26

1322 Words

“MARAMING salamat,” sabi ni Phylbert kay Penelope habang yakap-yakap niya ito. “I’ll keep in touch. Susunduin ka namin ni JC dito pagdating niya sa Pilipinas.” Paalis na sila nang umagang iyon. Hindi muna sila babalik sa Maynila dahil magtutungo pa sila sa Manaoag upang magsimba. Isinasama nila ito ngunit kailangan daw ito sa puwesto. Kahapon kasi ay ginugol nila ang buong araw nang magkasama. “Mag-ingat kayo,” bilin nito. Niyakap din nito si Jace at tila may sinabi rito ngunit buntong-hininga lang ang naging tugon ng binata. “Ano’ng sinabi sa `yo kanina ni Pen?” tanong niya habang nasa daan na sila. Nagkibit-balikat ito. “Nagpaalam lang siya.” Kusang tumikwas ang isang kilay niya. Alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Kahit na nais sana niyang malaman, hindi na niya ito pinilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD