kaniyang ama. "Ingat," kinawayan ko ang kotse nitong papalayo. Inantay kong mawala ang kotse niya sa paningin ko bago ako pumasok. Nagtungo ako sa kusina para kumuwa ng tubig. Natagpuan ko roon si Yette na naghuhugas ng platong pinagkainan namin. Kumuwa ako ng baso at lumapit sa kaniya. Katabe nito ang jug ng mineral water. "Nakaalis na ang manliligaw mo?" "Oo, kapag hindi na 'yon bumalik ikaw ang may kasalanan." Binuksan ko ang gripu ng jug at nilagyan ng tubig ang baso ko. "Sigurado ka ba dyan sa mangliligaw mo, Ate?" bigla niyang tanong. "Ayokong umiyak ka na naman gabi gabi dahil lang sa lalake." Napanguso

