11

1274 Words

“HUWAG kang titig nang titig sa mukha ko. makinig ka.” Napanguso si Phylbert sa sinabi ni Jace. Nasa bahay na naman nila ito. Katatapos lamang nilang maghapunan kasama ang mga magulang niya. Si Joaquin ay nakikain sa bahay nina Penelope. Nasa library silang dalawa at tinutulungan siya nito sa thesis na ginagawa niya. “Ano’ng magagawa ko, ang pogi-pogi mo?” aniya. Pinandilatan siya nito at tinapik ang binti niyang nakapatong sa kandungan nito. “Lalayasan kita. Akala ko ba, kailangan na kailangan mo ng tulong?” Inayos ni Phylbert ang pagkakasandal niya sa armrest ng sofa kung saan sila nakaupo. Muli na naman nitong ipinaliwanag sa kanya ang mali sa ginawa niya at kung ano ang maaari niyang gawin upang maitama iyon. Sinikap niyang makinig kahit na nadi-distract siya sa guwapo nitong mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD