27

1339 Words

HALOS wala sa loob na binayaran ni Jace ang sinigwelas na binili niya para kay Phylbert. Kanina pa niya iniisip kung yayayain na ba niya itong umuwi o maglilibot pa sila sa lalawigan. Pangasinan was known for its beaches. Naitanong na niya kay Penelope ang daan patungo sa dagat. Normal na raw sa mga nagsisimba sa Manaoag ang maligo sa dagat pagkatapos. Patungo na sana siya sa naglalako ng mga suman at puto nang makarinig siya ng tinig. Hindi siya lumingon kaagad dahil hindi siya sigurado kung siya nga ang tinatawag niyon. “Kuya! Kuya, sandali lang po!” Lumingon siya upang makasiguro. Siya nga yata ang tinatawag ng isang dalagitang may nakapaikot na bandana sa ulo. Isang tingin pa lang dito ay malalaman nang may dinaramdam ito. Naaalala niya ito. Ito ang dalagitang nilapitan ni Phylbert

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD