Itinulak ko si Evander papasok ng kotse niya. "Umuwi ka na, bilis! Sa opisina na lang tayong mag-usap!" Itulak ko siya pero parang wala ring nagawa iyon dahil mas malake siya. "Wait? Why? Who is that guy—" "Basta bukas ko na lang sayo ipaliliganag—" "Ate!" Namura na lang ako ng isipan nang makalapit sa amin si Yette. "Sino ang lalaking 'yan?" agad na bumaba ang mga mata ng kapatid ko sa hawak hawak kong bulaklak. "A-Ano.. B-Boss ko siya. Boss ko siya sa trabaho. Actually, aalis na nga siya diba?" Pinanlakihan ko ng mga mata si Evander para ihudyat dito ang gusto kong mangyare pero nangunot lang ang noo nito, hind naintindihan. "No, It's okay, I can stay—" "Bakit hindi mo kaya papasukin ang bisita mo sa loob ng bahay, Ate?" matigas na saad ni Yette. "Gusto kong makilala ang boss mo."

