Nagsimula itong magdrive. Kahit sa pagdadrive niya ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Hindi matigil ang bibig. "I send you a friend request a week ago but you haven't respond." Itinago niya ang phone niya sa bulsa bago nagtatampong hinarap ako. "Let's be mutual in socials." "Hindi ko masyadong ginagamit ang socials ko," pagsisinungaling ko. "Pwede mo naman akong i-email tungkol sa mga may work related stuff or whatever. Hindi na natin kaylangan pang maging mutual sa socials—" Actually, matagal ko ng nakita ang friend request nito. Hindi ko lang talaga pinapansin. Pati mga chat niya ay hindi ko rin pinapansin, nakalagay na nga siya sa mga restricted account ko para lang hindi ko na mabasa ang mga messenges niya sa akin. I keep my socials clean at alam kong padudumihin niya lang iyon

